Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart
Chapter 58: Type
- Keith
"Dito?!!" Gulat na sigaw namin nila Rockiel dude at napatingin na lang sa isa't isa.
"N-nababaliw ba kayo?! Kasya ba tayo dito?!" Dagdag pa ni Kent at tinuro mismo ang van. Mago-oer night kami ngayon sa isang resort dahil may natitira pang isang araw si Harry. Medyo bitin din ang farewell party kahapon dahil tumakas si Jacob.
Ngayon, sasakay kami sa isang van. Ang problema mukhang sinadya nila. Gumawa sila ng seating arrangement ng hindi kami kasama, ang liit pa naman ng van. Si Jack ang driver at sa front seat si Erica. Middle Part: Si Shaine, Harry, Harden at Shiela. Back seat: Si Wendy, Stef, Kris at ang Epal na Jei.
"Wow! Taba pa lang ni Keith, hindi na kasya dyan ah?! Saan mo pa kami pauupuin???!" Gatong pa ni Jacob kaya napasimangot na lang ako sa kanya. Teka?! Bat nadamay ang TABA ko? Aish. Isa pa, anong taba ang pinagsasabi nitong ulol na to???
Hello?! Perfect to no! Naluma si Zues sa muscles at abs ko!
"Pssh. Itong katawang to, Dude?! TABA?!!! Tingnan mo! Abs! Abs!" Hubad ko ng T-shirt kaya napatawa na lang ang mga babae. Sila Shaine at Shiela, todo cover.
"Oh! Tingnan niyo naman! Naglalaway nga sila Stef oh!" Ngisi ko pa.
"Asa!!" Nakatanggap tuloy ako ng kutos galing kay Stef. Pssh. Yung mga ulol naman, wala lang. Yung iba parang hindi pa yata ako nakita, tapos nagsipasukan na lang sa van.
"Tara na! Hayaan nang langawin dyan si Keith! hahaha..." Sabi lang ni Harden at pumasok na sa van, nagsunuran na rin yung Iba. Naiwan naman kami nila Kent, Rockiel, at Jacob, wala kasi kaming uupuan. Ayaw naman naming humiwalay.
- Shaine
Bukas na yung alis ni Harry. Ito na yung last day na magkakasama kami. Ito na yung lastday kung saan makikita ko ang masungit, isnobero, bitter, at ang nagiisang taong tumatawag saking pagong. Nakakalungkot tuloy. Gusto kong umiyak.
Kaya lang napag-usapan na namin to. Nangako kaming hihintayin ko siya at babalikan niya 'ko. Kaya ayokong umiyak, dahil alam kong magalala pa siya.
Sa ngayon, pupunta kami sa isang resorty. Nakasakay kami sa isang van habang nkasandal si Harry sa balikat ko. Buti na nga lang hindi siya nagigising nang dahil sa ingay ng mga nasa likod.
Ang gugulo kasi nila! Kanina pa napag-iinitan nila Rockz si Jei. Alam niyo kung bakit?
"Hay! Bat ba kasi sumama ka pa Jei? Ayan tuloy---Ang init! Mukha pa tuloy kaming pulubi dito!" Reklamo ni Jacob habang nakadungaw sa likod nila Kris. Paano nainis yata si Kris kanina at don sila pinaupo sa compartment. Hahaha!
"Pssh. Yung gwapo natin mga dude?? Nasa likod?!!" Dagdag pa ni Rockz at nakatapat pa talaga sa tenga ni Jei ang bibig niya. Hindi naman nila gustong iparinig kay Jei no? Haha!
Hindi naman sila pinapansin ni Jei dahil seryoso sa pinapanuod na cartoons.
"Pssh. Naaalibadbaran na ko sa mga boses niyo ah! Pag-ako nainis, ibababa ko kayo!" Sigaw na lang ni Jack na nagmamaneho kaya nagsi-tahimik sila.
Mukha kasing seryoso si Jack na ibaba sila. haha!
Hanggang sa ilang minuto ang nakalipas, wala talagang nagsasalita. Nahihilo tuloy ako sa sobrang tahimik. Gusto ko ng kausap. Tulog naman si Sungit dahil may hangover pa rin kagabi.
