Chapter 23: Ulan

4K 67 2
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 23: Ulan

- Stefanie

Nakadukdok na lang ako sa table ng isang coffee shop.

Hay! Bat ba boring na boring ako ngayon? Hindi na nga ako pumasok para may magawa tapos ang boring pa rin dito Coffee shop! Bukod sa kaunti na nga ang tao, liblib pa. Nakakatamad tuloy umuwi!

Pagkatapos, hindi pa 'ko sinipot ni Erica na siyang nag-ayang umabsent. Si Wendy naman may hang over pa raw dahil kasama raw niya si Harry last night.

At first, hindi ko alam kung maniniwala ako sa babaeng 'yon dahil baka gumagawa lang ng istorya. Kaya lang nang kinuwento niyang sinabihan daw siya ng 'Bitch' ni Jack, naniniwala na 'ko! Sana pala nandon ako sa Venus kagabi! Sarap sigurong makita ang itsura ng pinsan ko habang sinasabi niya 'yon. Hahahaha!

Kontento na sana ako ngayong mag-isa at bored, pero pumasok sa isip ko si Kris! Hindi ko pa kasi siya nakikita nitong mga nakaraang araw.

Hay! Kailan ko kaya siya makikita?? Imposible namang ngayon, diba?!!

Hanggang sa pagtaas ko ng ulo ko mula sa pagkakadukdok at pagtingin sa labas, nagulat na lang ako nang nasa labas si Kris!! Shit! Nananaginip ba 'ko?? Totoo ba ang nakikita ko?!

Sinampal ko ang sarili ko dahil baka namamalik mata lang ako. Kaya lang hindi! Nasa labas siya kasama ang iba at---Nagtutulak?!

Agad tuloy akong lumabas.

"Hey! What are you doing? " Bati ko agad sa pinsan ko, Si Jack.

"WOAH!! Buti nandito ka, Stefanie!!" Sigaw naman ni Kent na hingal na hingal. Mukhang ang layo pa ng pinanggalingan nila.

"Oh? Bat kayo nagtutulak?"

"The car stopped in the middle of the road." Kinabahan na lang ako nang si Kris ang sumagot. Shit! I hate this feeling! Yung hindi mo mapigilan ang kiligin sa harap ng crush mo!

"A-ah." "Eh bat di na lang kayo nagtext or tumawag para manghingi ng---" "Kanina ko pa ginagawa pero walang signal!" Inis na sagot naman ni Jack at pinakita pa ang walang signal niyang phone.Well, he's right. Yun lang ang hindi maganda sa lugar na 'to.

"Oh! Good thing I brought my car." "Anyway, gusto niyo bang magmirienda muna?" Alok ko. Napatingin naman lahat sila sa coffee shop.

"Oh christ! Hindi ko napansin na may coffee shop dito!" Sigaw ni Jacob na nakaupo na sa ground sa sobrang hingal. Hahaha!

"Oo nga! Hindi ko rin napansin! Nakakapagod kasi---" "WTF?! Mahahimik ka nga, Harden! Tingnan mong nakaupo ka lang dyan magdamag tapos nakakapagod?!" Inis na sabi ni Rockz at napasimangot. Napatawa tuloy ako.

Makalipas ang ilang minutong pag-aasaran nila. Napagkasunduan rin sa wakas nilang pumasok sa coffee shop.

"Oh? Ano namang ginagawa mo dito??" Tanong ni Jack habang nagpapaypay sa loob. Pawis na pawis.

"Well, I'm waiting for ERICA." Nang sinabi ko ng madiin ang salitang 'Erica', napatahimik na lang si Jack. Speechless. Haha!

Nakalimutan ko ba sabihing ex niya si Erica? Pero syempre hindi sila tumagal. Si Jack pa! Isa pang babaero!

"Pfft---Dude, oh! Inaasar ka ng pinsan mo! Hahaha!" Asar naman ni Jacob.

Napukaw na lang ang atensyon ng lahat nang maghubad si Kris. Shit! Topless!

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon