" Ayos ka lang ba anak?" Nagising ako ng purong puti ang nakikita ko. Nakaamoy kaagad ako ng mga gamot kaya alam kong nasa ospital ako. Napailing nalang ako sa nangyayari saakin. Nahimatay ba ako kanina nung nasa ulan kami? Nasaan si Alessandro?
" Tangina talaga niyang mga Villareal na iyan. Sila ang may pakana kung bakit nasa ospital ka." Dabog ni mama sa bag na nasa gilid namin. Kinagat ko ang aking labi at saka tumingin sa mama ko na problemado. Paano kaya kapag tumigil na kami? Aayos ba ang lahat sa dati? Pare pareho ba kaming hindi na maiistress sa buhay namin?
" Ma, sorry." Agad na napalingon si mama sa akin. Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at saka siya lumapit saakin. Hinawakan niya ang aking kamay at saka hinamas iyon ng dahan dahan. Ngumiti naman siya.
" Anak, hindi mo kailangan. Nagmamahal ka lang. Alam kong kaya mo, kaya nga hanggang ngayon, lumalaban ka parin hindi ba?" Tumango tango ako sa sinabi ni mama saakin. Hindi ko na alam, siguro ay nababad ako masyado sa ulan kagabi, kaya nawalan ako ng malay.
" Ma, kaya ko. Kakayanin ko, ako ang bahala." Hinihimas ni mama ang buhok ko. Kapagkuwan ay tumayo siya at saka pumunta sa gilid ko, para maghanda ng kakainin.
" Zacharielle!!" Rinig kong sigaw sa labas ng kwarto. Nilingon ko ang labas ng aking kwarto dito sa ospital. Agad kong nakita si Alessandro na hindi pinapapasok ng mga tito ko sa labas. Nasa labas ang mga tito ko at nakabantay.
" Ma, pwede bang mag usap kami ni Alessandro?, saglit lang po."
" Aalis muna ako kung ganon."
Kinausap ni mama ang mga tito ko at saka pinapasok nila si Alessandro. Ngumiti ako ng makita ko siyang pu pwesto sa aking gilid. Hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ako hinalikan sa noo.
" Alessandro, miss na miss na kita." Hinawakan niya ang aking mukha at saka niya ito hinimas ng dahan dahan.
" I missed you, sweetheart. Nakausap ko na si mama. Hindi ko siya mapapatawad. Nasaktan ka ba? May sugat ka?" Agad akong umiling. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa aking kamay. Sunod sunod na tumulo ang luha ko ng makita ko siyang nag iwas ng tingin saakin.
" Alessandro, paano kaya kapag titigil na tayo? Mas makakabubuti ba yon? Sasaya ba tayong lahat kapag ginawa natin yon?" Nakita niya akong umiiyak kaya naman inalalayan niya akong umupo. At saka pinahid niya ang mga luha ko. Napalunok siya.
" Hindi tayo titigil. Hindi tayo aatras. Matatanggap nila tayo. P-pagod ka na ba saakin?" Umiwas ako ng tingin sa sinabi niyang iyon. Umiling ako. Hindi pa, Alessandro. Hindi pa.
" H- hindi, hindi ako napapagod sayo. Napapagod ako sa mga nangyayari saatin. Hindi ko na kaya ang ginagawa ng magulang mo. Masyado na akong nasasaktan, Alessandro."
" Sumama ka saakin. Aalis tayo, lalayo tayo sa kanila, just don't leave me, sweetheart, please.." Pagsusumamo niya habang hinihigpitan ang kapit ng kaniyang kamay sa akin. Dalawa lang kaming andito sa kwarto ko. Si mama naman ay lumabas. Buti nalang at pinayagan kaming magusap.
" Gusto ko, Alessandro. Sasama ako sayo, pero paano ang pag aaral ko? Paano ang magulang ko---"
" Isasama kita. Ipapaalam kita. Zacharielle, please.." Umiling ako. Hindi ako pwedeng maging selfish. Kailangan ako ng magulang ko. At mas lalong kailangan ko ang magulang ko at kamag anak ko.
" Alessandro, bigyan mo ako ng oras na makapag isip, sasabihin ko sayo kung may desisyon na ako.." Pagtapos kong sabihin yon ay pumasok si mama. Buti nalang at tuyo na ang aking luha. Agad na ngumiti si mama ng makita kami ni Alessandro na magkahawak ng kamay.
" Ikaw, Villareal. Mula ngayon, pumapayag na akong magkasama kayo ng anak ko. Ikaw ang kailangan niyan kaya pinapayagan na kita. Pero sa oras na pati ikaw ay sasaktan ang anak ko, hindi na kita hahayaan pang makalapit sa kaniya." Nagliwanag ang mukha namin ni Alessandro sa sinabi ni mama. Agad akong ngumiti dito. Si Alessandro naman ay lumapit kay mama at saka siya niyakap.
" Maraming salamat po. Hindi ko po kayo bibiguin. Aalagaan ko po ang anak ninyo." Tinapik ni mama ang likod ni Alessandro bago sila kumalas ng yakap sa isat isa.
Bumalik sa akin si Alessandro at saka hinawakan ang kamay ko.
" Mrs. Olivencia, nabayaran ko na ang bill ni Zacharielle. Makakaalis na siya mamaya. Ako na po ang maguuwi sa inyo." Tumango si mama at saka nagpaalam na aalis siya ule. Naiwan kaming dalawa ni Alessandro dito ulit sa kwarto ko.
" I- ikaw talaga ang nagbayad ng bill ko? Malaki ba? Baka malaman ng mama---"
" Sarili kong pera ang ginamit, Zacharielle. Hindi ako gumamit ng pera ng magulang ko." Sambit niya. Tumango ako ng dahan dahan. Hinalikan niya ang labi ko. Pero saglitan lang dahil baka may makakita sa amin. Ngumiti ako. Niyakap ko siya.
" If you're fully recovered, we'll go to our house. Ayos lang ba iyon sayo?" Nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya. Agad siyang napatawa ng mahina dahil doon.
" Hindi ko alam, kung kaya ko na, babalik tayo."
" You're so cute.." Binuhat niya ako para iusog. Tatabi ata siya dito sa may hospital bed. At tumabi nga siya. Pareho kaming nakahiga dito sa hospital bed na ito. Nakatagilid siya para magkasya ako.
" Matatapos din ang lahat, Alessandro. Pangako mong hindi mo ako iiwan hanggang dulo." Sambit ko sa kaniya habang yakap yakap ko siya at nakatingala ang aking mukha para makita ang kaniyang mukha. Hinalikan niya ang aking noo.
" Pangako, Zacharielle. Ikaw lang. Matatapos ito. Ikakasal ka saakin." Ibinaon ko ang aking mukha sa dibdib niya. Nakaka adik ang amoy ng kaniyang damit. Kaya hindi ako makaalis doon. Hinahagod niya naman ang aking likod.
" Wala ka bang pasok?"
" Wala, nagpaalam naman ako." Tumango ako. Inilagay niya ang bibig niya sa aking tainga. Hinintay ko ang sasabihin niya.
" I miss you on my bed, Zacharielle. Can we do it--"
" Alessandro, baka marinig ka nila mama." Tumawa siya at saka umiwas ng tingin. Namula naman ang aking mukha. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip nito at ganon ang lumabas sa bibig niya.
" I love you, Ms. Olivencia.."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...