Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 19: Lasing
- Harry
"Dude, hindi ka pa aalis?"
"Hindi pa." Sagot ko. Gabi na kasi at kami na lang natira dito. Nagsiuwian na ang iba pero ayoko pang umuwi dahil makikita ko lang yung pagong na yon. Kaya sa tingin ko, dito na lang muna 'ko matutulog.
Hindi ko alam kung bakit pero nababadtrip ako. Alam kong wala akong karapatan pero nakakainis lang na inaalala ko na nga siya tapos pagdating ko pa sa classroom namin, malalaman kong sumama na siya sa iba!
Nakakawalang gana tuloy umuwi.
"Pero, Dude. Pag-umalis kami ni Keith, ikaw na lang mag-isa dito." "Bahala ka, may multo dito." Takot ni Harden pero inisnob ko lang siya.
"Pssh. Umalis na nga lang kayo!" Iritadong sabi ko at umirap na lang sa dalawa. What the hell?! Para namang matatakot ako sa multo!
"Okay." Nagkatinginan na lang na sabi ng dalawa at umalis na. Nahiga naman ako sa sofang kaninang hinihigaan ni Keith.
Makalipas ang ilang minuto, tahimik lang akong nakahiga. Makakatulog na sana 'ko pero may narinig akong yapak ng paang bumababa mula sa hagdan.
Napatingin tuloy ako sa hagdan pero wala namang tao.
"Psssh. What was that?" Nagtatakang tanong ko. Babalik na sana ko sa paghiga ko pero narinig ko ang biglaang pagbukas ng gripo mula sa kitchen.
Shit.
Idagdag pa ang biglaang pagpatay-sindi ng ilaw sa garage. A-as if matatakot ako!
Nang nagpatuloy ang mga kagaguhang nangyayari, medyo kinabahan na 'ko.
Maglalakad na sana 'ko palabas pero may narinig akong nagpipigil ng tawa mula sa kitchen at sa garage.
Don ko napatunayang ulol talaga sila.
Una kong pinuntahan ang back door sa kitchen. Then, I found Harden! Nagpipigil nang tawa at nagulat nang nakita ako. Agad ko tuloy siyang binatukan nang dahil don.
Gagong 'to!
Pagkatapos naman ay pumunta ko sa Garage. I found Keith! Nagpipigil din ng tawa habang pinapatay-patay sindi ang switch ng ilaw. Agad ko rin siyang binatukan nang dahil don.
Mga gagong 'to! Nakuha pang manakot?!
"Pssh. Sino pang kasama niyo?!" Inis na tanong ko. Napakunot naman ang noo nila. Aba! Nakuha pang mag-maang-maangan ng mga ulol!
"Pssh. Wag niyo nga akong ginagago, mga ulol! Sabihin niyo, sino yung bumaba sa hagdan?!" Tanong ko. Nagkatinginan naman ang dalawa at napalunok nang dahil don.
"A-ano bang pinagsasabi mo, dude?? T-tayo lang tatlo nila Keith ang nandito!" Kinabahang sabi ni Harden kaya kinabahan din ako.
Nang napatingin ako sa bahay, nagulat na lang ako nang bigla silang napatakbo sa sasakyan ni Keith.
"Shit. Sabi na dude e! May multo sa rest house!" Narinig ko pang sigaw ng hayop na Harden at tuluyan nang umalis.
Nang dahil sa nangyari, umalis na ko sa rest house. Pssh. H-Hindi dahil sa natatakot ako o ano ah!! Sadyang boring lang!
"Hey." Napatingin na lang ako nang may bumati saking babae. Nasa Venus ako ngayon. Isang bagong tayong bar na laging pinupuntahan namin, marami raw kasing magaganda rito.
