' si ma'am olivencia?'
' pwede kaya magpa picture sa kaniya?'
' nakakahiya, baka di tayo pansinin.'
Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin ng mga sasakyan. Kakatapos ng shoot ko pero dito ako dumiretso. Bibili na kaagad ako ng van. Para mas malaki naman ang kanilang sasakyan. May lima akong sasakyan sa bahay, kaya bibilhan ko muna sila tita ko.
" Pang ilang tao po ba ang hinahanap niyo ma'am?" Tanong ng babaeng nag aassisst saamin. Nasa likod ko lang ang guwardiya ko at saka si Hyacinth. Nakatingin ako sa mga sasakyang andito sa harapan ko.
" Sampung tao sana ang kakasya sa van na gusto ko, I want it white." Tumango siya. Tinuro niya ang isang sasakyan at saka sumunod kami dito. Nakita ko ang sasakyan. Maganda nga ito at saka malaki sa loob. Kaya kakasya na sila dito. Chineck ko ang upuan ng driver. Minsan kasi si tita ko ang nagda drive, kaya baka hindi niya maabot ang nasa baba. Pero sakto naman siguro sa kaniya ito.
" I want this one. Kukunin ko na."
" Cash po ba ma'am?"
" Black card."
Tumango ang babae at saka ngumiti bago kami pinaupo muna sa maliliit na lamesa na narito. Tinawagan ko muna sila tita ko habang hinihintay ang babae.
" Tita, pumunta po kayo sa address na isesend ko, bumili ako ng van, babayaran ko nalang po, kayo na ang mag uwi, para may sasakyan ang mga bata kapag bibisita kayo saamin."
" Sach?! Totoo? Bumili ka ng van? S- sige, papunta na ako, hintayin mo na ako diyan."
Kinuha ng babae ang black card ko at saka niya ni swipe. Pagtapos non ay ibinalik niya ang card saakin. Ibinigay naman ng isang lalaki ang lahat ng resibo at saka nila hinandang ilabas ang van. Nagkaroon pa kami ng kaunting picture taking.
" Thank you for choosing our company ma'am, enjoy your rides."
Tumango ako at nagpasalamat. Habang hinihintay si tita. Nasa loob lang ako ng sasakyan. May mga media kasi sa labas kaya hindi ako pwedeng magtagal, baka makuhanan nila ako ng litrato.
" Sachzna!" Niyakap ako ni tita pagdating niya. Magpapakita lang ako at aalis na. May appointments pa akong dapat puntahan.
" Tita, iuwi niyo na iyan. Naipahatid ko na din ang mga pasalubong ninyo. Gamitin niyo iyan sa susunod na bibisita kayo sa bahay."
" Salamat sach. Mag iingat ka."
Kumaway ako sa mga tao bago ako pumasok sa kotse. Nasa tabi ko lang si Hyacinth at tahimik na may kinakalkal sa kaniyang telepono.
Nakasandal lang ako sa upuan ko dahil malayo ang byahe papunta sa condo ko. Magkikita kami ni Mr. Ocampo, kaya magpapalit muna ako ng damit ko at mag aayos. Hindi pa din pala ako nakakapunta sa SPA kaya after namin mag meet, baka didiretso na ako doon.
" Saan daw kami magkikita ni Asrael?" Tanong ko habang inaayos ang glasses ko. Naka heels ako ng 5 inches, naka skirt at saka naka puff na blouse.
" Sa Maxine's daw po, malapit na po tayo." Ngumiti ako bago naidlip ng saglit. Tabi ng dagat iyon, kaya medyo malayo dito saamin. Magpapagising nalang ako mamaya.
" Darling--"
" I think she's tired, Mr. Ocampo." Nakaramdam ako ng kalabit sa aking braso. Agad akong napamulat. Naka glasses pa din naman ako kaya lang, black, kaya hindi nila makita na gising na ako.
" Asrael, k- kanina ka pa ba dyan?" Ngumiti siya ng marinig ang boses ko. Agad akong bumangon sa pagkakasandal at saka nagayos ng mukha ko. Tinanggal ko ang aking glasses at saka naglagay ng kaunting foundation at blushon.
" Yeah, you're tired? Sana sinabi mo saakin para ni reschedule nalang natin ang meet up." Umiling ako. Agad na nagkumpol ang mga tao ng makita ako na pababa ng sasakyan. Hinigit ni Asrael ang aking beywang at inalalayan akong maglakad palabas. Naglabas ng mga camera ang mga tao, kaya lang, agad silang sinita ng guards. Mahal ang bayad sa akin kapag kinuhanan ako ng litrato.
" Ayos lang naman. At saka ngayon nalang ulit tayo magkikita." Sambit ko. Kumaway ang mga tao sa akin, yumuko nalang ako at saka kumaway din. Agad silang nagbulungan, ang saya naman nilang makita ako. Sana all.
Agad na nakakuha ng upuan si Asrael, baka nagpa reserve na siya kanina pa.
" Omygod, Ms. Olivencia,-- uhm, may i take your order sir and ma'am?" Kinuha ko ang menu, at sinabi ang aking order. Ganon din naman ang ginawa ni Asrael. Iniwan kami ng mga staff dito.
" How's work? You look tired, damn it, i'm so guilty right now." Nangunot ang aking noo sa sinabi niya. Ganon na ba ako kahalatang pagod sa aking trabaho?
" Am i that ugly? Madali nalang makita ang pagka pagod ko sa mukha ko?" Tumawa siya sa sinabi ko at saka umiling. Bumusangot naman ako sa sinabi niya. I feel bad though, hindi pa ba sapat na nagpapa derma ako, every week?
" No, darling, I- i mean, i can see it in your eyes that you're tired. I even caught you sleeping at your car." Paliwanag niya. Dumating ang pagkain namin. Bawat counters at palibot ng restaurant na ito ay may guwardiya. Sinisiguro nilang hindi ako makukuhanan ng litrato.
" You really waited for me? 3 years has passed, Mr. Ocampo." Sambit ko. Sa loob ng tatlong taon, mas tumaas ang kaniyang rangko. Siya na ata ang pinaka hepe o malapit na, wala na akong balita sa kaniya simula ng umalis ako.
" I told you, i will wait for you, darling. How's the red carpet?" Uminom muna ako ng tubig bago ako sumagot. In fairness, ang sarap ng pagkain nila dito. This is my first time to eat here. Pero hindi nila ako binigo.
" It's really good. Nakakilala ako ng mga lalaki doon, and guess what--"
" No, darling, please, shut it." Tumawa ako sa sinabi niya. Umayos ako ng upo bago ako nagsalita ule.
" Hear me out--- nakakilala ako ng mga lalaki, but none of them caught my attention." Matabang na sambit ko. Tumango tango naman siya at parang satisfied na marinig iyon. Uminom siya ng tubig.
Binigay na namin ang bill. Sinigurado din muna ng mga guwardiya na walang nakakuha ng litrato ko.
" You want me to drive you home?"
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...