'Two hearts under the same roof'
DeadWeakHeartChapter 14: EX
- Shaine
Napalunok na lang ako nang makarating na 'ko sa tapat ng pintuan sa labas mg classroom. Kabang-kaba ako.
Ano na kayang nangyari sa mga babaeng bully kahapon? Hindi kaya lalo pa nila kong awayin?! Jusko! Sana naman maging maayos ang lahat!
Nang binuksan ko at pinto at pumasok sa classroom, napapikit lang ako. Naghihintay kung anong sasalubong sa'kin..
Nagtaka na lang ako dahil parang ang tahimik. Teka? Bakit ang tahimik yata?? Nakakakaba tuloy.
Napakagat na lang ako sa lower lip ko habang iniisip ang mga posibilidad ng katahimikan. Hanggang sa unti-unti akong tumingin sa mga classmates ko at tumambad sakin ang mga mala-anghel na mukha.
"Wendy, she's here." Narinig kong kalabit nung isang kasama ng namatid sa'kin.
Wendy pala ang pangalan niya.
"Oh.." Nagulat na lang ako nang lumapit siya sa'kin at---NGUMITI?!
"Good morning, Shaine! Sorry nga pala kahapon ah. Pinagsisisihan ko yung ginawa ko. Sorry." Teka! A-anong nangyayari??? Sinapian ba siya ng masamang espiritu?? Himala! Ang bait niya sa'kin! Peti na rin ang mga kasama niya!
"U-uhm. O-okay lang. Wala 'yon!" "Isa pa, diba hindi mo naman siguro sinadya??" Nakangiting sabi ko na lang at---Wait?!! Anong pinagsasabi kong 'hindi sinadya''?! Halatang-halata namang sinadya niya!
"Don't worry! I promise I won't do that again. From now on, you'll be my very bestfriend..!" Nang sinabi niya at hinila ako sa mga kasama niya, nagulat na lang talaga 'ko. Wow! Totoo ba?!
"So girls, she's our new member from now on!" Deklara niya sa mga kasama niya kaya nakakapagtaka.
"A-Anong member??"
"Hmm. You're just a transfer student that's why you're still not aware. But you know what, we are the princesses in this school.." Sabi nito at ngumiti
"Princesses?" Teka? Bat may mga prinsesa pa sa school na 'to??
"Well. Let me introduce myself first. My name is Wendy Labios." Pakilala na 'to at nakipagshake hands.
"Oh! Nice to meet you, Wend---" "Ex ni Harry." Dugtong niya sa sinabi niya kaya napatigil ako.
"Huh??" Tanong ko ulit. Mukhang namali kasi ako ng dinig. Haha! Si Harry? May Ex? Pfft---Imposible!! Sa suplado ba naman ng masungit na yon hindi magkakagirlfriend 'yon! Hahahaha!
"Well, I'm Harry's FIRST EX GIRLFRIEND..." Ulit pa nito kaya napatulala na lang ako. Hindi ko alam pero hindi ko talaga alam kung anong magiging reaksyon ko.
- Stefanie
Umaandar na naman ang kahibangan niya.
"Huh??" Halatang hindi makapaniwala si Shaine sa sinabi niya.
"Oh. Well, I'm Harry's FIRST EX GIRLFRIEND." Ulit pa niya at ngumiti. Kung nandito lang si Harry, siguradong gulo ulit 'to---Hay! Akala ko pa man din makikipag-ayos na siya, yun pala hindi!
I can't believe this! Isasama pa niya si Shaine sa Three Princesses!
"E-Ex ka ni Harry?" Hindi siya talaga makapaniwala. Well, sino ba namang maniniwala? Sa suplado pa lang ng Harry'ng yon, imposibleng magka-girlfriend ang lalaking yon! Hanga na lang talaga 'ko kay Wendy dahil patay na patay sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Two hearts under the same roof
Ficțiune adolescențiAng masungit kong step-brother, bow.