Chapter 7: Smile

4.7K 95 2
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 7: Smile

- Shaine

Nagising na lang ako nang sumakit na ang ulo at ang likod ko. Ngayon ko lang nalamang nakadukdok pala 'ko sa table buong magdamag! Tapos nang napadilat ako, umaga na pala!

Hay! Ang haba ng inuman namin kagabi ah? Ni hindi ko na nga matandaan kung anong mga nangyari. Ang alam ko lang, uminom kami, nagkwentuhan kami, tapos ewan na.

Siya nga pala, nasan na sila ha? Nasaan na rin si Harry??

Nilibot ko ang paningin ko sa buong sala pero wala akong nakitang bakas ng step brother ko. Sa kanan, sa kaliwa, sa likod, sa harap---WAAHH!!! Bakit wala siya?!! Bakit wala ang napakagaling kong step-brother?!

H-hindi naman niya 'ko iniwan, diba?!!

"Harrry!!!" Sigaw ko at biglang tumayo sa pagkakaupo sa lapag. Napahawak na lang ako sa balikat ko nang biglang sumakit 'to. Nangalay sa pagkakadukdok ko buong magdamag.

Argh! Bakit naman ganon si Harry?! Napakasama talaga ng nilalang na yon!! Asar naman oh! Pinipilit ko na ngang maging mabait sa kanya tapos ganon pa rin siya!?!

Napatigil na lang ako sa pagpa-panic ko nang may humikab. Hindi ko alam kung sino, basta narinig ko lang.

Teka! S-sino yon?!! W-wag mong sabihing m-minumulto na naman ako?! WAAAH!

"S-sino yan?!" Matapang kong sigaw.

"Hmm. Shaine??" Nagulat na lang ako at napatingin sa hagdanan nang umupo si---Ano nga palang pangalan niya???

"Uhmm. N-nasaan sila?" Tanong ko at tumingin ulit kung saan-saan, baka kasi sakaling tinataguan lang nila kami hehe.

"Ewan." Sagot lang niya at biglang tumayo at nag-unat. Pagkatapos, lumakad na paalis.

"Wait! Saan ka pupunta?" Nagpapanic na tanong ko. WAAH! Wag niya sabihing iiwan niya ko ditong mag-isa?! Hindi ko pa naman din alam ang daan pauwi ng bahay!! Baka maligaw lang ako!

"Sa toilet." "Bakit? Gusto mong sumama??" Ngisi lang niya ng nakakaloko kaya natahimik ako. Nag-init ang mukha ko nang dahil sa sobrang hiya! Argh!

"S-Sira!" Sigaw ko at napatulala na lang habang lumakad siya papuntang CR habang natatawa.

Hindi ko alam pero napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanya.

Hay! Bakit ba kasi ang gugwapo ng mga kaibigan nung masungit na yon?!! Hindi ko tuloy maiwasang kiligin sa kanila e!

Lalo na 'tong isang 'to! Ang cute ngumiti. Ang gwapo!! Ang sarap tuloy niyang titigan. Nakaka---WAIT!! A-Ano bang nangyayari sakin!?! Hindi naman ako ganito ah?!

Napapikit na lang ako at napailing nang dahil sa mga pinag-iisip ko. Tinapik-tapik ko pa ang mukha dahil mali 'to! Argh! Bat ba pinagnanasahan ko ang mga kaibigan ng sungit na yon, huh?!

Patuloy lang ako sa ginagawa ko nang natauhan ako.

"Okay ka lang??" Tanong niya kaya napadilat ako. Don ko narealize na nasa harap ko na pala yung kaibigan ni Harry at s-sobrang lapit niya! F-Five inches! Napatitig tuloy ako sa mukha nito na sobrang gwapo!

WAAH! Wag kang ganyan, Please!

"Uy! Okay ka lang??" Tanong pa niya at nangiti na naman. Dahil don, hindi ko na talaga kayang pigilan ang kabog ng dibdib ko.

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon