Chapter 67: Just Like Her

2.4K 56 2
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 67: Just Like Her

- Wendy

"Look! It's already 7PM! I have many things to do, okay? Baka nakakalimutan niyo, we're graduating students! Marami tayo mga kailangang---" "Wendy, enough, okay? Wag ka ngang magpanggap na parang ang sipag mo! Diba pinapagawa mo lang naman ang projects mo??" Sagot no Erica kaya naspeechless ako.

Argh! Okay, she got me there!

"Okay. Whatever!"

"Hay! Pero alam niyo, naaawa talaga ko kay Shaine. Sana naman maalala man lang siya ng napakagaling niyang Boyfriend.. " Side comment ni Erica.

Napansin ko lang, bat yata ang init ng dugo ni Erica sa Harry ko? Anong problema niya?

"Wag kang OA, Erica, okay? I know mahal ni Harry si Shaine. Alam kong may dahilan 'yon." Pagtatangol ni Stef kaya napasang-ayon ako (kahit masakit).

Naglalakad kami ngayon nila Stef papunta sa kwarto nila Kent. May mga driver slash body guards kasi ang mga kasama ko, si Jack at si Kris.

Makikisabay ako ngayon kay Stef, at never kay Erica dahil malaking EPAL ang boyfriend niya. Hindi ko alam kung bakit ang hot ng dugo sakin.

Anyway, hindi naman sa naghihirap ako kaya ako sasabay, kaya lang ayokong maghintay ng matagal. Matatagalan pa pagnagpasundo ako sa driver ko.

"Baby! Tagal niyo ah?" Bati ni Jack at niyakap si Erica.

"Wala kasing nagbantay kanina kay Shaine." Sagot naman niya.

"Ah! Buti naman. Akala ko may nag-aya na naman sayong gumawa nang kaartihan." Parinig ni jack, napataas naman ang kilau ko.

"Excuse me??" Malaking epal talaga siya!

"Oh! Enough na! Baby naman! Sinabi nang be good to Wendy, diba??" Pagpapakalma sa kanya ni Erica.

"Bakit? Wala naman akong ginagawa ah? Hindi ko naman kasalanan kung natamaan siya." Wow. Great! Kaya kahit-kailan talaga, hindi ako boto sa kanya!

Mas gusto ko si Jeremy para kay Erica!

"Haa! Itigil mo na 'yan, Dude! Baka hindi pa pumayag yan..." Siko ni Kris sa Jerk.

Hay! Buti pa si Kris! He's trying his best to understand me.

"Anyway, good news, guys! Gising na si Shaine!" Masayang pagpapaalam ni Erica. Nagtaka naman kami dahil parang wala lang sa kanila.

Alam na ba nila o wala lang silang pakialam?

"Ganon ba? Buti naman." Walang kabuhay buhay na sabi ni Rockz.

I smell something fishy here.

"Sige! Uwi na tayo. Maaga pa tayo bukas sa school." Aya ni Kris.

"Uhmm. Anyway, Kris! Sasabay nga pala si Wendy." Nakaplease sign na sabi ni Stef kaya napatingin na lang siya sa'kin.

"Oh. Sig---" "Okay! Pwede raw, Wendy!" Ngiti ni Stef at may tears of joy pa!

"Wait! Hindi pa ko tapos, okay?! Sabi ko pwede pero kay Rockz."

"WHAT?!" Napaalmang sabi ko at napatingin kay Rockz.

No! No way! Baka kung ano lang mangyari sa'kin kapag siya ang kasama ko! Remember when I got lost and I fell in that sticky putik last time?! Muntik niya na kong hindi tulungan!

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon