Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart
Chapter 55: Goodbye
- Harden
"Rockz, alam kong nandyan siya, okay? Please papasukin mo na 'ko!" Pagmamakaawa ko pero ayaw niya 'kong papasukin. Kanina pa 'ko nandito. Alam kong gusto niya na rin akong papasukin pero siguradong inutos ni Shiela na 'wag.
Alam ko naman kasing kahit napakasama sakin ni Rockiel Dude, may awa pa naman siya sa'kin. Buti nga marunong siyang magtimpi, hindi niya ko pinakaladkad palabas sa guard nila.
"Wala nga siya dito, dude. Bumalik ka na lang sa susunod." Sagot niya kaya hindi ko maintindihan. Simula nung party mas lalong hindi ko na maabot si Shiela. Lumayo na talaga siya.
Nakakainis dahil kasalanan ko to! Bat ba pinapunta ko pa si Courtney sa Hokkaido?! Tapos dumagdag pa siJei!
"Shiela!! Please! Pakinggan mo naman ako! Hindi natin 'to maayos kung hindi tayo mag-uusap!---"" Sigaw ko na nagbabakasakaling nakikinig siya.
Kaya lang hindi, imbis na si Shiela ang lumabas---IBA!
"Ehem." "Ang ingay mo naman, Harden. Ang ganda ng pinapanuod kong cartoon, nanggugulo ka." Nagulat na lang ako nang lumabas ang gagong kapatid ko. Hindi ko tuloy mapigilang mainis.
WTF?! Paanong napunta siya dito?! Pinapunta ba siya ni Shiela?! Ganon na ba sila ka-close?! S-Siya na ba ngayon yung gusto niya?! Damn! Paano masasagot ang mga tanong ko kung ayaw niya kong makausap!
"Tanghaling tapat naman, nambubulabog ka, Bro! Hay! Paano ko maiintindihan yung pinapanuod ko, ha?!" Asar pa niya sa'kin at dinuro-duro ako ng remote control.
Bullshit! Pasalamat ka kapatid kita! Pasalamat ka bunso ka! Pasalamat ka favorite ka ni Mommy!
"Can you please just shut up?!" Inis na sigaw ko na.
"Hay! Okay, sasabihin ko pa man din sana kay Shiela na kausapin ka. hmmm... Pero dahil nga I will shut my---" "Y-you will??" Bigla na lang akong napatingin sa kanya nang sinabi niya yon. Napangisi naman siya. Si Rockz, napasandal lang sa gilid ng pintuan.
"Hay! Mukha bang kapani-paniwala yung pagmumukha ng hayop na Jei na yan??" Sabat ni Rockz at napatawa naman si Jei.
"Pfft---Aba! Syempre naman, Rockz! Cotwell to no! Hahaha!"
"Fine! Kung kapatid nga kita, tulungan mo ko! Tulungan mo kong makausap siya!." Seryosong sabi ko pero napangisi lang siya ngnakakaloko.
Damn! Mapapatay ko talaga siya pag-pinagtitripan lang niya 'ko!
"Hmm. Okay." "Kaya lang wala nang libre sa panahon ngayon, dude." Ngisi niya. Sabi na nga ba may kapalit na naman 'to e!
"Fine! Ano bang gusto mo??"
"You're whole allowance for this year.." Ngiti niya kaya natigil ako.
WTF?!
"You're crazy, Jei! Daig mo pa nanalo sa lotto non. Hahaha!" Tawa ni Rockz. Naiwan naman ako nakatulala. Shit! Seryoso ba siya??
"Ano?? Payag ka ba, Bro??" Tanong niya at nagcross pa ng arms.
Damn! Maghihirap ako nito.