25

41 13 3
                                    

" Napakalaki ng teddy bear na ito, baka hindi to magkasya sa kotse mo." Sambit ko habang pinipisil ang teddy bear na hawak ni Alessandro, mas malaki pa ata ito saakin. Kinuhanan ko siya ng litrato.

" Ilagay muna natin ito sa kotse, may gusto ka pa bang puntahan?" Halos napuntahan na namin lahat kanina sa perya. Nakain ko na nga ang mga pagkain na napanalunan namin sa mga laro kanina. Iyong teddy bear na malaki lang ang maiuuwi ko.

" Doon tayo ulit sa children's park. Wala ng tao doon ng ganitong oras, kaya tahimik doon." Pinaandar niya ang sasakyan niya. Ilang minuto lang andoon ka na kaagad. Hindi naman magkakalayo ang mga pasyalan dito saamin. Pagdating namin doon. Iniwanan muna namin ang teddy bear sa sasakyan.

" Ano naman ang gagawin natin dito?" Umupo ako sa isang bench dito. Ginaya niya naman ang ginawa ko. Umupo siya sa tabi ko.

" Gusto ko magusap tayo, parang getting to know each other? Hindi pa kita masyadong kilala." Humarap ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi naman na ako naiilang. Mamaya pa ako aamin. Kinakabahan parin ako. Hinawi niya ang buhok na tumabing sa aking mukha. Agad akong nakaramdam ng kung ano sa aking tiyan.

" Alessandro Villareal is my full name. 32 years of age. No girlfriend since birth. May 30 1989 is my birthday, and currently loving Ms. Zacharielle." Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Ngumiti ako. Inayos ko ang dress ko. Fitted naman ako, kaya ang hirap umupo.

" Balita ko mayroon daw kayong bussiness? Ikaw ang mamamahala noon?" Dahan dahan siyang tumango. At saka hinawakan ang kamay ko.

" Yes. Kapag wala akong duty, doon ako sa opisina ko. Pero mas gusto kong kasama ka kapag wala akong duty, kaya sila na muna ang bahala sa kompanya." Nagulat ako sa sinabi niya. Iyon pala ang pinagkakaabalahan niya kapag wala siyang trabaho? Hindi na siya nagduduty sa ibang lugar? Loyal naman pala ito.

" Ikaw ang tagapagmana non? Wala kang kapatid hindi ba?" Umiling siya bago binasa ang kaniyang labi. Agad din akong tumango bilang pag sang ayon.

" Wala, ako lang magisa, ikaw? Wala ka ring kapatid?"

" Wala din, mga pinsan ko nalang ang mga kapatid ko." Tawa kong sambit. Gusto ko din maranasan magka kuya ganon, pero ako sana ang panganay kapag may kapatid ako, pero wala naman e.

" When is your birthday?" Diretsong tanong niya.

" April 4, 2001." Matamis na ngiti ang ipinakita ko pagtapos kong sinambit iyon. Tumango naman siya.

" You're distracting me, damn it." Agad akong nagtaas ng kilay sa sinabi niya. Ng makita niya ang reaksyon ko, agad niyang tinignan ang damit ko. Nasa bandang dibdib ko ang kaniyang mata. Kaya iniwas ko ang kaniyang mukha.

" Nakaka distract ba ang cleavage ko? O ang collarbone ko? Ganito talaga ang damit na ito." Tumayo ako at saka umikot ikot. Hinila niya ng maingat ang beywang ko at saka inilapit sa katawan niya.

" Lahat, nakaka istorbo, Zacharielle. Lahat." Malumanay na sambit niya habang inaayos ang manggas ng damit ko. Tinignan ko ang ginagawa niya. Ginala niya ang kamay niya papunta sa collarbone ko at saka inayos ang necklace ko.

" Alessandro, hindi ba dapat may mga bodyguard ka? Ganoon ang mga anak ng business man sa palabas." Inilagay niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. Niyakap niya ako.

" Hindi ko na kailangan, pulis ako, kaya ko ang sarili ko." Tumango ako. Ramdam ko ang hininga niya sa aking batok. Ang init ng katawan niya ay ramdam ko din.

" Bakit ba laging pumupunta ang babaeng kulang sa vowels ang pangalan doon sa station niyo?" Tanong ko. Tumawa siya sa sinabi ko at saka siya kumalas sa yakap. Tinignan niya ako ng mataman sa mga mata ko.

" My mom wants me to marry her. But since i found you, i don't want to do it." Napabusangot ako sa sinabi niya. Kinuha niya ang mukha ko at saka hinalikan ang labi ko. Nanlaki ang mata ko dahil doon. Sa tingin ko, hindi ko kayang sabihin sa kaniya. Sa susunod na araw nalang siguro.

" Sabi nga nila ikakasal ka daw sa kaniya, mayaman siya, at tingin ko bagay kayo sa isa't isa, bakit hindi nalang siya?" Nag igting ang panga niya sa sinabi ko. Agad niyang binitawan ang aking mukha at iniwan iyon.

" Ayoko sa mga maaarte, Zacharielle. Gusto ko ng Olivencia."

" Ayaw ko ng Villareal, masungit, minsan sweet, caring, tapos biglang nanghahalik at nangyayakap." Tumawa siya sa sinabi ko. Hinatak niya ang kamay ko para maglakad lakad kami. Kaming dalawa nalang ang narito. May mga ilaw pa naman ang mga poste.

" The more you hate, the more you love." Tumawa ako sa sinabi niya. Siguro mga 10pm na kami uuwi. Hawak niya parin ang kamay ko.

" Ang swerte ng mapapangasawa mo." Malungkot na sambit ko. Sinabayan ko ito ng pagtawa para hindi halata na nasasaktan ako sa mga pinagsasasabi ko.

" Itigil mo ang bibig mo, Zacharielle--"

" Maayos ang buhay mo, secured na ang kinabukasan ng magiging anak mo, kahit nga hindi ka na magtrabaho, may pera ka parin. Maalaga ka, wala ng hihilingin yung magiging asawa mo." Umiwas ako ng tingin. Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa daan. Napabalikwas ako ng hilahin niya ang kamay ko pabalik na sa kotse niya. Baka uuwi na kami.

" Bakit ba ganyan ang sinasabi mo? Shut your mouth, woman, can you? I'll kiss you." Napangisi ako. Sumakay na ako sa kotse niya. Mapait parin akong nakatingin sa daan.

Paano kapag umamin nga ako at ipakilala niya ako sa magulang niya. Tapos malalaman nila ang estado ko sa buhay. Baka hindi nila ako tanggapin para sa anak nila.

" Sweetheart, please talk.." Lumingon ako sa kaniya. Walang traffic kaya madali akong makakauwi.

" Sweetheart? Ang cute naman." Mapait na sambit ko. Napahawak ako sa bintana ng kotse ng ihinto niya ito sa may gilid ng kalsada. Nagtaka naman ako doon.

" What's the matter? Hindi ko gusto ang mga lumalabas sa bibig mo." Ngumiti ako sa kaniya at saka humarap dito.

Kung ano man ang mangyari samin ni Alessandro kapag nakaharap ko na ang magulang niya, sana hindi niya ako pabayaan at magkakampi kami sa huli.

" Alessandro, mahal kita."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon