Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 68: Four years
- Shaine
"Popo! Popo! Poppppoo!" Sigaw ni Shawn at nagpuppy eyes pa habang pinapaabot sa'kin ang stuff toy. Napafacepalm na lang tuloy ako.
Argh!! Ang kulit talaga niya!
"No baby! Not Popo, okay?" Sagot ko pero nagsimula na siyang mamula at namilog ang mga mata.
In short iiyak na naman!
Argh! Kanino ba nagmana ang batang to? Bakit ang kulit kulit?!
May hawak siya ngayong pentelpen dahil pinagsusulat ko siya kanina ng pangalan niya---pero ewan ko ba kung anong nangyari! Ngayon inaabot niya si Popo sa taas ng cabinet at gusto niyang drawingan!
"Me wan---Popo! Popo!!" Sagot niya sa'kin at naglupasay sa lapag, napailing na lang talaga 'ko
Hindi kasi pwede! Si Popo ang first gift sakin ni Harry. Isa pa, noong araw na ibinigay niya yon sakin, don ko lang napatunayan ang kasweetan niya. Once in a bluemoon lang yon! Magagalit rin si Sungiy paghinayaan kong may mangyaring masama kay Popo!
"No Baby. Shu will be angry, like this... RAWR!" Takot ko sa kanya kaya naman napatahimik at napatulala sakin.
Shu is short term for Sungit. Oh diba? Codename ko yon kay Harry, at kami lang ni Shawn ang nakakaalam non! Hehe.
"Oo! mamaya darating na siya. Kaya dont cry na, okay? I'm sure If he saw you crying, he will be sad." Dagdag ko pa kaya medyo natauhan siya.
"Daddy??" Nakatulalang sabi niya at unti-unting napangiti. Napangiti naman ako at napanod na lang.
"Oo. Si Daddy." Sagot ko at tinayo na siya mula sa pagkakasalampak.
Napatingin na lang ako sa phone ko nang biglang tumunog. Speakin of sungit, siya na ang tumatawag.
"Hello Harry??" Panimula ko.
"Nasaan na ba kayo, ha? Kanina pa ko dito sa airport!"
"Ah eh. I-ito kasing si baby, ang hirap bihisan tapos umiiyak pa." Pagdadahilan ko.
Ilang segundo siyang hindi nakasagot.
"Ganon ba?" Nagtaka na lang ako nang biglang gumanda ang mood niya.
Ang unfair talaga ni Harry! Nakakatampo! Pagsi-baby ang dahilan, bigla na lang nawawala ang galit niya! Samantalang pag-ako, laging nagagalit!
"Pakausap nga."
"Ha? Sige." Sagot ko at napatingin kay Shawn.Mukha namang alam na niyang si sungit ang tumatawag, kaya naman halos abutin niya na sakin ang phone.
"Baby, kausapin ka raw ni Daddy." Ngiti ko at inabot sa kanya ang phone, hinablot naman niya agad.
"Daddy! Daddy!" Bungad agad ni Shawn at narinig ko na lang na natawa si Harry.
Hmmp. Buti pa talaga si baby! Kahit kailan talaga yung masungit na yon, kailan kaya niya makuhang tumawa pag-ako kausap niya?!
Hmpp. Selos na ko!
"Daddy! Pasayubong shawn, totoo pyano, shwiiiiing!!" Tuwang-tuwang sabi ni Shawn habang ginagaya pa ang tunong ng eroplano, napatawa naman si Harry.
"Ay! Baby, hindi pwede! Bawal iuwi sa bahay yung airplane. Laruan lang dala ko."
"Aaaaay! Guto Shawn pyano! Chachakay ko Mommy! Daddy!" Nagmamaktol na sabi ni Shawn kaya napangiti na lang ako.