16

46 17 3
                                    

" Ma, kailangan po ako ngayon sa covered court, may meeting po doon." Paalam ko kay mama. Naghahanda na ako ng damit ko para mamaya ayos na yan.

" Sige anak, mag iingat ka doon--"

" Kasama ko naman po ang mga pulis." Tumango si mama. Naligo na ako at saka kumain na din. Ilang minuto, lumabas ako ng bahay, hindi ako nagdala ng bag, malapit lang naman ako.

" Ayos ka na ba, Ms. Olivencia? Aalis na tayo." Ngumiti ako bago ako tumango. Nagiwas ako ng tingin ng makita kong nagaayos ng uniporme niya si Alessandro.

" Tara na po, baka hinahanap na tayo." Sinakay naman nila ako sa sasakyan nila kaya naman hindi ako nahirapang maglakad. May kalayuan kasi ang covered court namin at mainit pa. Habang nasa loob ako ng sasakyan ay nakikita ko ang mata ni Alessandro sa akin, si Sir Pascua ang nagda drive at katabi ko si Sir Ocampo.

" Hello! Magandang umaga, andito kami para kumuha at maghanap ng ilang gustong magpa register bilang isang red cross member." Napatingin ako sa nagsasalita habang bumababa na kami sa sasakyan. Nakita ko si Alessandro ng pababa na ako, kinuha niya ang kamay ko.

" Be careful."

" S- salamat."

Pumwesto kami sa likod na parte ng covered court, andito lang naman ako para mag standby, baka kasi may masugatan, o iba pang aksidente na mangyari.

" May isa nga palang certified member ng red cross ang andito, dalawang taon na siyang member at rescuer." Nanlaki ang mata ko ng tinuro ng MC ang pwesto ko. Tinuro ko pa ang sarili ko bago ako ngumiti.

"-- hi, Ms. Olivencia!" Bati ng MC. Kumaway ako at saka ngumiti. Binigyan kami ng upuan ng mga baranggay officials, kinuha ko iyon at umupo doon.

" Anong baitang mo na ngayon, Ms. Olivencia?" Napalingon ako sa sinabi ni Sir Ocampo. Ngumiti ako at saka tumingin sa kaniya.

" 4th year college po, last ko na po sa pagpasok.." Paliwanag ko. Tumango naman siya bagi umayos ng  upo at saka tumingin  sa harapan. Nakikinig lang ako ng sinasabi nila. Marami naman kaming kabataan na andito at dumalo sa programa dito, kaya baka sasama sila.

" Bakit mo naisipang sumama ng red cross at maging rescuer?" Tanong uli niya. Namataan ng mata ko si Alessandro na tatabi sa akin. Agad akong napalunok. May hawak siyang upuan at saka pupuwesto sa tabi ko.

" Gusto ko po talagang makatulong, at saka balak ko pong magpulis, kagaya ninyo." Napalingon siya saakin at saka ngumiti. Ang cute niya ngumiti kasi dahil naka braces? Basta ang tamis ng ngiti niya, kaya pala crush ito ni Ate Trisha e.

" Maganda iyan, mahirap ang training pero maganda naman ang experience." Paliwanag nito. Tumango ako at saka ngumiti. Sumandal ako sa upuan ko.

" Kapag sasama kayo sa grupo namin, may mga trainings tayo na gagawin para maturuan kayo kung paano ang gagawin ninyo kapag magre rescue kayo." Rinig kong paliwanag ng MC. Kilala ko ang MC, magkakilala naman kami. Nakikinig ng mahusay ang mga kabataan. Kaya natutuwa ako.

" Ayusin mo ang upo mo, Ms. Zacharielle." Napalingon ako sa nagsalita, matalim ang titig niya sakin ng magtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas ng tingin.

" Bakit? Ayos naman ito, naka pantalon naman ako e." Tinignan ko pa ang suot ko. Nagpantalon ako at saka nagsapatos. Ganito kasi ang suot ko kapag kailangan kong mag standby.

" Kahit na ganiyan ang suot mo, kailangan mong umayos." Umirap ako at saka umiling sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin.

" Huwag kang umarteng jowa mo ako, Alessandro, kung ano ang gusto ko, gagawin ko." Masungit kong sambit. Kinuha ko ang upuan ko at saka umalis sa pwesto ko. Nagtataka naman ang iba naming kasamang pulis.

" May i call Ms. Olivencia?" Napalingon ako sa harapan. Ngumiti ako at saka hindi nagdalawang isip na pumunta sa harapan. Makapal  ang mukha ko kaya naman agad akong lumapit. Nakatingin naman ang mga kabataan sa akin.

" Ano po ang gagawin ko?" Sambit ko. May ibinigay siyang mga papel at ballpen sa akin. Akala ko ba ay standby lang ako? Okay lang naman ito.

" Sa mga gustong mag avail ng membership card, pwede kayong lumapit kay Ms. Olivencia." Agad silang nagtayuan. May ilan na nagkakahiyaan pa. Nakaupo ako sa may lamesa dito. Pumila sila.

" Pakilagyan nalang ng pangalan mo at kung ano pa ang kailangan diyan sa papel, pagtapos, pakibalik nalang saakin." Paliwanag ko. Nagbigay ako sa kanila ng mga papel. Bumalik naman sila sa upuan nila at naging busy sa pagsusulat.

" Buti nalang andito ka, Sachzna, wala kasi ang ibang member, busy sila, tsaka malayo ang baranggay ninyo." Kwentuhan namin ng MC, habang naghihintay kami ng mga magbibigay ng mga papel.

" Ayos lang po, andito na din naman po ako sa baranggay namin at walang ginagawa, kapag kailangan niyo po ng makakasama ule, kahit malayo, sasama po ako."

" Salamat, Sachzna."

Hindi magkamayaw ang mga nagbibigay, nagmamadali silang ibigay ang mga papel, hindi ko din alam kung sino ang uunahin ko.

Nanlaki ang mata ko ng may isang pulis na humarang sa harapan ko.

Si Alessandro.

" Pumila kayo ng maayos, hindi niya kayo kayang lahat." Medyo may diin na sambit niya sa mga kabataan. Agad akong tumayo sa inuupuan ko at saka lumapit sa kaniya.

" Ayos lang, Alessandro--"

" Hindi ayos sakin, Ms. Zacharielle, pawisin ka na." Iwas niya ng tingin bago dumistansiya para malaya kong makuha ang mga papel na ibinibigay nila saakin.

" Kailan po kaya ang training ate?" Sambit ng isang babae saakin. Siya ang huling nagbigay saakin ng papel.

" Sasabihin naman nila sa inyo kung kailan, kaya kailangan mong ilagay ang contact number mo." Tumango siya. Ngumiti ako sa kaniya. Ilang minuto pa siyang nanatili sa aking harapan. Nilingon ko si Alessandro na may kausap sa gilid ko.

" Sana po kasama kayo sa training, gusto ko po kayo kasama, ako lang po ata ang walang ka close sa mga kasama dito e." Malungkot ako sa sinabi niya. Agad akong napalingon sa mga iba pa niyang kasama. Nagtatawanan sila at ang iba naman ay naguusap.

" Sige, sabihin mo saakin kung kailangan mo ako, baka kasi tawagan din nila ako--"

" The program is done, let's go sweetheart."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon