" Hala, kita mo yung babae na yon?" Sambit ni Glorianne habang naglalakad kami para masilip nila si Alessandro.
" Gaga, may girlfriend na ata e, ayun o! Tignan mo, sachzna." Nilingon ko ang sinasabi nilang babae. Agad sumakit ang aking puso sa nakita. Isang babaeng napaka puti ang bumisita ata kay Alessandro. May dala itong mga pagkain.
" Baka nga girlfriend niya iyan.." Mapait na sambit ko habang nakikita ang isang babaeng naka skirt at sska puff sleeves. Naka heels pa ito at naka shades. Andami niyang ibinigay na pagkain sa mga pulis, tuwang tuwa naman sila.
" Baka kaya masungit kasi nag aaway lang sila ng girlfriend niya ng mga panahong iyon?" Nagtatakang sambit ni Lei. Umiling ako at hinayaan nalang sila na tignan ang pulis na iyon. Hindi ako nagsasalita.
" Ang bongga naman ng babae, naka kotse, mayaman yan, panigurado." Sambit ni Regina. Tuwang tuwa sila babaeng iyon. Tumingin ako ng kaunti sa kanila. Nagtama ang tingin namin ni Alessandro. Sumandal ako sa dibdib ni Dashiell.
" Yii, kayo ha? Busy lang kami sa pagtitig doon sa pulis na yon, naglalambingan na din kayo diyan." Kinikilig na sambit ni Glorianne saamin. Tumingin ako kay Dashiell na nakangisi. Andito kami nakatambay sa harapan ng compound namin, kita ko ang paglalambingan ni Alessandro at ng babaeng iyon.
" Tapos na ba kayong tignan? Wala kayong pag asa, may babae o!" Pagalit na sambit ko habang busy padin sila sa pagtingin doon kay Alessandro. Nakita kong niyakap ng babae si Alessandro bago kumaway at nagpaalam na bago umalis. Naginit ang pisngi ko dahil doon. Umiwas ako ng tingin.
" Ayos ka lang ba, sach?" Malumanay na sambit ni Dashiell sa akin. Tinignan ko siya at saka ngumiti.
" Oo naman, ayos ako. Pasok nalang tayo, mag meryenda." Kailangan ko na palang mag bigay ng meryenda nila. Pero baka hindi muna, marami silang pagkain, wala akong laban sa ibinigay ng babaeng maputi na iyon kanina.
" Tita, kakain po kami ng halo halo, ako nalang po ang magbabayad mamaya."
" Sige sach, ako na ang magkukuskos ng yelo, ikaw nalang ang magtim--"
" Tita, ako nalang po." Ibinigay ni tita ang kuskusan ng yelo kay Dashiell. Siya na ang nagpresintang magkuskos niyon. Napamgiti ako dahil doon.
" Hindi ka ba magbibigay ng meryenda nila doon sa station?" Tumingin ako sa station. Nakita ko ang mata saakin ni Alessandro. Ngumiti ako kay tita bago umiling.
" Hindi na po muna siguro, may nagbigay ng meryenda nila kanina, madami." Paliwanag ko kay tita. Napakusilap pa ako habang sinasabi iyon. Napaka arte, bakit kailangan pang yumakap sa kaniya? Kainis.
" Ayan, sach, doon nalang kayo sa labas, mainit dito."
" Sige po, tita."
Napagisipan ng mga kaibigan ko na sa shed kami uupo, kung saan kaharap namin ang station nila Alessandro. Napaka awkward naman kung ganon. Magkaharap kami. Kumakain lang kaming lahat, hindi naman sila kumikibo.
" Akala ko ba naman may pagasa ako doon sa pulis, may jowa naman ata e." Nakabusangot na sambit ni Regina habang kumakain ng halo halo. Napailing ako. Nakita ata ako ni Sir Ocampo kaya tinawag ako.
" Ms. Olivencia! Halika rito--"
" Tangina, kilala ka nila? Tara na." Hila ako ng mga kaibigan ko habang patawid kami. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya. Nakaupo sa isang sulok si Alessandro at mataman ang tingin sakin.
" Bakit po Sir Ocampo?" Nasa likod ko lang ang mga kaibigan ko, naririnig ko silang nagsisibulungan sa likod. Dahil malapit sila kay Alessandro.
" May magiging meeting sa covered court bukas, kailangan ng mga rescuer, para magstand by, ayos lang ba kung nandoon ka rin?" Malumanay na sambit ni Sir Ocampo. Tumango naman ako kaagad. Wala naman akong ibang gagawin, kaya ayos lang.
" Ayos lang po, pakitawag nalang ako kapag pupunta na." Sagot ko dito. Ilang minuto ay tinutulak na ako ng mga kaibigan ko. Tinignan ko sila ng masama.
" Ipakilala mo naman kami doon sa gwapo, kakilala mo naman pala ang mga pulis dito e." Medyo kinikilig na sambit ni Glorianne. Umiling ako at saka hinila ang kamay nila para umalis na. Nagkatinginan kami ni Alessandro.
" Tara na, sa susunod nalang, baka sungitan tayo--"
" Zacharielle." Nanindig ang balahibo ko at nanlaki ang mata ko ng tawagin niya ako. Nagtataka ang mga kaibigan ko sa tawag niya saakin. Iyan ang second name ko.
" B-bakit Alessandro?" Wala sa sariling sambit ko sa kaniya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka lumapit saakin. Tinignan niya ang mga kasama ko bago niya ipirme ang tingin saakin.
" Magsuot ka ng disente bukas, hindi iyong ganyan." Tinignan niya ang suot kong cotton shorts. Nasa bahay lang naman ako kanina at doon sa labas ng compound kaya ganito ang suot ko.
" Paano kung ayaw ko?" Asar ko dito. Ngumiti ako para hindi halata ang pagka inis ko dito, baka kung anong sabihin ng mga kaibigan ko sa akin. Baka akalain nila may relasyon kami.
" Huwag ka nalang pumunta bukas kung ganiyan din lang, maliwanag?" Umiling ako habang nakabusangot.
" Madilim, Mr. Villareal!" Hinawakan ko ang kamay ng mga kaibigan ko bago ako tumakbo palayo. Bahala siya. Sino ba siya para pagbawalan akong magsuot ng ganito?
" Hoy, ano iyon? Magkakilala kayo?" Tanong ng mga kaibigan ko. Nasa court kami ngayon, dati itong pinaglalaruan, pero hindi na ngayon, sira na kasi, mukha ng haunted court.
" Oo, oo na, naguusap kami minsan, kasama ko din siya maghapon nung isang araw." Paliwanag ko habang hinihingal. Napagod akong tumakbo. Ayaw ko kasing makita niya ang pag alis ko. Kaya ganoon.
" Maghapon kayong magkasama? Anong ginawa niyo?" Nagtatakang tanong ng mga kaibigan ko. Tumingin ako sa kanila habang nakaupo kami dito sa may stage.
" Tinuruan niya akong humawak ng baril, parang training ganoon--"
" Tang-- ina, marunong ka ng humawak ng baril? Pwede na natin tambangan mga umaaway kay Regina." Tumango ako at saka tumawa. Umiiling naman si Dashiell sa gilid ko.
" Oo, matatambangan na natin sila, kapag hindi naman kaya, tatawag ako ng backup." Suporta ko sa mga kaibigan ko. Nabubully kasi madalas si Regina dahil sa katawan niya. Body shaming kumbaga. Nasa tabi niya kami palagi para hindi siya awayin.
" Magka ano ano kayo nung pulis?"
" M- magkaibigan lang kami.."

BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...