Chapter 3: Kaibigan

5.5K 98 4
                                    

Two hearts under the same roof
DeadWeakHeart

Chapter 3: Kaibigan

- Shaine

Pagkarating namin sa bahay, walang buhay akong napatingin sa bagong mansyon. Walang lumabas na salita sa bibig ko at napanganga. A-amin ba talaga to?!

Nakapasok na kami't lahat, speechless pa rin ako. Kulang na lang korona para making prinsesa na 'ko!

"Miss Shaine, okay lang po ba kayo?" Tanong ni Manang kaya napailing ako at sinara ang laglag kong bibig. Jusko! Sobrang laki naman kasi nito! Ang ganda pa! Pang-mayaman na pangmayaman ang dating!!

"H-huh?? O-opo." Sagot ko. Napatingin tuloy ako sa mamahaling furnitures.

"Pag-may tanong kayo wag po kayo mahiya." Nang sinabi yon ni Manang, gusto kong itanong kung amin ba talaga 'to. Sobrang luwang and ganda kasi tapos ang laki-laki masyado para sa'min ni Dad---Wait! Speaking of Daddy!

"Manang, nasan po si Daddy?" Tanong ko dahil nakakainis siya! Hindi man lang niya sinabing binenta na niya yung bahay! Dapat sinabi man lang niya sa'kin!

Dahil kahit ito man ang pinakamaganda at pinakamalaking mansyon na nakita ko, hindi pa rin ako payag! Lalo na dahil makakasama ko yung bruhilda na 'yon at ang masungit niyang anak!

"Hija, syempre nasa honeymoon 'yon, busy." Ngiti ni Manang kaya napatulala na lang ako. Oo nga no? Hindi ko naisip 'yon. Kaya pala nawala sila bigla after the after party? Kapag nga pala may kasal may honeymoon din no? Kaya pala---"A-ANO PO ULIT?!!" Nasaan ulit si Dad?! No! Hindi ako payag! Hindi pwede!

"Manang! I-I need to talk to Dad! Please! Call him!" Utos ko dahil ayoko talaga si bruhildang 'yon! Kahit kailan ang init talaga ng dugo ko sa kanya! Argh! Bakit ba kasi sa dinami-rami ng babaeng pwedeng pakasalan ni Dad, bakit sya pa?!!

"Bakit naman po? Baka po busy ang Dad niyo." "Basta Manang! Tawagan niyo na siya bilis!"

"Pssh. Isip bata talaga." Napatingin na lang ako nang may nagsalita. Yung bwisit na step brother ko na ngayon! Nagtitimpla pa ng kung ano sa kitchen!

Teka?! Bakit nga pala nandito siya?!

"Anong isip bata?! Excuse me, hindi ako isip bata! At bakit ka nga pala nandito sa bahay namin, ha?!" Sigaw ko sa kanya with taas kilay effect para naman matakot siya!

"Anong bahay niyo? Sorry but it's my mom's house." Inirapan lang niya ko. Argh!! Bakla ba to?!

"What?! Excuse me? Ikaw ang sorry dahil it's my DAD's Mansion! Hmmp!" Linaw ko at tiningnan siya ng masama. Anong tingin niya sa'kin? Magpapaapi ako sa kanya?

"Pssh. Bahala ka sa buhay mo, PAGONG!" Sagot naman niya at hindi na lang ako pinansin. Napasimangot tuloy ako.

Argh! Bat ba siya pagong ng pagong?! Ano bang pagong yung pinagsasabi niya, ha?! Hindi nga ako mukhang pagong sabi, diba?! Tinanong ko pa nga kay manang pero hindi raw!! Siguro insecure lang siya!!

"Hoy! Ang kapal mo! Ikaw kaya mukhang pagong---" "Manang may tape ka ba diyan??" Napahinto na lang ako nang inis siyang napatingin.  

"Opo, Sir. Bakit?"

"Pwede ba paki-tapalan yung bibig ng babaeng yan? Naririndi na ko e. Salamat." Sabi niya at biglang tumaas na ng hagdan habang inaayos pa ang buhok.

"Oh talaga?! Pwes mas naririndi na ko sa'yo! Che!!" Sigaw ko at napasimangot na lang. Sa totoo lang, gusto ko siyang palayasin sa bahay! Kaya lang Step-Brother ko na siya ngayon---Hindi pwede!

Two hearts under the same roofTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon