Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 30: Meeting
- Shaine
Payapa lang akong nakahiga sa bed ko habang ninanamnam ang lamig ng aircon.
Hay! Ang haba ako kahapon sa byahe. Ang sarap tuloy matulog. Sana wala na lang pasok ngayon, sana suspended ang klase nang dahil sa ulan.
Naalimpungatan na lang ako nang tumunog ang alarm clock. Napaupo na lang tuloy ako sa bed habang nakapikit.
"Haay." Hikab ko at sabay tingin sa binta.
Hanggang sa nagulat na lang ako nang may sasakyang nakaparada!! Wait! May kotse sa labas?! Hindi kaya si Daddy na yon?! Umuwi na kaya sila?!
Nang dahil sa nakita kong sasakyan, bigla na lang akong napatakbo palabas ng room. Halos talunin ko na rin ang hagdan! Pano ba naman kasi hindi pa rin kami nakakapag-grocery ni Harry, sana dumating ba sila!
Pababa pa lang ako ng hagdan, narinig ko na si Harry na may kausap, at ang feeling ko hindi si Daddy o si Tita Bruhil---este Tita Hershy yon. Hehe!
Sino kayang bisita ni Harry??
"Dude, bat hindi ka nagsama?! Sayang, hindi pa rin ako nakakadalaw kay Lola." Parang kilala ko yung boses na yon ah?
"Pssh. Abala ka lang don." Sagot naman ni Harry kaya huminto muna ako sa paglalakad. Feeling ko si Keith ang bisita!
"Haay. Sorry ah! Nakalimutan ko nga palang gusto mong MaSOLO si Shaine. ha ha ha!" Pang-aasar ni Keith at---A-anong sabi niya?! G-gusto 'kong masolo ni Harry?!! H-hindi nga?! Totoo ba?!
"U-Ulol! Tumahimik ka na nga lang! Baka marinig ka!!" Sigaw ni Harry at parang binatukan yata si Keith.
Napasimangot tuloy ako dahil baka biro lang 'yon. Baka umasa lang ako sa wala! Kaya naman umepal na ko. hehe.
"Ehem.." "Good Morning, Keith!" Bati ko na lang ng MALAKAS at baba ng hagdan.
Nagulat naman ako nang nakita ko si Harry na naghihiwa don at---may grocery na?!
"Oh? Gising na pala." Bulong niya kay Harry na narinig ko. "Shaine, may narinig ka ba? Ha ha ha!"
"Hmm. Wala naman. Bakit?? May dapat ba kong marinig?" Tanong ko na nagmamaang-maangan. Alam ko naman kasing biruan lang yon.
"Oh! Good." Napangiting sabi niya at tumingin kay Harry. "Uhm. Be ready for breakfast, okay? Nag-grocery ako para sayo. Ganon ka kasi kahalaga sakin---"
"Pssh. Maniniwala na sana kong mahalaga siya sayo, kung hindi mo pinabayaran sakin lahat 'to e." Napatawa na lang ako nang sumingit si Harry. Nabara kasi si Keith! Hahaha!
"Hindi kasi ako ganon kayaman, dude! Pasalamat ka nga, kung hindi dahil kay Shaine, hindi talaga ko bibili e!" Nakangiting dahilan nito at kumindat sa'kin.
"Umuwi ka na nga!" Inis na lang na sabi ni Harry. Hay! Kahit kailan talaga siya!
Akala ko sakin lang siya masungit pati sa kaibigan rin pala. Hahaha!
"Hay! Hindi pwede. Hindi niyo ba alam na may meeting ngayon sa C.U.?? Kailangan nating pumunta! It's for---" "Tinatamad ako." Pagtatapos agad sa sasabihin niya ni Harry. Haay. Kahit kailan talaga 'tong sungit na 'to!
"Well, Bahala ka! Ikaw, Shaine? Sama ka??" "Of course!" Sagot ko naman at lumapit sa dalawa.
"Good! Gusto mo DUMAAN muna tayo sa resto namin?" "Well, alam mo na..." Nakingiting tanong pa niya habang nakatingin kay Harry. Si Harry naman, napatigil sa paghihiwa.
