" Omygod! Siya yung model?"
" Ang ganda niya! Siya pala iyon!"
" Nakabalik na siya ng Pilipinas?"
Hindi magkamayaw ang mga tao ng makita ako. Kinukuha naman ng guwardiya ko ang mga regalo at kung ano ano na ibinibigay ng mga fans saakin. Nakakataba ng puso. Ngumiti ako sa kanila.
" Pakilagay ang mga naipon niyong sulat sa isang box, babasahin ko kapag may oras ako." Tumango ang guwardiya na katabi ko. Kakauwi ko galing ng ibang bansa. Natapos ang trabaho ko doon. At ngayon, may bago akong proyekto dito sa Pilipinas.
" Ma'am, saan po ba tayo didiretso? Sa meeting niyo po o sa bahay ninyo?" Magisa kong nakasakay dito sa aking sasakyan. Tinatamad akong magdrive kaya nagsundo ako.
" Diretso tayo sa bahay, magpapalit muna ako-- nakuha niyo ba ang mga ibinibigay ng mga tao sa labas?"
" Yes, ma'am."
Tahimik ang naging byahe, napagod ako ng husto sa pinuntahan ko sa ibang bansa. Well, ito naman ang pinili kong trabaho kaya bakit ako magrereklamo? Dito ako nakilala at sumikat ng ganito.
" Hello." Tawag ko sa kabilang linya, hindi ata alam ng staff ko na nakauwi na ako? Bakit hindi siya kasama sa pag sundo sa akin.
" Ma'am, nakabalik ka na? Andito ako ngayon sa condo mo, nilinis ko lang ng kaunti, dito ka ba mag stay?" Napaisip ako. Maaga ako bukas, ang condo ko ay malapit lang sa pupuntahan kong meeting.
" Sige, diyan na muna ako, uuwi lang ako saglit at magpapalit."
" Okay, noted ma'am."
Binaba ko ang tawag. Malapit na kami sa bahay. Ang mga maleta ko ay nakasunod sa isa pang sasakyan. Talagang marami akong guards kapag uuwi, baka kasi madumog ako.
" Ma!" Niyakap ko si mama. Sa laki ng bahay namin, mag isa niya lang kapag wala ako. May mga kasambahay naman kaya lang ay mas gusto niyang ako ang nasa bahay.
" Kanina pa kita hinihintay, anong oras ka ba nakababa ng eroplano?" Ang mga pasalubong na dala ko lang para kay mama ang pinababa ko ng sasakyan, pati ang mga damit ko. Kailangan na nilang malabhan.
" Hindi ko na po matandaan, doon po ako matutulog sa condo ko ngayon, dahil may meeting ako para sa isang project, kapag natapos na po, dito na ako." Tumango si mama. Seeing her this happy kahit na nakikita niya lang ang presensiya ko, nanlalambot ang puso ko.
Lahat ng hirap at pagod ko, sa kaniya ko ibinibigay. Binibigay ko ang mga bagay na wala kami noon. Mga bagay na hindi namin nahahawakan, nabibili, at nakakain noon.
Isa lang akong mahirap na babae dati, pero ngayon, dahil sa tiyaga at sipag, nabilhan ko ng mansiyon ang mama ko, pati mga sasakyan at mamahaling mga bag at kung ano ano pa. Iniispoil ko siya.
" Andami nanaman ng mga pasalubong mo, anak, hindi na kasya ito sa closet ko." Natawa ako. Mga mamahaling bags, damit at mga pagkain na galing sa pinuntahan ko ang binigay ko kay mama.
" Lagi naman po akong may dala para sa inyo, naparami lang po ngayon." Pinalagay niya ang mga pasalubong ko sa kwarto niya. Mas malaki ang kwarto ni mama saakin ng kaunti, at baka papalawakin ko pa iyon, sa dami ng mga bag collection ni mama at mga sapatos, hindi na kasya sa ganong kalaking kwarto niya.
" Sino ba ang kumuha sayong kompanya? Mukang gustong gusto ka nilang makuha a?" Sabi ni mama. Hindi ko nga din alam kung anong kompanya, malalaman ko palang mamaya sa staff ko kapag nakapunta na ako sa condo ko.
" Malalaman ko palang po mamaya sa staff ko ma, itetext ko nalang po sa inyo mamaya kung anong pangalan ng kompanya, malaki po ang offer nila saakin." Millions nag inalok nila saakin para sa gagawin ko sa kanila. Pumayag ako. Sino ba naman ang tatanggi sa milyon o pera? Para naman iyon kay mama.
" Oh sige anak, anong oras na, magpapahinga ka pa, mag iingat ka sa byahe." Niyakap ko na si mama. Pagtapos naman ng meeting ko ay dito na uli ako matutulog.
" Bye ma, ingat po kayo dito, magpapadagdag nalang po ako ng guwardiya."
Bumyahe na papunta sa condo ko. Exclusive ang lugar na iyon. Kailangan tago ang aking bahay, kasi baka dumugin ng tao, madamay pa si mama. Ayaw ko siyang maistress.
" Ma'am, nagsend ng email ang kompanyang gusto kang kunin, kailangan ka na daw nila ngayong makausap, dodoblehin ata nila ang bayad sayo kapag ginawa mo iyon." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Seryoso? Doble?
" Talaga? O, sige, tara na sa kompanya nila."
Kahit na pagod pa, bumyahe na kami ng staff ko. Dalawa kami sa likod at mga guard at driver sa harap, nagpatawag daw ng pulis ang kompanya para kapag papasok ako sa building nila ay hindi kami masusundan ng mga tao.
" Anjan na siya!"
" Sa mga guards daw ibigay yung mga regalo natin!"
" She's so sexy."
Naka shades naman ako habang papasok, yumuko ako sa kanila at saka kumaway. May mga kumukuha din ng litrato ko.
" Hello ma'am, welcome po, sundan niyo po ako, naghihintay na po si Sir." Tumango ako. Nagpabango habang naglalakad. Wala na akong oras para mag ayos kanina. Kaya dito nalang. Sobrang laki naman ng building na ito, ang layo pa ng lalakarin namin.
" Teka, nakalagpas na tayo sa meeting room at opisina niya, hindi ba doon?" Umiling ang babae at saka ngumiti nanaman. Malapit na kami sa dulo, wala na ding mga tao dito. Ano ba to?
" Sa private room daw po kayo maguusap ma'am, kayong dalawa lang daw po." Sabi niya. Kahit na nagtataka ay tumango nalang ako. Napatingin ang staff ko sa akin at mga kasamang guards. Bahala na.
" Dito na po tayo ma'am, dito nalang po siguro sa labas ang kasama ninyo." Tumango ako sa staff ko bago pinihit ang doorknob, pumasok akong magisa. Nilibot ko ang buong kwarto ng lugar na ito. Ang bango.
" Excuse me sir, Andito na ako." Nakatalikod ang upuan saakin. Hindi niya ba namalayan ang pagpasok ko? Tumunog naman ang pintuan kanina a? Ng inikot niya ang upuan, nanlaki ang mata ko at saka napalunok.
Shit, bakit siya andito?!
" You're back, sweetheart.."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...