Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 39: Pregnant
- Shaine
Nakangiti lang ako at kumakanta habang nag-aayos. Excited na ko! Sabi kasi nila Kent at Harden sasalubungin daw nila ko sa gate pa lang! Isa pa, hindi ko pa kasi nasasabing date ko si Harry! Excited tuloy akong makita ang reaksyon nila. Hihi.
Natauhan na lang ako nang may biglang kumatok. Hmm. Pang-ilan na nga ba yon?
"Pagong! Ano bang ginagawa mo dyan?? Kanina pa dyan ah!" Nagulat na lang ako sa sigaw ni Harry. Sigurado ang sama na naman ng tingin niya paglabas ko!
Haay! Sana naman kahit minsan sapian siya ng espiritu ng pagka-sweet oh!
"Sige, susunod na ko, Harry. Wait lang!" "Pssh. Bababa na ko! Bilisan mo kung hindi iiwanan kita!" Nang sinabi yon ni Harry, kinabahan na lang ako. Lalo na nang narinig ko ang mga yapak niya pababa ng hagdan.
Hmmp. Ang sama talaga niya!
"Shaine. Kaya mo bang tumagal nang ka-date siya??" Tanong ko na lang tuloy sa salamin. Naiimagine ko pa lang kasi na kasama siya, feeling ko isang masungit, hindi gentleman at butter na Harry na ang makakadate ko e (as usual)!
Hmmp. First date ko pa man din!
- Harry
Hindi ko alam ang ginagawa niya sa loob ng room niya! Basta ang alam ko lang magdadalawang oras na siya.
So talagang gusto niyang magpaganda ng sobra ah?? Nasayang lang tuloy tong film ng camera ko! Baka full memory na to kakapicture ko ng kung anu-ano dito sa bahay.
Ano ba kasing ginagawa niya?? Pintura na ba ang nilalagay niya sa mukha niya?!!
"Harry, tapos na ko." Sabi niya kaya napatingin ako mula sa pagpipicture sa kanya.
Nang nakita ko siya, napatitig na lang ako at napalunok.
"WOW! May Camera ka pala??" Tuwang-tuwang salubong naman niya at savay kuha ng camera ko. Light make up, wavy hair, simple pink dress, with a perfect smile. It all suits for her personality. Mukha tuloy hindi siya ganon kapagong sa suot niya.
"Uy, Harry! Turuan mo naman ako nito oh?? Diba nangangain 'tong camera na ganito??" Sabi niya habang pinapakailaman yung camera ko.
Natauhan tuloy ako.
"Pssh. Ang tagal mo! Yan lang naman ang ayos mo!" Inis na sabi ko na lang at sabay hablot ng cam ko.
Gaya nga ng sabi niya nangangain to. Baka masira pa niya, ito na nga lang ang nag-iisang nabili ko!
"Aray! Anong ito lang?! Ang ganda kaya ng ayos ko no! At kahit na ayaw kong aminin to, natutuwa ako dahil binigyan ako ng damit ni Tita Hershy." Ngiti niya kaya nakakainis.
"Pssh.." Buti pa siya naalalang bilhan ni Mom. Samantalang yung pinabibili kong sasakyan, nabulok na yata sa tindahan.
"Oh?? Tara na??" Aya niya at ngumiti. Habang ako naman, iniwan na lang siya bigla at lumabas na nag bahay.
- Shaine
Nandito ngayon ako sa labas ng gate ng bahay. Sabi niya hintayin ko na lang raw siya.
Sa totoo lang, kanina ko pa iniisip 'to. Diba big bike ang sasakyan namin??? Hala! Magugulo na naman ang buhok ko! Nakashort dress pa man din ako! Sigurado makikitaan ako nito!