Epilogue

3.2K 67 6
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Epilogue

- Harry

"Dad, where are we going?" Tanong ko.

"We're going to meet some acquaintance, Harry. I want you to meet them while they're still here in Manila." Sagot lang ni Dad habang nakangiti kaya napatingin na lang ako sa daan.

Sa totoo lang, ayokong sumama sa kanya. Dapat maglalaro kami ngayon ng nila Keith---pero agad akong pinauwi ni Dad. Sabi niya may pupuntahan daw kami.

"Pssh. Why do I need to meet them? Mom said it's dangerous to meet strangers." Inis na bulong ko.

Ipinarinig ko talaga kay Dad.

"Hay' But they're not strangers, son. It's your dad's bestfriend. Minsan kailangan mo ring makipagsocialize sa ibang tao, hindi lang sa mga kaibigan mo." "But I want to play guns with Keith and the others, Dad." Sagot ko.

Mukhang naiinis na si Dad.

"No more buts, Harry!" "It's not going to be bored as you think, okay? Because I'm going to introduce a sweet little girl. I know you two will be good friends." Dagdag pa niya kaya napatahimik na lang ako.

It's not going to be bored as I think, huh?

Bakit? Kaya bang makipagbaril-barilan ng sweet little girl na 'yon?


Makalipas ang ilang minuto, nakarating na kami sa isang restaurant.

"OMG! Greg! Is that you?" Tawag ng isang babae kay Dad nang makapasok kami sa loob.

"Oh! Sheryl! How are you doing?" Masayang binati ni Dad ang babae kaya napakunot ang noo ko.

Is she one of my dad's mistress?

Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa hanggang sa may nakaagaw ng atensyon ko. May batang babaeng kumakain ng ice cream sa table na pinanggalingan ng babae.

"Anyway, Greg, pasensya na. Nauna nang umorder si Shaine ng Ice cream. Iyak kasi ng iyak kanina para lang sa ice cream, ang kulit." Sabi ng babae kaya napatingin ako sa bata.

Kung ganon Shaine ang pangalan niya, ha? Is she the sweet little girl?!

"Ahh. It's okay. Let's sit." Sagot naman ni Dad at naupo na kami, katapat ko ng upuan yung bata.

Ang dungis niya dahil kumalat sa bibig niya yung chocolate ice cream, tapos mukhang kaiiyak lang niya---Ang takaw niya! Ang baboy niyang kumain!

"Wow! Ang laki na ni Harry! Dapat pala sinama mo si Hershy para naman nakapagkwentuhan kami." Ang daldal ng babae, kung anu-ano pang sinabi niya.

Napatingin tuloy ako sa kanila ni dad na nag-uusap. Nakangiti kasi si Dad---Himala! Kahit kailan hindi ko pa siya nakitang ngumiti ng katulad ngayon (kahit kausap niya si Mom).

Mukhang gusto ni Dad yung babae.

"Well, alam mo naman, diba? Hershy's don't have time for this." "Anyway, Hello Shaine!" Bati ni Dad sa bata. Napatingin naman siya kay dad.

"Hello po!" Bati niya at tumayo pa siya sa upuan. Walang manners!

"Anyway, I'm Tito Greg and this is my son, Harry." Pakilala ni Dad at napangiti naman ang walang manners at baboy na bata sa'min.

"Nice to meet you po, Tito Geg! Hello, Harry! Ako po si Shaine! 5 Years old! Prep na po ako!" Masayang sabi niya at napatingin sakin---inirapan ko lang siya.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon