37

34 10 2
                                    

" Ma, matinong usapan naman muna ngayon, please? Kagagaling niya ng ospital." Malumanay na pakiusap ni Alessandro sa mama niya ng bumisita kami ule dito. Tumango ng sapilitan ang mama niya. Umupo kami sa sofa nila.

" Sinabi kong wag na kayong babalik dito, hindi ba? Ayoko ng makita ang babaeng iyan." Yumuko lang ako sa sinabi niya. Ayokong makipag talo. Ayokong magsalita. Pagod pa ang katawan ko.

" Pasensiya na po kung paulit ulit kayo ng paalala, gusto lang po namin ni Alessandro na maging maayos ang---"

" Mas magiging maayos ang lahat kapag aalis ka sa pamilya namin, iha. Ayoko sa basura, walang modo at higit sa lahat, cheap." Napalunok lang ako. Pasensiya, Zacharielle. Matuto tayonv magpasensiya habang may natitira pa. Kapag wala na, dadambahin ko na talaga ang matandang ito.

Hinawakan ni Alessandro ang kamay ko at saka iyon inilagay sa hita ko.

" Ma, kung ayaw niyo kay Zacharielle. Hindi niyo na ako makikita pang uuwi at magpapakita dito sa pamamahay na ito, simpleng bagay ma, kay Zacharielle ako sumasaya, bakit mo naman pinagkakait saakin?" May diin na sambit ni Alessandro sa mama niya. Agad na napakahawak ang mama niya sa baso at saka napainom ng tsaa.

" Alessandro, naiisip mo ba ang sinasabi mo? Aalis ka? Ano ang ibubuhay mo? Saan ka titira? Paano ang kompanya--"

" Damn that company ma, kung iyan at ang pera lang ang nasa utak mo, huwag mo akong idadamay!" Dinabog ni Alessandro ang lamesa. Napalunok ang mama niya sa inaasta ng anak niya. Nananahimik lang ako sa tabi ni Alessandro.

" Gusto mo ba ng pera, Ms. Olivencia? Iyon ba ang habol mo? Kung gusto mo, bibigyan kita ng mansiyon at kotse. Layuan mo lang ang anak ko." Umiling ako kaagad.

" Ang anak niyo po ang gusto ko, wala kayong magagawa doon."

Napatayo ang mama ni Alessandro at saka siya nagpakuha ng gamot. Wala akong pakialam kung aatakihin siya. Mas maganda nga sana iyon. Joke.

" Magpa stand by kayo ng ambulansiya sa labas. Hindi ko kaya ang babaeng ito." Tumango ang guards nila at saka tumakbo sa labas ng kanilang mansiyon. Napangisi ako ng makitang nahihirapan siyang huminga.

" Ma, alam kong magbabago din ang isip mo--"

" Your wedding with Ms. Andante is on Tuesday, Alessandro. Aalis na tayo dito bukas na bukas." Napanganga ako sa sinabi niya. Sabado palang ngayon. At ilang araw nalang kasal na nila? Kaya pala ang walang bruha dito dahil baka naghahanda ng mga gagamitin niya.

" Hindi ako sasama ma. Hanapin niyo ako kung gusto ninyo." Hinila ni Alessandro ang kamay ko at saka kami sumakay sa kotse niya. Makailang ulit na hinampas ni Alessandro ang manibela niya. Hinawakan ko naman ang kaniyang braso.

" L- love, kumalma ka--"

" What the fuck did you say, sweetheart?" Hininto niya ng walang pasabi ang kaniyang kotse. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. Agad akong napaisip sa sinabi ko.

" Love?"

" Damn it." Tinanggal niya ang kaniyang seatbelt at inabot ang aking labi. Agad naman akong tumugon doon. Gumapang ang kaniyang mga kamay sa aking hita. Tinanggal ko na din ang aking seatbelt.

Pumasok ang kamay niya sa skirt na suot ko. Napadaing ako ng mahina dahil sa ginawa niya.

" I told you, don't seduce me, woman. I'll make you mine here."

" Uhmmm.." Ungol ko ng naabot ng kamay niya ang aking ibabang bahagi ng katawan. Hindi siya nakuntento ay pumasok kami sa likuran ng kaniyang sasakyan. Pinaupo niya ako doon habang siya ay nakatayo sa aking harapan.

" I need this. I badly need this. I want you, Zacharielle-- fuck!" Umarko ang aking katawan ng maipasok niya ang tatlong daliri niya saakin. Hindi man lang ako dinahan dahan. Nasabunutan ko ang kaniyang buhok. Siniil niya ako ng halik upang hindi ako makalabas ng ungol, ngunit dahil sa sarap ay hindi ko maiwasang maglabas ng tunog.

" Ohh! Alessandro! Uhmm.." Mahahabang ungol ang lumabas sa aking bibig dahil sa ginagawa niya saakin. Napapangiti naman siya kapag naririnig ang ungol ko. Hinalika  niya ang aking noo bago niya ipasok ang kaniya.

" Ohh!"

" Ano nanaman ang sinabi ng mga magulang niya sayo kanina?" Tumawa ako sa tanong ni mama. Naligo ako kaagad ng makauwi ako, dahil sa nangyari saamin ni Alessandro sa kotse niya. Baka makahalata si mama.

" Bibigyan daw ako ng mansiyon at kotse ma, yayaman na tayo--"

" Siraulo kang bata ka ano? Biro lang ba ang mga ganoon sayo?"

" Ma, kung seseryosohin natin ang mga sinasabi nila, mas lalo tayong magkakaroon ng problema, kaya ginagawa ko nalang biro ang lahat." Napailing si mama sa sinabi ko. Nasa kwarto ako ngayon at nagsusuklay ng buhok ko. Si mama naman ay nasa pintuan lang.

" Bilib ako sayo anak, buti nalang nagmana ka ng ugali saakin."

Hindi parin kami nakakapag usap ni Dashiell. Kaya naisipan kong pumunta sa bahay nila. Kumatok lang ako ng ilang beses ay pinagbuksan na ako ng pintuan ng mama niya.

" Dash!--"

" Hello." Naputol ang sasabihin ko ng makakita ako ng isang babae na nakahawak sa kamay ni Dashiell.

" Sino to?" Turo ko sa babae ng palihim. Agad niya akong pinunta sa garden nila at saka doon kami nagusap. Umiwas ako ng tingin sa kaniya.

" Sach, girlfriend ko--"

" Congrats, sana sinabi mo ng mas maaga sa akin." Mapait na sambit ko. Agad akong nakaramdam ng tampo. Kailan pa kaya? Bakit hindi niya sinabi saakin? Dapat ako ang unang makakaalam nito a?

" Sorry, h- hindi ko nasabi sayo, nakalimuta--"

" Nakalimutan mo na ako? Kaya ganon." Ngumiti ako ng mapait sa sinabi ko. Agad siyang napahawak sa sentido niya. Umiwas ako ng tingin. Hahawakan niya sana ang aking kamay kaya lang, iniwas ko ito.

" Hindi sa ganon, Sachzna, please--"

" Ayos lang, aalis na ba ako?" Hinigit niya ang beywang ko at saka niya ginulo ang buhok ko. Hinawakan ko ang kaniyang mga dibdib at saka sjya itunutulak. Ngunit ayaw niyang magpatalo.

" Hey, chill, she's just my girlfriend, bakit ka ganyan?" Niyakap niya ako. Umiling iling ako sa dibdib niya at hinampas iyon ng mahina. Tumatawa naman ito.

" Hindi mo sinabi saakin kaagad. Kung hindi pa ako pumunta dito, hindi ko pa malalaman--"

" Sachzna, s- si Alessandro.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon