Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 26: With you
- Shaine
Nakakainis! Hindi dahil hinding-hindi niya ko magugustuhan!! Nakakainis dahil umaasa pa 'ko sa taong alam ko namang hinding-hindi magkakamaling magkagusto sa'kin!
Mas nakakainis dahil sinabayan pa ng ulan!
Argh. Bakit ba kasi siya pa?!! Bakit pa kasi yung masungit na Harry pa na 'yon?! Ang dami rami ko namang pwedeng magustuhan, diba?!
"Hija, ayos ka lang??" Nagulat na lang ako nang nasa likod ko na pala si Lola. Pinunasan ko naman agad ang luha ko.
"O-opo." Pekeng ngiti ko.
"Hmm. Alam mo, talagang ganon lang ang apo ko. Minsan yung gusto niyang sabihin, hindi niya kayang sabihin." Sabi ni Lola kaya hindi ko maintindihan.
"Ano pong ibig niyong sabihin?"
"Sa tingin ko wala ako sa tamang lugar para sabihin sayo 'to, kaya naman ipauubaya ko na lang na ang apo ko ang magsabi sa'yo." Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Lola. Basta ang alam ko lang, ibang-iba ang ugali niya kay Harry. Noong una nga, hindi ako makapaniwala na lola niya 'to e, napakabait kasi ni Lola!
"Mag-gagabi na rin, umuulan pa. Sa tingin ko, mas makakabuting dito na muna kayo magpalipas ng gabi, matulog ka na rin para gumaling na agad yang sugat mo." Ngiti ni Lola at tinapik ang balikat ko.
Sa sinabi ng Lola ni Harry, medyo gumaan ang pakiramdam ko. Kaya naman sinunod ko na lang siya, matutulog na lang siguro ako.
- Harry
"Harry, apo, mukhang galit pa rin siya. Umuulan din, Sinabi kong dito na muna kayo magpalipas ng gabi." Sabi ni Lola kaya napayuko ako.
"Ganon po ba??" Pssh. Nagsorry naman na ko, ha?? Ano pa bang gusto niya?
"Harry, kailan mo sasabihin sa kanya?"
"Po? Ang alin?"
"Haay. Kilalang-kilala na kita, Apo. Kaya kung ako sayo, wag ka nang magkaila!" Ngiti niya kaya napayuko na lang ako.
"L-Lola naman!" Tinawanan lang ako ni Lola. Hindi ko matanggi dahil alam ko namang kahit anong tanggi ko, kukulitin pa rin niya 'ko!
"Haay. Binata na talaga ang apo ko, hahaha!" Tawa niya at tumingin sakin. "Basta apo, kung ako sayo, sabihin mo na sa mas lalong madaling panahon. Kasi ang mga babae, ayaw na pinaghihintay ng matagal." "Lalo na si Shaine, maganda at mukhang mabait pa. Sayang naman kung---"
"Lola, may iba siyang gusto." Pagtatapos ko sa sasabihin ni Lola. Napabuntong hininga naman siya at napailing.
"Apo, wala namang mawawala kung di mo susubukan, diba??" Payo niya kaya wala akong naisagot. Nanatiling tahimik lang kami ni lola hanggang sa bumukas ang pintuan.
"Kuya Harry!!" Nagulat na lang ako ng may biglang pumasok. Si Jaimee at Daniel!
"Waah!! Kuya, miss ka na namin ng sobra!" "Oo nga, kuya! Haay, tamang-tama, may dala kong gitara kuya! tugtog ka!" Bati nila at bigla akong hinila.
"T-teka, Daniel!"
"Kuya bilis! Tara!" Wala na tuloy akong nagawa nang hinila nila 'ko palabas.
"Master Harry the Master! Turuan mo ko!" Napakunot na lang ang noo ko nang inabot sakin ni Daniel ang gitara. Ano raw?? Master Harry the Master?!
