Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 18: Tawag
- Kris
57.
58.
59.
TWO HOURS!
Ngawit na ngawit na 'ko habang nakatayo. Dalawang oras ba ang lumipas, hindi pa rin tapos. Hindi tuloy ako nakapunta ng rest house ngayon.
Hay! Ano kayang ginagawa ng mga ulol na yon?
"OH! GOD!!" Natauhan na lang ako nang biglang napasigaw at kinalabog ng matanda ang table.
Hay! Tama ang hinala ko na mapapagalitan ako nang dahil sa nangyari. Sa bagay, wala naman na siyang choice kung hindi pagalitan lang ako. Sa totoo kasi wala na siyang makukumpiska sakin e.
Lahat na ng gamit ko, nakuha na niya.
"Kris! Bat ba ang tigas ng kokote mo, ha?! You're supposed to be grounded for this whole month but you still sneaked out! Anong tingin mo, ha?! Na porket may grupo ka lang, GANGSTER ka na?!" Sigaw ni Dad at hindi makapaniwalang napatawa.
Pssh. Bat ba kasi pinapakailaman niya 'ko?! Why can't he just leave me alone and do his job as the president of his beloved company?! Diba don naman siya magaling?!
"Sabihin mo nga! Anong kalokohan na naman ba kasi ang nangyari?!" He said gritting his teeth in anger. While me? Nevermind! Pinapanuod ko lang siyang maglitanya hanggang sa matapos siya.
"When I was in the same age with you, I'm a refined person! I don't get into fights unless it's needed! But YOU!" Sigaw nito at talagang diinin pa ang salitang YOU.
Pssh. Refined person rin naman ako? I know when I need to give a f*ck and when I should not! Ginago kami at nakuha pang gaguhin si Shaine sa harap ko. Anong mali sa ginawa namin, ha?!
Habang pinapagalitan ako, napapatingin lang ako kay Mom habang nagkakape lang sa tabi at nanunuod kay Dad na nagwawala.
"Tell me! Ganon ka ba talaga kawalang-galang, ha?! You're from a prestigious family, and it means you must behave properly! Why didn't you stop that fight, huh?! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao pag-kumalat ang scandal na 'to?!" Galit pa na dagdag ni Dad at napahawak na lang sa noo niya.
Pssh. As if I'd give a f*ck on what other people would think, right?
"You know what, I'm so full of you! Puro kahihiyan na lang ang binibigay mo sa pamilya natin!" "Sabihin mo! Anong bang----"
"Dad, I only did that because my friend got hurt, okay?! I only just---" "At sasagot ka pa?! BASTOS ka talagang bata ka!!" Nanlaki na lang ang mata ko nang bigla akong binato nang book ni Dad. Shit! Buti na lang talaga nakaiwas ako.
Kakaiba talaga si Dad no? Sabi niya sabihin ko raw kubg bakit, tapos nang sumagot ako, naging BASTOS naman?! Hay! I don't really get what he wants me to do. SMH!
"Oh GOD, Julie! Kanino ba nagmana ang anak mong 'to!?" "Oh dear, malamang sayo..." Sagot ni Mom kaya napatahimik si Dad.
"Remember? Ganyan ka rin naman noong high school pa tayo, diba? Away dito away don nang dahil lang sa konting bagay." Dagdag pa nito kaya naspeechless talaga si Dad.
Refined person pala, ha? Hahaha!
"H-Hon! That time is because you're in trouble!" "Look, Alfonso! Sumasagot ka pa! Bastos ka ha!!" Magpapaliwanag pa sa si Dad pero ginaya lang ni Mom ang sinabi sa'kin ni Dad. Napamsirk tuloy ako nang dahil don.