Chapter 47: Regalo

3.2K 54 0
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart


Chapter 47: Regalo



- Kris

Chicken crepes ang lulutuin namin. Ewan ko pero mukha namang marunong magluto si Stef. Mukhang makakaraos kami. 

Ang problema lang ngayon, galit siya sakin. Pano kasi inaya ko si Shaine na maghike nung natutulog pa siya. Kung ano tuloy ang iniisip niya. Wala na tuloy akong nagawa at pumayag na lang sa cooking game na gusto niya, dahil kung hindi, magagalit lang siya buong araw 'to sakin.

"Chef, Ano na pong gagawin natin??" Lambing ko at niyakap siya, pero tumingin lang siya ng masama sakin. Napabitaw tuloy ako.

Hays. naglalambing lang, galit na agad siya?

"Pssh. Wag ka ngang magpacute dyan!" Inis na sabi niya at biglang kumuha ng kitchen knife.

Napalunok tuloy ako.

"A-ano yan??"

"Im going to slice you into pieces.." Seryosong s-sabi niya kaya napatulala na lang ako.

Damn. Is this a joke??!! I never thought that she'll be like this.

P-pano ko ba mapapalamig ang ulo niya?!

"U-uhm. O-okay." Sabi ko na lang at lumayo na. Kinuha ko na lang ang recipe book at binasa ang gagawin namin.

Nang nagsimula na kami, akala ko ayos na. Kaya lang, nakataas pa rin ang kilay niya. Alam kong nagpipigil lang siya ng galit, siguro nga kung pwede niya kong saksakin kanina pa, baka ginawa niya na.

Hay! Ano ba kasing problema niya?! Sinabi na kasing wala na yung amin ni Shaine, diba? Magkaibigan na lang kami. Hay.

"Chop the chicken to small pieces." Basa ko sa cooking book, siya naman ang gumawa. Ayaw niya kasi akong patulungin.

Hanggang sa nagulat ako ng kinuha niya yung malaking knife, yung pangchop talaga.

"Wait, Stef! Let me do it. Baka mahiwa ka, masyadong matalim---" "As if you care." Inis na sabi niya kaya napakunot na lang ang noo ko.

Hay! Bat ba ang init masyado ng ulo niya, ha?!

"Fine! Do it by yourself. Pagnahiwa ka, Bahala ka!" Inis na sabi ko at hindi na siya pinakailaman. Pssh. Bahala siya! 



- Stefanie



Sa totoo lang, hindi naman ako galit kay Shaine kasi alam kong niyaya lang siya ni Kris, magkaibigan lang sila. Kaya lang, hindi ko alam kung dahil sa first day ko ngayon, pero naiinis talaga ko kay KRIS! Kaya ito, kulang na lang tadtarin ko ng taga 'tong chicken sa harapan niya, para malaman niyang galit talaga--"A-ARAY!" Inda ko matapos mahiwa ang daliri ko.

Argh!. Bat ba ang malas ko, ha?!

"W-what happened?!" "Sabi ko naman kasi, ako na, diba?! Argh. Come on! Let me see!"
Nagulat na lang ako ng sumulpot si Kris sa harapan ko. Nakita niyang dumudugo ang daliri ko kaya tinago ko na lang.

"Oh bat ka ngayon bumabalik?! Akala ko ba bahala ako?!" Inis na sabi ko.

Pssh. Kung makapagreact para namang may pakialam siya sa feelings ko!

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon