Chapter 15: Punching Bag

4K 63 1
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 15: Punching Bag

- Jacob

Nang tinanong niya kung pwede ko siyang samahan, akala ko kung saan niya gustong pumunta.

"Hayah!!!" Sigaw niya at biglang sinuntok ang punching bag.

"Uhm. Shaine, Ayos ka lang??" Tanong ko at pinilit ngumiti. Mukha kasing kanina pa siya inis na inis sa punching bag.

"Oo!" "Argh! Halika, Jacob! Samahan mo ko!" Inis na sigaw niya at tumingin sakin. Hindi pa nakuntento dahil hinila pa 'ko.

"U-uhm. W-wag na lang, Thank you!" Tumanggi na 'ko pero bigla niya kong hinila. Siya mismo ang nagsuot sakin ng gloves at nag-evil smile.

Shit! Ang sakit pa naman nang braso ko dahil kahapon. Hay. Goodluck na lang!

"Oh. Ikaw naman!" Nakangiting sabi niya at nag-give way. Gusto niya yatang i-try ko ring sumuntok.

Hay. Mukhang inis yata siya ngayon ah?? Bakit kaya?? Hindi naman dahil inaya ko siya, diba??

- Shaine

Hindi ko alam kung dahil ba sa kinwento kanina ni Wendy 'to pero naiinis ako!

Sa totoo lang, okay lang naman sana na naging sila. Kaya lang, nang sinabi niyang alam niyang makikipagbalikan rin siya Harry sa kanya, bigla na lang akong nainis!

Argh! Ano bang nangyayari sakin?! Diba nga dapat masaya ako dahil kaibigan ko na si Wendy?! Pero bakit ganito?!

"Uhm. Shaine, Ayos ka lang??" Natauhan na lang ako at naalalang kasama ko nga pala si Jacob.

"Oo!" "Argh! Halika, Jacob! Samahan mo ko!" Sigaw ko at lalo pang nainis na dahil naiimagine ko yung mukha niya sa punching bag na 'to.

Tamang-tama kasama ko si Jacob, bubugbugin namin 'tong punching bag!

"U-uhm. W-wag na lang, Thank you!" Hindi ko siya pinakinggan. Hinila ko agad siya at ako mismo ang nagsuot ng gloves sa kanya.

Pagkatapos non, sinuntok-suntok ko ang punching bag. Nilabas ko ang lahat ng inis ko kay Harry! Hanggang sa napansin kong nanunuod lang siya.

"Oh. Ikaw naman!"

"Woow. Galit ka??" Tanong naman niya.

"Huh?? H-Hindi!"

"Hahaha! Hindi? Hindi pa ba halata??" Biro niya at bi-biglang lumapit. H-hindi naman talaga 'ko galit e, naiinis lang ako! Ewan ko ba! Ang gulo ng feeling!

Natauhan na lang ako nang napansin kong nakatitig siya.Napatitig ako tuloy sa kanya at napahinto na lang. H-hindi ko alam kung bat namumula na naman ako.

JUSKO! Ano bang nangyayari?!

"A-Ah. B-bakit?!" Tanong ko at biglang lumayo. Hindi ko alam pero parang hindi maganda 'to. Argh! Keep Distance, Jacob!! Ang cute mo pa man din!

"You're jealous?" Nagulat na lang ako at biglang tinanong niya 'yon. Gulat tuloy akong napatingin. Shit!

"P-Paano mo namang nalaman??"

"Wala." "Kasi nalaman kong ipinagkakalat na naman ni Wendy yung past nila ni Harry e." "Kaya baka nagseselos ka..." Ngiti pa niya at tumitig sakin na parang may gustong sabihin.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon