Chapter 57: Sorry

2.8K 53 13
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart


Chapter 57: Sorry



- Shiela


Simula noong araw na pumunta sa bahay si Harden, hindi na siya nagparamdam. Kahit text tawag o kahit ano mula sa kanya, hindi ko na naramdaman.

"Okay ka lang, Shiela?? Bat ba tulala ka na naman? Ano ba talagang nangyari sa inyo ni Harden, ha??" Natauhan na lang ako sa tanong ni Jei.

"Huh? Wala nga sabi." Fake smile ko pero hindi siya tumigil. Nakakainis dahil para siyang babae, ang daldal! Pang-ilang tanong na niya yan.

"Wala? Wow! Tingnan mong para kang pinagsakluban ng langit at lupa oh." Pout niya kaya wala na 'kong naga kung hindi ikwento sa kanya ang nangyari.


Napasigh naman siya pagkatapos.


"Tsk tsk. Alam mo kahit gusto kita, hindi ko gusto yung ginawa mo." "Kasi alam mo, kahit na inis na inis ako sa kanya, kapatid ko pa rin siya." Sabi niya at napailing. Nakakalungkot tuloy na pati si Jei, hindi sang-ayon sa ginawa ko.

"Biruin mo, una, ibinigay niya yung allowance niya sakin para lang maka-usap ka. Pangalawa, ang pagkakakwento sa'kin ni Rockz, dati pa niya kinukulit si Rockz para lang malapitan ka. Pangatlo, alam mo ba na dapat sa New York siya magbi-birthday kasama sila lolo? Kaya lang nalaman raw niya na gusto mong pumunta sa Hokkaido---Kaya ayon, don siya nagbirthday para lang sayo." "Sa pagkakaalam ko nga napagalitan siya ng dahil don e." Paliwanag niya kaya lalo akong na-guilty. 

Tama si Jei. Marami na siyang nagawa para patunayan na seryoso siya, siguro nga naging OA lang talaga 'ko. Bukod sa hindi ko siya kinausap ng matino, sinigawan ko pa siya. Siguro tama nga lang na sukuan niya ko---Kaya lang hindi ko naman alam na ganito pala yung feeling ng iniwanan ka. Ang sakit.

"Oh? W-Wala akong ibig sabihin ah! It's only just my opinion! Wag kang iiyak!" Alarma niya kaya hindi ko na napigilan ang luha ko. Napakaboba ko naman kasi! Ni hindi ko man lang nakita yung mga effort ni Harden!

"Tama ka, Jei."

"Ha?"

"Tama ka. Siguro sumobra na 'ko. Siguro kailangan ko nang magsorry sa lahat ng kagagahan ko." Dagdag ko pa at pinunasan ang luha ko. Napangiti naman siya.

"Hmm... Kung ganon, tara?" 

"Ha?! Saan na naman tayo pupunta, ha??" Inis na tanong ko. Simula kasi nang nakilala ko siya, kung saan-saan niya na kasi ako kinakaladkad.

"Overnight Swimming." Ngiti niya.

"Ano?! Teka! Hindi pwede! Alam mo namang magagalit si Kuya---" "Hay! Wag kang mag-alala, hindi naman tayo mamamatay pagnagalit yang kuya Rockz mo e!" Cool na sabi niya at hinila na 'ko. Nang dahil don, wala na 'kong nagawa. 

Makalipas ang ilang oras, gabi na masyado. Buti wala si Kuya Rockz sa bahay nung kinaladkad ako ni Jei, kung hindi siguradong patay kami.

"Teka? Nasaan na tayo? Akala ko ba swimming 'to?" Tanong ko dahil parang hindi naman resort ang pinuntahan namin. Oo nga may swimming pool na malaki kaya lang bat may malapalasyong mansyon? Tapos parang ibang klase yung mga tao dito. Naka-gown yung iba at mga naka-formal naman yung mga lalaki.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon