Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 44: Heights
- Shaine
Pakiramdam ko tumatakbo ako sa isang daan na walang katapusan. Gusto ko nang magpahinga kaya lang may naririnig akong mga lalaking humahabol sa'kin. Tumawatawa sila ng malakas.
"Harry!!" Natatakot na tawag ko pero wala akong makita. Ang dilim kasi ng buong paligid. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta.
Hanggang sa nagulat na lang ako nang may bumagsak sa harapan ko.
Duguan siya.
"Harrry!!" "H-Harry, gumising ka!! Harry!" Napaiyak na lang ako at nilapitan siya.
Napatingin pa ko sa paligid ko nang napansin kong nandito rin pala sila Kris, Harden at i-iba pa, duguan sila at hindi na gumagalaw. Nagsitindigan ang mga balahibo ko sa takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Hanggang sa napansin ko na lang na papalapit na sakin yung lalaking humahabol sa'kin. Tinutukan ako ng baril ng isang lalaki at ipinutok ito sa'kin.
Napadilat na lang ako nang may kumatok.
Biglang tumulo ang luha ko nang dahil sa sama ng panaginip ko. Parang totoo!
"Shaine!!" Napatingin na lang ako nang may tumawag. Siguradong hindi si Harry yon. Kaya agad kong binuksan ang pinto.
"Uhm. Sino---WAAAAHH!" Napasigaw na lang akong bigla sa tuwa nang nakita ko sila Erica at Stefanie. Kung hindi niyo alam, close na kami nila Stef at Erica ngayon! Sila lang kasi yung katawagan ko nitong buong holiday vacation!
Si Wendy, hindi naman ako kinakausap. Sabi naman nila Stef tinotoyo lang daw si Wendy kaya ganon. Wag ko na lang daw pansinin.
"B-bakit kayo nandito??" Masayang tanong ko.
"We're here to give you this..." Ngiti ni Stefanie at inabot sakin ang isang invitation.
INVITATION???!!!
Dahil don, napatingin na lang ako kay Stefanie nang hindi makapaniwala.
"I-ikakasal na kayo?!!" Sigaw ko at nanlaki ang mga mata.
Natauhan na lang ako nang nakatikim ako ng kutos kay Stef.
"Sira! Hindi pa!" Sagot niya at napa-poker face na lang.
"Haha. Invitation yan para sa Birthday ni Harden, Shaine." "And don't worry dahil sabi ni Kris hihintayin pa daw niyang mag-18 si---Aww!" Napatigil na lang si Erica nang binatukan siya ni Stef.
"Ano ba?! Sinabi nang matagal pa, diba?! B-bata pa kami no!!" Inis na sabi ni Stef kaya napatawa na langkami ni Erica. Hahahah!
- Kris
Nandito kami ngayon sa bahay nila Harry dude. Pinipilit siya ngayong sumama ni Harden sa biglaang Birthday niya sa Weekend. Si Jacob, hindi sumama sa pagpunta dito dahil hindi pa rin siguro nakaka-move on kay Shaine.
"Dude! Sumama ka na! Ang pangit naman pag-kulang tayo!!" Pilit ni Harden pero inirapan lang siya ng ugok.
"Magagalit si Mom, Hindi pwede." Sagot niya. Nagkatinginan naman kami at halos atakihin sa puso. WTF?! Kailan pa nag-alala si Harry kung anong magiging reaksyon ng Mommy niya, ha?! Baka maiyak pa si Tita hershy kung nandito lang siya e.
