Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart
Chapter 52: Aalis
- Harry
Nandito 'ko ngayon sa tapat ng classroom. Hindi ko alam kung pano kong sasabihin 'to sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko siyang haharapin.
Basta ang alam ko lang, nakakagago!
Naiisip ko pa lang na iiyak siya, parang ayoko nang tumuloy. Ayokong makita siyang umiyak nang dahil lang sakin. Ayokong masaktan siya. Ayokong---Argh! Kung alam ko lang na ganito, sana dati pa lang, hindi ko na inamin sa kanya na gusto ko siya! Edi sana hindi na mahirap na mag-paalam sa kanya!
"Umuwi na si Shaine." Napakunot na lang ang noo ko nang sinalubong ako ni Stef.
"Huh? B-bakit??"
"Basta umuwi ka na lang, okay? At kung pwede lang, wag mo siyang masyadong paiyakin." Payo lang niya kaya napatakbo ako agad.
Shit! Wag niyang sabihing alam na niya?!!
- Shaine
Naglalakad ako ngayon papuntang main gate.
Gusto ko nang umuwi dahil parang nawalan na 'ko ng gana. Kung pwede nga lang na idaan ko na lang lahat sa iyak para yung mata ko lang yung masaktan, gagawin ko na---Kaya lang ang sakit talaga sa dibdib! Biruin mo, ni hindi ko man lang alam na aalis na pala siya?!
"Shaine??" "Anong nangyari sayo?" Wala na kong pakialam sa mundo ko. Ni hindi ko na nga nilingon yung tumawag.
Alam kong nag-aalala siya sakin pero wala talaga ko sa mood makipagusap.
"Jacob, please, wag mo muna kong kausapin." Pakiusap ko at pinilit na hindi niya marinig yung basag na boses ko kakaiyak.
"Shaine!Bakit?! Sinong nagpa-iyak sa---" "Alam mo naman na sigurong aalis si Harry, diba??" Nang sinabi ko yon, napatahimik siya. Nainis tuloy lalo ako.
Hindi ko talaga mapigilang hindi mainis sa ngayon. Biruin mo, pinagmumukha niya talaga kong TANGA no?!! Oo! Alam ko namang TANGANG PAGONG lang ang tingin niya sakin! Pero bat naman ganon siya, ha?!!
LAHAT SILA ALAM NA AALIS SIYA---TAPOS AKO LANG HINDI?!!
"Wow. Ganon na lang pala yon no? Iiwan niya na lang ako nang ganito. Wala yatang balak magpaalam." Inis na sabi ko at binilisan ang paglalakad.
"Shaine, i-it's not it! You talk to him. May dahilan kung bat niya gagawin---" "Talk for what?! Para sabihin niyang 'Goodbye'? Ganon?!" Inis na sabi ko at wala naman siyang nasagot.
"Shaine, may dahilan si Dude. Hindi ka niya iiwan nang---" "Please!! Tumahimik ka na lang, okay?!" Inis na sigaw ko at tumakbo na. kaya langbigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"You're going home, right? Then let me at least give you a lift." "Don't worry, tatahimik na 'ko" Seryosong sabi niya kaya hindi na ko nakapalag. Dinala niya 'ko sa parking lot.
- Harry
Gabi na pero hindi pa rin kami nakakapagusap. Kakausapin ko sana siya pero napauwi ng di oras sila Mommy at biglang sumugod sa kwarto ni Shaine dahil sinabi ni Manang na umiiyak siya.
