Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 42: Pinsan
- Shiela
"K-Kuya Rockz??"
"Baba!" Sigaw ni Kuya Rockiel kaya napababa ng hindi oras si Harden.
"K-kuya, hinatid lang niya ko!" Paliwanag ko.
"Hinatid ka, ha?!" "Kaya pala nung sinundo kita sa room niyo, nagcutting ka raw??" Wala akong nasagot nang dahil sa sinabi niya. Halatang galit si Kuya Rockiel. Naiiyak tuloy ako. Baka kasi masaktan niya ulit si Harden!
"D-dude, we just had a lunch near school. Napasarap lang yung kwentuhan namin kaya---" "H-HARDEN!!" Nagulat na lang ako nang bigla siyang sinuntok ni kuya Rockz.
Napaiyak tuloy ako.
"Shiela, pumasok ka na sa loob!" Sigaw ni Kuya sakin pero umiling ako. Alam ko kasing sasaktan niya talaga si Harden!
"Kung ayaw mong madamay---Pasok!" Sigaw pa niya pero umiling lang ako.
Hanggang sa naglabasan na ang mga katulong sa bahay kasama si Tita nang dahil sa ingay na nagawa namin.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ni Tita at napatingin kay Harden na napaupo na lang sa kalsada.
"Shiela---Isa! Diba sinabi kong pumasok ka na sa loob?!!" Sigaw pa ni Kuya Rockiel pero ayoko---ayoko!
"Shiela, pumasok ka na." Napatingin na lang ako kay Harden nang sinabi niya 'yon at nakuha pang ngumiti.
"P-pero, Harden---" "Dont worry, I'm fine." Ngiti niya at lumapit sa'kin para ihatid ako sa gate. Pinapasok naman ako ni Tita.
"Get in, Shiela. Dont worry, your cousin will never hurt his friend---Oh my God! Rockiel!" Nagulat na lang kami nang may lumagapak, lalo na nang nakita kong napahiga na si Harden sa kalsada.
P-parang nadurog ako.
Bakit ba, ha?! Ano bang ginawa naming mali?! Masama bang kumain sa labas?!!! Masama ba kung magkagusto ako sa kanya?!
"Kuya! Tama na!!!" Sigaw ko at akmang lalabas ng gate. Hinarang naman ako ng mga maids.
Hindi ba sila nag-aalala kay Harden, ha?! Dumudugo na yung bibig niya!!
"Ulol ka rin no?! Ilang beses ko bang sasabihing bata pa yung pinsan ko?!" Kinwelyuhan ni Kuya si Harden. Si Harden naman nakatingin lang.
"Dude, wala naman ako gagawing masama sa kanya. Gusto ko lang siyang makasa---" Magsasalita pa sana si Harden nang sinikmuraan na naman siya ni Kuya Rockz. Napahagulgol tuloy ako.
"Kuya!!" Pinipilit kong makaalis sa pagkakahawak ng mga maids sakin pero hindi ko talaga magawa.
"Please!! Tama na!!! I'm begging!! Please! Hindi na ko makikipagkita sa kanya, okay?! Tama na!" "Ako na lang saktan mo! Please!!" Sigaw ko pero parang walang pakialam si Kuya Rockz.
"Don't say that, Shiela. Get in. I'm fine." Ngiti naman ni Harden at pinunasan pa ang dugo sa bibig niya. Nakakainis dahil nasasaktan na nga siya nakukuha pa niyang ngumiti!