Chapter 40: Condom

3.1K 57 2
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 40: Condom

- Shaine

"H-harry, bat ka ba kasi natulog ka sa lapag?! Bat ka lumipat, ha?!" Inis na sabi ko.

Nagising na lang ako kasi ako kaninang madaling araw, siya yung nakahiga sa lapag. Inuubo at ginaw na ginaw!

"Wag ka na ngang maingay! Wala akong utak na kagaya ng sayo kaya okay lang ako! Matulog ka na lang!" Nakahiga lang siya ngayon sa kama at balot na balot ng kumot. Nakokonsensya naman ako dahil nang dahil sa'kin may lagnat siya ngayon.

"Wait! Bibili ako ng gamot, okay? Baka may drugstore na bukas pa sa---" "Lalabas ka ng ganyan?!" Napatingin na lang siya ng masama sa damit ko. Napatingin tuloy ako sa suot ko. Hmmp.

"Eh anong gusto mong gawin ko, ha? Hayaan kang ganyan?!"

"Shaine, pwede ba?! Hindi ako mamamatay sa simpleng lagnat, okay?!" Nakakainis na sagot pa niya.

Kaya naman kinuha ko na ang coat niya at sinuot 'yon---Bahala siya! Lalabas ako!

"Shaine!" Tawag niya pero di siya nakasunod. Hindi siya nakatayo nang dahil sa panlalambot.

Makalipas ang ilang minuto, nakababa na 'ko ng elavator. Nandito ko ngayon sa lobby at tatanungin ko sana yung babae sa front desk kung may malapit na drugstore.

"Miss, saan po may malapit na drugstore dito?"

"There's a drugs store in the first street, Ma'am." Ngiti niya kaya naman naglakad na 'ko para umalis.

"Oh! Lalabas po kayo?" Nag-aalalang tanong niya. Napatango naman ako.

Kailangan ko kasi talagang ibili si Harry ng gamot!

"Alam niyo delikado po sa labas twing gabi. Isa pa mahamog po sa labas, baka po makasama sa baby niyo." Sabi na lang nang babae kaya natauhan ako.

Jusko! Oo nga pala, buntis nga pala 'ko!

"Uhm. Dont worry about me, Miss. I'm fine. M-may kailangan lang kasi yung asawa ko." Ngiti ko na lang.

Argh! Nang dahil kay Harry, nabuntis ako!

"Oh! 'Yon po ba??" "Wag po kayong mag-alala, free lang 'yon samin. hihi." Nagulat na lang ako nang biglang napangiti ang babae.

"M-meron kayo??" Gulat na sabi ko.

Aba! Meron naman palang gamot sa lagnat dito e! Ayos din 'tong hotel na no? May freebie!

Napatingin na lang ako nang may inabot na sachet ang babae. Nakakapagtaka kasi hindi normal na sachet ng paracetamol ang inabot niya. Medyo mas malaki.

Teka?? Bat ganito to?? Sure ba talaga siyang panglagnat to??

"Uhm. Sure po ba kayong---"

"Opo! Basta goodluck, Ma'am! Matibay po 'yan. Dahan-dahan lang po, ingatan niyo po si Baby. Hihi." Dagdag pa niya at binigyan ako ng malaking ngiti.

"Thanks." Ngiti ko kahit hindi ko maintindihan. Hindi ko kasi lubos maisip na may ganito palang brand ng paracetamol!

Hay! Bahala na nga! Basta papainumin ko nito si Harry!

- Harry

Pinipilit ko talagang tumayo pero nanglalambot ako. Arghh! Asar naman! Ganon ba kahina ang resistensya ko!?

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon