07

78 37 6
                                    

Ilang araw, napagisipan ng mga tita ko na magtinda ng halo halo sa bakanteng lote namin dahil sa sobrang init.

" Tita, dito po muna ako ha? Tutulong po ako sa inyo sa pagtitinda." Sambit ko kay tita Veronica habang nag aayos sila ng mga gagamitin para sa pagtitinda.

" Salamat ng marami, sach. Wala talaga akong makakasama dito dahil tamad ang mga pinsan mo." Lagi silang busy sa cellphone. Kaya hindi na nila maharap na tulungan si tita veronica sa trabaho niya. Kaya ako nalang. Bukas naman ang bakanteng lote namin kaya kita ang paninda namin.

" Ako nalang po muna ang magtitingin tita, wala naman po akong ginagawa sa bahay e." Naayos na halos lahat. May yelo na din sa cooler. Kailangan nalang namin mag hintay ng costumer. Nakatambay lang kami sa labas.

Nakikita ko sa labas si Sir Villareal. Nagpapara siya ng mga sasakyan at saka may tinatanong dito. Naka shades siya, dahil sa init. At saka nakasukbit sa kaniya ang baril niya. Pawis din ang mukha.

" Tita, kuha po ako ng isang halo halo, may pagbibigyan lang po ako." Nagtaka si tita. Nagkuskos siya ng yelo habang nagtitimpla naman ako. Busy parin ito sa pagtingin sa kalsada.

" Para kanino mo naman  ibibigay yan, sach?" Ngumiti lang ako. Nilagyan ko na ng gatas at ube sa ibabaw. Binigay ko ang bayad kay tita. Buti at may bente pesos pa ako sa bulsa. Agad akong tumawid sa kabilang kalsada.

" S-sir Villareal, meryenda po muna kayo!" Agad niya akong tinignan. Dahan dahan siyang tumingin sa akin. At saka naglakad palapit saakin. Ngumiti naman ako.

" Para saakin ba yan?" Binigay ko ang halo halo. Kumuha ako ng upuan, at saka tinuro sa kaniya.

" Nakita ko po mula doon na pagod na pagod na kayo kakapara at kaka tanong diyan. Kaya naisipan ko po kayong bigyan ng meryenda niyo." Napangiti siya. Ngumiti naman ako. Kinuha niya ang binigay ko at sinimulang kainin.

" Really? Thank you for this Ms. Oliven--"

" Sachzna Zacharielle Olivencia po ang pangalan ko." Tumango siya. Sarap na sarap naman siya sa halo halo. Masaya akong natulungan siya sa pagod niya. May pawis parin ang kaniyang noo.

" Maganda ang pangalan mo, sachzna." Napahinto ako sa sinabi niya. Ang ganda ng pagka banggit niya ng pangalan ko.

" Salamat po, Sir Alessandro.." Tumayo siya mula sa kinauupuan. Kinuha niya ang kamay ko at saka kami pumunta sa may silong ng mangga. Presko ang hangin dito. Nasa tabi namin ang motor niya.

" How old are you?" Wala sa sariling tanong niya bago tumingin saakin. Dahil hinahangin ang buhok ko, inayo ko ito sa pagkakatali.

" 20 po, kayo po ba?" Nag iwas siya ng tingin sa akin. Pinaglaruan niya ang baril niya. Tinanggal niya din ang shades niya. May sumunod naman sa kaniya na magpara, kaya ayos lang na magpahinga siya.

" 32 na ako. Hindi ba halata?" Nanlaki ang mata ko. Tinignan ko ng mabuti ang mukha niya. 32? Hindi halata. Ang gwapo niya.

" Hindi po halata, napaka gwapo ninyo para sa 32, mukha kayong 22." Napatawa siya sa sinabi ko. Nakatayo lang kami dito. Napansin kong tutulo na ang pawis niya. Lumapit ako para saluhin iyon.

" Why did you do that?" Napaiwas ako ng tingin. Hindi ko din alam. Bakit nga ba?

" Ayaw ko lang po madumihan ang uniporme niyo, kaya ako na mismo ang nagpunas ng pawis ninyo." Tumawa siya. Hindi ako makatingin ng maayos. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ko. Malaking kahihiyan, Sachzna.

" Nag aaral ka pa ba?"

" O- opo.." Tumango siya. Wala akong mapagbalingan ng atensiyon. Dahil panay sasakyan naman ang nakikita namin dito sa kalsada.

" Ano ang balak mong trabaho pag nakapagtapos ka na?" Hindi ako agad nagdalawang isip, sinabi ko ang gusto kong maabot balang araw.

" Gusto ko pong maging pulis, kagaya ninyo." Nanlaki ang mata niya. Nag igting ng kaunti ang panga niya.

" Bakit iyan ang napili mo?" Nag isip ako ng malalim, bakit nga ba ito ang napili ko?

" Para po makatulong sa bayan, at saka ayaw ko sa mga kurakot sa gobyerno, naiinis po ako kapag ganoon." Natawa siya. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Tinaasan ko siya ng kilay.

" Hindi mo maiiwasan ang mga ganoon sa panahon ngayon, Ms. Olivencia." Sumimangot ako. Ngumiti naman siya.

" Pwede niyo po ba akong turuan kung paano ang mga hakbang at kung ano ano ang pinag aralan ninyo sa training?" Nag isip pa siya ng malalim bago niya ako tinignan ng mataman sa mata.

" Pwede naman, kailan ka ba walang ginagawa?" May mga ginagawa naman ako sa bahay, pero hindi naman ganoon karami. Advantage na din ang pagpapatulong ko sa kaniya para naman mas advance ako kapag pumasok na ako sa training.

" Wala naman po akong masyadong ginagawa, kayo po ang inaalala ko--"

" Inaalala?" Tumaas ang kilay ko bago nag aalangan na tumango. Tumawa uli siya. Masayahin siya no? Well, mabait naman pala itong si Sir Villareal e.

" Opo, kung may oras lang naman po kayo, hindi ko naman po kayo pinipilit." Tumingin siya sa mga kasamahan niya bago siya tumingin saakin.

" Sasabihin ko sa iyo kapag wala akong gagawin o kaya naman ay hindi ako magdu duty, tuturuan kita." Nagliwanag ang mata ko. Napangiti ako ng maluwag sa sinabi niya.

" Talaga po? Nakakahiya po pero salamat." Nahihiya kong sambit. Ngumiti siya bago lumapit saakin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng hinawakan niya ang buhok ko at saka ginulo ng kaunti.

" Ihahatid na kita sa inyo bago ako uli babalik sa pagta trabaho." Nauna siyang naglakad. Bumuga muna ako ng hininga bago ako sumunod sa kaniya. Tumakbo pa ako dahil malalaki ang hakbang niya kaya hindi ako makasunod sa kaniya.

" Salamat po sir--"

" Huwag mo na akong tawaging Sir. Alessandro nalang." Naglalakad parin kami. Kinakasa kasa niya ang baril niya habang naglalakad kami. Pinagtitinginan naman kami ng mga tricycle driver. 

" Paano po kapag narinig ako ng iba, baka po sabihin nila feeling close ako sa inyo." Tumingin siya sakin bago siya ngumiti.

" And also, drop the po, okay? Tanggalin natin ang formality kapag magkasama tayo, Ms. Olivencia." Tumango naman ako. Nasa tapat na kami ng pwesto ni tita.

" Sige, Alessandro, maraming salamat."

" Salamat sa meryenda, Sachzna. Nabusog mo ako.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon