Chapter 66: Nasaan ka?

2.1K 49 0
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 66: Nasaan ka?

- Erica

Nang dahil sa nangyaring gulo, ipinagbawal ng Daddy ni Shaine ang pagdalaw ni Harry o kahit sinong kaibigan niya kay Shaine.

Alam kong wala silang magagawa dahil desisyon 'yon ng Daddy ni Shaine, pero hindi ko maintindihan si Harry!

Bakit?

Dahil simula nang magalit ang Daddy ni Shaine, nawala na siya, wala na ni isang balita tungkol sa kanya. Wow! Kung ganon iiwanan na lang niya nang ganon-ganon si Shaine?! Nakakainis talaga siya!

"Erica, tama ba'ng nakikita ko??" Natauhan na lang ako nang siniko ako ni Wendy. Napatingin tuloy ako sa tinuro niya.

Naglalakad kami ngayon sa hallway ng hospital para sana bumisita kay Shaine (dahil kami lang ang pwede) pero napatulala na lang kami ni Stef nang dahil sa tinuro Wendy.

"OMG! That's Harry's DAD!" Sabi ni Wendy kaya napatitig kami.

Noong una hindi ako naniwalang siya nga 'yon, hindi ko pa kasi nakikita ang Dad niya. Maliban sa picture na nakita ko dalawang taon na ang nakakalipas.

"Ano namang ginagawa niya dito? Imposibleng siya 'yan, Wendy." Sagot ko habang nakatitig sa lalaking nakikipag-usap sa mga security guards ng hospital.

"She's right. Ano namang gagawin ng Dad niya dito?" Sang-ayon pa ni Stef kaya napailing si Wendy.

Sobrang imposible kasi! Napaka-abalang tao ni Sir Cojuangco para sayangin ang oras niya dito. Hindi naman pwedeng kaya siya nandito ay dahil binisita niya si Jei dahil mas imposible!

"Hindi! I'm sure it's him! I met his dad last year when my family attended a party. Sigurado akong siya ang Daddy ni Harry!" Pagpupumilit ni Wendy, hindi naman kami naniniwala.

Hanggang sa nagulat na lang kami nang naglakad si Wendy papalapit sa Daddy ni Harry. My god! Is she going to TALK to him?!

"Watch and see." Sabi lang niya kaya nagkatinginan na lang kami ni Stef.

Hala! Bahala siya!

Kung totoo man na Dad ni Harry yon, goodluck na lang! Dahil sa pagkakaalam ko, masungit raw ang Dad niya.

"Good Morning, Sir Cojuangco! It's good to see you here." Bati ni Wendy kaya napatingin ang mukhang masungit na lalaki.

"And who are you?" Kamukha niya si Harry!

"I'm Wendy Labios, Sir. The one and only grand daughter of William Labios. Actually, we met before. I'm with my Grandfather when the Blue Ray Company celebrated their anniversary." Pagpapakilala ni Wendy at napangiti naman ang lalaki.

Wow!

"Oh! Then regards me to your grand father, excuse me for not attending his party last week. I really wanted to go but I am too busy fixing some mess here." Sagot niya kaya napalingon sa'min ng Im-Right-Duh-Look si Wendy. Napatingin naman ang dad ni Harry sa'min ni Stef, lalo na sa damit namin. Naka-school uniform kasi kami ngayon dahil kagagaling lang namin sa school.

"Hmm. You must be visiting that girl, huh?" Tanong niya na obvious namang si Shaine ang tinutukoy.

"Yes, Sir. She's our classmate."

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon