Two hearts under the same roof
DeadWeakHeartChapter 4: Mama Mia
- Shaine
Oh Mama Mia!
"Ay! Nadead na naman?" Nakakainis dahil nakailang dead na 'ko. Bakit naman kasi ganito 'to?! Argh!
Hanggang sa lumipas ang ilang minuto naglaro na lang ulit ako. Sabi nga nila, Try and Try until you suceed, diba??
Kaya lang, may mali talaga! Lagi akong talo!
"Argh! Kailangan kong manalo!! Pang anim na game over ko na 'to!!" Badtrip na sabi ko at pursigidong-pursigidong manalo na talaga. Halos nakatitig lang ako sa TV screen at pinipilit wag mamatay si...
'Oh Mama Mia!'
"WHAT THE---DEAD?! Dead ulit?!" Sigaw ko sabay diin ng pagpindot sa controller something na 'to. Argh! Nakakainis naman! Kanina pa ko na de-dead ah?!
"Ano bang problema mo Mario?! Pang anim na game over ko na to ah?!!" Sa totoo lang gusto ko nang batuhin ng controller sa screen si Mario! Nawawalan na rin ako ng pag-asang maglaro. Hindi pala maganda 'tong Wii!
"Psssh. Wala ka ng pag-asa." Natahimik na lang ako nang biglang may nagsalita.
S-Sino yon?!!
Dahil don, napatingin na lang ako sa pintuan dahil baka kasi may tao lang. kaya lang wala akong nakita. Sarado ang pinto!
Napalunok tuloy ako.
H-hala! H-hindi naman ako minumulto no?!
"Hoy! Hindi mo ba alam na pinaghirapan ko yung 99 lives na yan??!" Napalunok na naman ako nang may nagsalita ulit. Hindi ko alam pero bigla na lang tumagaktak ang pawis ko. Pilit kong hinanap ang pinanggagalingan ng boses pero wala talagang tao!
Shit! H-hindi kaya si Mario y-yung nagsasalita?! Nagalit siya dahil nalaman niyang gusto ko siyang batuhin sa screen?!
"WAAAHH!! Ayoko na! Hindi na nakakatuwa!" "Ano bang nagawa ko sa'yo, Mario?! Please wag mo 'kong tinatakot ng ganito! M-Mabait naman ako e! Sorry kung namamatay kay ng dahil sa'kin! Hindi lang kasi talaga 'ko marunong! Please, maawa ka!" Nanginginig na sabi ko habang nakatingin kay Mario.
Jusko!! 'Wag namang takutan please!
- Harry
Nang makaalis siya, ni-lock ko na agad ang pinto incase na pumasok ulit siya. Kaya naman humiga na 'ko at matutulog na ulit.
Oh Mama Mia!
"What the hell?!" Nagulat na lang ako at napabangon mula sa pagkakahiga nang narinig ko ang boses ni Mario."
Psh. Kahit kailan talaga yung babaeng 'yon! Kailangan ba talaga iparinig niya sakin yung paglalaro niya?!
Oh Mama Mia!
Napakunot na lang ang noo ko nang maririnig ko na naman si Mario. Namatay ulit siya! Hay! Marunong ba talaga yung pagong na 'yon?! Mukha kasing kanina pa niya pinapatat si Mario e!
Dahil don, napalabas ako ng balcony.
Nalaman ko ang masakit katotohanan na kaya pala naririnig si Mario dahil magkatabi pala ang kwarto namin!
Argh! Ang sakit.
Oh Mama Mia!
"Psssh. Tanga talaga!" Halos matawang sabi ko dahil kanina pa naghihinalo si Mario.