Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 17: Halata ba?
- Shaine
Nang matapos kaming kumain ni Jacob, kung saan-saan pa niya 'ko inaya. Feeling ko tuloy ang haba-haba ng araw ngayon---Nakakapagod!
Nakakahiya tuloy kay Jacob. Sobrang dami kong nakain!
"Shaine, dito ka na lang ba??" Tanong niya habang napatitig lang ako sa mukha nya.
Mabait pala talaga siya no? Masaya rin kasama katulad ni Kris. Kahit ngayon lang kami ganon nagkakilala, ang gaan na agad ng loob ko sa kanya.
"Uy Shaine..." Natauhan na lang ako.
"U-uhm. Oo! Dito na 'ko. Papasundo na lang ako don sa Driver sa bahay." "Salamat ulit talaga ng marami ah!" Pasalamat ko kaya napangiti siya.
"Huh? Hindi, wala yon. Dapat nga ako ang magpasalamat. Marami akong natutunan ngayong araw na 'to." Ngiti niya kaya parang bumukas ang pintuan ng langit.
Jusko! Bakit ba ang cute ni Jacob?! Sobrang pefect niya!---Pssh. Kumpara naman sa kilala ko! Isang masungit, suplado, hindi gentleman at higit sa lahat, wala man lang pakialam sa feelings---TEKA!
Bat nadamay si Harry dito?! Diba may girlfriend 'yon!?!!! Yung ex girlfriend niyang may I want to bring back everything we've felt before pang nalalaman. Pssh.
Nang magpaalam si Jacob, agad na 'kobg nagpunta sa building para makuha ang gamit ko. Hindi ko namang inaasahang nandito pa sila Wendy at Stefanie---Nakaalis na ang lahat.
Diba uwian na kanina pa? Bat nandito pa rin sila?
"So how's your date?"
"Date?" Tanong ko.
"Yeah. What happened to your date. Lumabas kayo ni Jacob, diba? " Nakangising tanong niya at lumapit sakin.
"Uhm. Hindi kami nag-date, Wendy." Paglilinaw ko at niligpit na ang gamit ko. Hindi ko gusto ang tono ng pagtatanong niya. Kailangan ko nang matapos ayusin ang gamit ko para makaalis na 'ko!
"You know what, you don't need to deny it, Shaine. We're friends, right? So ano na? Nililigawan ka ba ni Jacob o kayo na?" Tanong pa niya kaya napakunot ang noo ko. Oo, naga-gwapuhan ko si Jacob! Kaya lang, wala akong balak na maging girlfriend niya!
Yung kaninang pag-aya niya na kung may gusto kong puntahan, hindi yon date! Isa pa, bata pa ko---magagalit si Daddy! Buti rin naman kung makipagdate sa'kin si Jacob!
"Pero totoo naman yung sinasabi ko, Wendy. Hindi kami nagdate ni Jacob. Wala ring namamagitan sa'min." Sagot ko at sinarado na ang bag.
"Hmm. Okay." "Anyway, alam mo bang pumunta kanina rito si Harry??" Napahinto na lang ako nang sinabi niya 'yon.
Si Harry? Diba nasa hospital siya?
"And he ask me for a date! Hihi! But I refused, gusto ko muna siyang pahirapan." Kinikilig na kwento niya kaya wala na 'kong nasabi pa.
Inaya siya nang date ni Harry??
"Gosh! I didn't expect that! Feeling ko nga dahil sa'yo, maaayos na namin yung misunderstanding namin e!" Dagdag pa niya kaya hindi na talaga 'ko nakakibo. Hindi ko alam pero bigla na lang nadagdagan yung kakaibang feeling na kanina ko pa nararamdaman.
Ewan ko ba! Kanina nung kasama ko si Jacob, medyo nabawasan na. Pero nang dahil sa sinabi ni Wendy---Ewan ko ba!!
"Talaga?" Yun lang nasabi ko at parang mas lalong sumama ang pakiramdam ko.
