Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 16: Damn!
- Harry
Tinawagan ko si Jacob para bantayin si Shaine pero hindi pa rin ako mapakali.
Biling sa kanan.
Pinuntahan kaya siya ni Jacob?
Biling sa kaliwa.
Sigurado pinuntahan si Shaine. Takot lang niya sakin kung hindi!
Biling sa kanan...
Pero pano kung nambabae pala yung gagong yon at may date?! Pano kung hindi nya pinuntahan?! Baka ma-bully ulit ang pagong na yon ah?!
Biling sa kaliwa.
Hindi! Siguro naman baka may awa ang ulol na yon! Siguro naman mag-aalala rin siya para kay Shaine, diba?!!
"Sir Harry, may masakit po ba?? Bat galaw po kayo ng galaw ??" Natauhan na lang ako sa tanong ni Manang. Napamura naman ako nang dahil sa gulong-gulo na 'ko nang dahil sa kanya.
Pssh. Kailangan ko na siyang puntahan!
"S-sir, mahiga po kayo! Katatahi lang po nang sugat niyo, hindi pa po tuluyang magaling!" Alarma ni Manang nang tinanggal ko ang kung anu-anong wire na nakatusok sa'kin.
Nasaksak lang naman ako ah?! Hindi naman ako nahihirapang huminga o ano?! Bat ang daming kung ano-anong nakatusok sa'kin?!! Anong koneskyon nito sa saksak sa tagliran oo, ha?!
"Manang, where's my key??" Tanong ko na lang at dahan-dahang tumayo.
"Pero sir, papagalitan po ako ni Ma'am Hershy kapag pinayagan ko kayong---" "Dont worry, Manang. I know what I'm doing." Sagot ko na lang at kinuha ang key sa ibabaw ng cabinet.
Minsan nagpapasalamat din ako sa pagong na 'yon, kahit pala minsan tinutubuan din 'yon ng utak.
- Wendy
Nakatingin lang ako sa orasan habang nadi-discuss ang instructor. Nakakainis dahil hindi pa man din ako tapos magkwento sa babaeng 'yon, hindi na bumalik!
I didn't expect that she have a fling with Jacob! Iba pala ang kalandian niya, ha?! Ang akala ko kay Harry siya may gusto, tapos biglang nakipagdate kay Jacob during school hours?! Hindi na pumasok!
Nang bumukas ang pinto nang room, inis na lang ako napatingin dahil baka dumating na ang flirt---Pero nagulat na lang ako nang si Harry! OMG! Ayos na kaya siya?! I heard nasaksak siya!
"KYAAH!! HARRY!!" Sigaw ng mga babae sa gilid ko kaya tiningnan ko sila ng masama. Buti naman bigla silang tumahimik.
Argh! Sabi nang akin lang si Harry, diba?!
But wait! Bakit nga pala siya nandito? Pumunta ba siya para sakin??
"Excuse me, Mr. Cojuangco! What are you doing here. Himala yata at papasok ka?? Hindi ba nasa Hospital ka---" "I'm Looking for Shaine. Where is she?!" Nang sinabi yon ni Harry, nawala na lang ang ngiti ko.
Shaine! Shaine! Puro ba lang Shaine! Kanina si Jacob! Ngayon si Harry naman?! My god! Ano bang meron yang si Shaine, ha?! She's not that pretty and I got everything!
Bakit hindi niya ko mapansin?!
"Wow! Wala ka pa ring pinagbago, Harry!! Is that what you--" "I said WHERE's SHAINE??!" Napatahimik na lang ang instructor nang dahil sa sigaw niya. Sa tingin ko seryoso na talaga siya.