Chapter 36: Be My Date

3.3K 60 2
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 36: Be My Date

- Harry

"WTF?!" Ginaga ba ko ni Harden?! Akala ko ba tuturuan niya 'ko??

"Dude! Effective yon!" "Halos lahat ng babae nafa-fall sa konting pick up line! Besides, minsan kailangan mo ring maging korny." Napakamot na lang siya sa batok.

Langya! Hindi naman ako ganon ka-corny para gawin yon! Ako nga sa sarili ko hindi ko maimagine na gagawin ko yon---Si Pagong pa kaya?!

"Dude! Ang korny! Ayoko!" Iling ko. Pinagtri-tripan lang yata ako ng gagong 'to!

"Dude naman! Walang mawawala kung di mo susubukan, okay?!""Sige! Go! Basta bumanat ka na dude! Titingnan ko kung pwede." Pilit niya.

Sa totoo lang, kung marunong lang talaga kong manligaw, hindi talaga ko hihingi ng tulong sa kanya! Lalo na sa Ka-kornihan ng ulol na 'to!

"Ehem." "Sh-Shaine, t-turnilyo ka ba?"

"DUDE!" Sigaw niya na gusto na yata akong suntukin sa inis. Aba! Gago 'to ah! Kung inis na siya sa ginagawa ko, mas lalo naman ako! "Pwede ba?! Dapat gawin mong flawless yung pagsasalita mo! Smooth dapat! Yung parang totoo! Hindi yung nauutal!"

"Eh kung sapakin kaya kita?!" Sigaw ko na lang at inambahan siya. Natahimik naman siya at napasimangot.

"Dude naman! Pano kang makakascore kung wala man lang sincerity yung sinasabi----" "Paanong magkakaroon ng sincerity, kung puro ka-kornyhan naman, ha?!" "Argh! Alam mo, I think I can do it on my own! I'm not that kind of guy na kayang maging corny, okay?!" Inis na sabi ko na lang at napairap.

"Hay! So ano nang gagawin mo??" Napaupo na lang siya sa sofa. I think suko na siya. Pangatlong idea niya na kasi yung pick up line. Una, eye contact daw. Kailangan daw pamatay yung tingin ko, yung tipong kitang-kita sa mga mata ko na may gusto ko sa kanya. But I refused that idea! Kasi sobrang slow ng pagong na 'yon. Sigurado, hindi niya magegets!

Second, body language. Yung tipong pasimplebg holding hands tapos magkakatinginan daw kaming dalawa tapos----See?! Korny!

"I will do it in my own style." Ngiti ko.

"Huh?! So paano yung deal natin, dude?! Yung ilalakad mo ko kay Shiela?!" Sabi niya at nagpout. Tinap ko naman ang balikat niya.

"Dont worry, ilalakad pa rin kita." "Sige, alis na ko." Paalam ko.

"Sige, dude! Balitaan mo ko sa resulta, ha?" Kaway niya at tinawanan pa ko.

Ako si Harry Cojuangco! Kaya ko 'to!

- Shaine

Dahil ang boring pumunta na lang ako ng garden at nagtanim ng bulaklak. Naalala ko kasi dati nagtatanim rin kami ng ganito ni Mommy. Medyo nakakamiss tuloy pero kahit ganon kontento na rin naman ako ngayon.

Kahit na hindi pa rin ako nakakaget over sa inis ko kay Bruhild--este TITA Hershy---Okay lang. hehe.

Dahil kasi sa kanya, naipanganak ang masungit na 'yon. Dahil sa kanya, nakilala ko yung masungit na yon. Kaya kung di dahil sa kanya, wala akong makikilalang masungit, isnobero, kaskasero, naninigarilyo, at higit sa lahat basagulerong step brother.

Kaya lang iba na siya ngayon.

Gusto ko tuloy na maging close na lang sana ulit kami---Well, hindi naman talaga kami close (Feeler lang ako) pero sana bumalik yung dati! Gusto ko yung lagi niya kong sinusungitan, iniisnob at----Well, Lagi rin naman niyang ginagawa yan pero sana makalimutan na lang namin yung LOVE na yan! Kasi nagiging complicated lang lahat! Namimiss ko na tuloy yung---Natauhan na lang ako ng biglang m-may sumandal sa likod ko. Kaya naman napatingin ako.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon