Chapter 51: Six Days

2.6K 40 1
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart


Chapter 51: Six Days



- Wendy

Hindi ko talaga mapigilang hindi maiyak. Alam kong wala akong magagawa sa pag-alis nya at wala lang ako sa kanya---pero mahal ko talaga siya! 

Siguro baliw na talaga ko pero ayoko talagang umalis siya!

"Wait! W-wendy!! Hindi pwede!!" Pigil sakin ni Stef. "Hindi pa alam ni Shaine! Ayaw pang ipasabi ni Harry kaya wag mong----" "S-Stef, hindi pwede! K-kung si Shaine talaga ang gusto niya, FINE! Whatever! Pero ibang usapan na 'to! Aalis siya! Iiwan niya ko! Ayoko!" Sigaw ko habang umiiyak. Pinilit kong kumawala sa hawak ni Stef.

Nalaman ko pa lang na aalis siya, ang sakit na kahit wala ako sa lugar para masaktan.

"Pero, Wendy! Magagalit si Harry kapag pinangunahan mo siya!---Argh! Wendy!!" Nang makawala ako at maitulak si Stef, agad na 'kong tumakbo papuntang classroom.

Isa lang ang nasa isip ko ngayon, kahit anong mangyari, kailangang hindi umalis si Harry! Kung kailangan kong magmakaawa kay Shaine, gagawin ko! Basta pigilan lang niya si Harry! 

Basta wag lang siyang mawala!



- Shaine


Nandito ako ngayon sa room. Hinihintay ko si Harry dahil sabi niya sabay kaming kakain.

Hay! Yung masungit talagang yon! Ang bagal-bagal! Baka nakatulog na naman ah?? Hmmp! Mamaya talaga sisigawan ko yon tapos pipingutin ko pa! Sabi niya kasi magiging mabait na siya  sakin at susunurin niya raw lahat ng gusto ko, diba?!

Hmm. Pero napansin ko, parang nagiging sweet yata siya ngayon? hihihi.

"Shaine, anong gusto mong maging??" Natauhan na lang ako nang tinanong 'yon ng ilang classmates ko.

"Huh??"

"Uhm. Ang ibig sabihin niya, anong pangarap mo??" "Sigurado naman may napagplanuhan ka na sa college diba?? Ilang months na lang gagraduate na tayo e." Paliwanag pa niya kaya natahimik ako.

Hindi ko pa kasi naiisip ang future ko.

Kontento na 'ko basta lagi kong kasama si Harry. hihi.


"SHAINE!!" Napatingin na lang kami sa pintuan nang biglang may sumigaw.

"Wendy? A-anong nangyari sayo?" Gulat na tanong ko nang makita siyang umiiyak.

Hanggang sa nagulat na lang ako nang lumuhod siya sa'kin!

JUSKO! Anong nangyari sa kanya?! Parang kahapon lang, sinampal niya ko, diba?!

"W-wendy! Tumayo ka nga!" Nagsitinginan kasi ang lahat ng mga classmates namin at nagbubulungan na. Baka akalaing pinaiyak ko si Wendy.

"S-Shaine! Sorry sa nasabi ko kahapon! Sorry! Pero, please! Si Harry!" Umiiyak na sabi niya at nakaluhod pa rin. Feeling ko hindi lang to simpleng problema.

Bakit kaya? May ginawa kaya si Harry sa kanya?! H-Hindi kaya inaway siya ni Harry nang dahil sa kahapon?! Argh! Patay talaga siya sakin mamaya!

"Bakit, Wendy?? May ginawa ba siya sayo??" Nagaalalang tanong ko. Pinilit ko siyang patayuin pero umiling lang siya at umiiyak pa rin.

"Shaine, kung talagang mahal ka niya---Tanggap ko na" "Pero Shaine! PLEASE! Pigilan mo siya!" Nagmamakaawang sabi niya at mas lalong naiyak. Napakunot tuloy ang noo ko.

Anong pinagsasabi niya, ha?? S-sinong pipigilan ko??

"A-anong pigilan??" Tanong ko pero tumayo lang siya at hinawakan ang mga kamay ko.

"P-pupunta na si Harry sa US! Four years, Shaine! Four years siya ron! Pwedeng hindi na siya bumalik!" Sigaw niya at mas lalong humigpit yung hawak sakin.

Napatulala naman ako kay Wendy. Hindi ko alam kung totoo ba yung sinasabi niya.

"A-anong p-pupunta sa US ang pinasasabi mo? S-sinong---A-anong pinagsasabi mo?!" Hindi makapaniwalang sabi ko at napatulala sa kanya.

Teka! N-nagbibiro ba siya?? Ni hindi nga sakin sinasabi ni Harry na aalis siya diba?! Imposible namang 'yon yung sinabi niya dati na, Paano kung umalis ako?

"Hindi ko alam kung kailan siya aalis, Shaine! B-but one thing is sure! Nandito si Jei para sunduin siya! Kaya Please!! Stop him!! Please!" Dagdag pa niya kaya parang naniniwala na ko. Pinipilit kong hindi maniwala pero bigla na lang akong naiyak.

"Hi--Hindi!!" "Hi--hindi totoo yang sinasabi mo! Hindi si Harry! B-Baka ibang Harry y-yung sinasabi mo!" Sigaw ko sa kanya pero napayuko lang siya habang umiiyak.

"Shaine, that's true." Nagulat na lang ako nang pumasok sila Stefanie at Erica na malungkot at sinabi yon. Nang dahil don, hindi ko alam pero nabato na lang ako, parang binuhusan ako ng malamig na tubig at napako na lang ako sa kinatatayuan ko.

T-totoo ba, Harry? Aalis ka?! Iiwan mo ko?!



- Harry

Sa wakas, pinakawalan na nila ko. Argh! Patay sila sakin pagnakita ko sila!

Matapos akong gulpihin, nagsitakbuhan pagkatapos?! Mga ulol talaga yon!

"Psst. " Napatingin na lang ako sa tumawag. Si Jei.

Pssh. Anong kailangan niya? Wag niya sabihing aasarin niya na naman ako?!

"Let's talk. I think it's time to tell you the reason why I'm here." Nagulat na lang ako nang seryoso siya. Sabi ko na nga ba may dahilan kung bakit siya nandito e!

"Go. Spill it out." Uto ko at naupo na lang sa bench. Nanatili naman siyang nakatayo.

"You have 6 days." Mahinahong sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

A-anong 6 days?

"Napabilis yung contract niyo ni Dad. You have six days left to tell this to your girlfriend, before you leave." "S-Six Days?!!" WTF?! Anong pinagsasabi niya?! Nanggago ba siya?! SIX DAYS?! Paano kong sasabihin yon kay Shaine, ha?! Siguradong masasaktan siya nito! HINDI PWEDE!

"T-teka! A-akala ko ba after graduation, ha?!" Sigaw ko pero tumingin lang siya sa orasan.

"May gustong ipagawa sayo si Dad." Simpleng sagot lang niya.

Hindi ko alam pero parang gusto ko nang itakwil ang APLIDO ko. T*ngina! Kung pwede lang palabasin na hindi niya ko anak gagawin ko e! SIX DAYS?!! Anong magagawa ko don??? Baka nga hindi ko pa magawang magmake up kay Shaine ng maayos e!

Lumipas ang ilang sandali, para lang akong nabato. Napaupo naman siya sa tabi ko.

"Hay! Bat ba kasi ikaw ang paborito e??" "Sa totoo lang, mas deserving pa nga ako sayo. Pero bakit---" "Kung gusto mo ng posisyon ko, sayong-sayo na, Jei!" "Basta utang na loob, bigyan mo ko ng dalawang linggo. Kahit dalawang linggo lang" Pagmamakaawa ko pero nangiti lang siya ng parang inis.

"Hay! Sana nga kaya kong gawin 'yon." "At kung pwede lang, ayaw kitang makasama." "Kaya lang hindi, Harry. Everything is set only for you." "Lahat inayos ni Dad para lang sayo." Inis na sabi niya kaya napayuko na lang talaga ko.

Habang nakayuko, napatingin na lang ako sa wrist watch ko.

Naalala ko tuloy si Shaine. 

Nakakalungkot----T*NGINA!



Paano na tayo, Shaine?

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon