09

67 40 5
                                    

" Ang gandang kotse yung nasa labas ng gate natin, kanino kaya iyon?"

" Oo nga, kanina pa iyon doon, hindi naman bumababa yung may ari."

" Baka may hinihintay?"

Naghahanda na ako sa pagpunta ni Sir Villareal. Maaga akong naligo at saka kumain. Si mama naman ay nagising na din.

" Sachzna. Ano ba talagang meron sa inyo ni Mr. Villareal?" Nagtatakang tanong ni mama saakin habang nagbibihis ako. Naka trendy tops ako ngayon, yung mga usong damit ng mga kabataan ngayon.

" Ma, magkaibigan nga lang po, tuturuan niya po ako humawak ng baril ngayon, kaya kami aalis. Baka po ipapaalam niya ako sa inyo." Umikot ang mata ni mama. Napa iling ako. Simula ng makita nilang magkasama kami ni Alessandro, akala nila ay nobyo ko na iyon.

" Ihahatid kita at magpapakita ako diyan kay Sir Villareal na iyan, para makita niya ako." Tumango ako. Ng maayos ko na ang sarili ko ay lumabas na ako. Nakita ko nga ang magandang kotse na sinasabi nila na nakaharang sa gate ng compound namin. Kanino kaya iyan?

" Alam mo ba ang numero non? Bakit wala pa hanggang ngayon?" Nakita kong bumukas ang kotseng maganda sa harapan namin. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang lumabas.

" Alessandro!" Nilingon niya ako. Napuno ng chismis ng lumapit ito saakin. Ngayon alam na nila kung kanino ang kotse na ito.

" Kanina pa ako naghihintay sa iyo." Nanigas ang katawan ko ng halikan niya ang pisngi ko. Bakit ganon, sir? Nakita ata ni mama. Kaya ang sama ng tingin ni mama dito.

" Ikaw pala ang may ari ng--"

" Mr. Villareal, may curfew ang anak ko, kung maaabot kayo ng gabi, tawagan ninyo ako." Singit ni mama. Napatingin kami sa kaniya. Kinuha ni Alessandro ang kamay ni mama at saka nagmano.

" Magandang umaga po, hindi po kami gagabihin, aalagaan ko po siya." Agad na namula ang pisngi ko. Bakit ganoon? Nagpaalam na ako kay mama bago hinila ni Alessandro ang kamay ko at saka inalalayan akong makapasok sa kotse niya.

" Ang ganda naman ng kotse mo, Alessandro, ngayon lang ako nakasakay sa sasakyan na ganito kaganda." Puri ko sa sasakyan niya ng makaupo na kami. Kinabit ko na din ang seatbelt ko.

" Really? Kaninong sasakyan ka pa ba sumasakay?" Napatingin ako sa kaniya. Nangunot ang aking noo.

" Wala naman na. Minsan kila Dashiell, at sa mga kaklase ko." Tumango siya. Tinted ang kotse niya. Kaya naman hindi kami makikita sa loob.

" Saan nga pala tayo pupunta, bakit kailangan nating sumakay ng kotse mo?" Napapalingon ako sa bawat daanan. Hindi na pamilyar sa akin ang lugar na dinadaanan namin. Kaya nagtataka ako.

" Pupunta tayo sa lugar kung saan kami nagtraining ng pagpupulis namin." Nanlaki ang mata ko. Talaga bang pupunta kami doon? Hindi ako makapaniwala.

" P- paano kapag nagalit ang hepe ninyo? Baka hindi ako pwede doon--"

" Pinaalam kita.." Tumango ako ng dahan dahan bago nanatili ang tingin sa daanan.

" Good morning, Mr. Villareal." Sambit ng guard na nandito. Ngumiti naman ako sa kaniya. Bumati pabalik si Alessandro pagtapos non ay hinawakan niya ang kamay ko para sumunod ako sa kaniya.

" Napaka lawak naman dito-- dito talaga kayo nag training dati?" Tinignan niya ako, at saka siya tumango. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar. Wala kang makikitang mga kagamitan sa gitna.

" 200 kami dating nagtraining dito, pero masosolo natin ito ngayon." Ngumiti ako. At saka tinignan ang mga inihahanda ng mga kasamahan dito. Ang iba ay naglagay sa gitna ng papel kung saan may mga targets na nakalagay.

" Ang mga baril ba na ito ay rehistrado? Pinayagan kang gamitin natin ito?" Nabigatan ako ng kunin ko ang isang baril, agad ko itong binitawan baka mamaya ay may bala. Mapatay ko pa ang sarili ko.

" Saakin lahat ng baril na iyan. Kasama natin iyan sa sasakyan kanina, hindi mo ba nakita?" Agad akong napatingin sa kaniya. Nanlalaki ang mata ko. Umiwas siya ng tingin bago siya ngumiti.

" Talaga ba? Ang gaganda ng mga ito, mahal siguro ang mga ito." Kinuha niya ang isang ordinaryong baril. Ibinigay niya saakin. Naguguluhan man ay kinuha ko ito kaagad.

" Let's start? Lalagayan muna natin ng bala, ganito ang gagawin mo." Kinuha niya ang kamay ko. At saka inilagay ang bala sa mga palad ko. Kumuha din siya ng baril niya at susundan ko siya.

" Ganito ba? Tama ba?" Tumango siya. Ginawa ko ang ginagawa niya sa baril niya. Nasundan ko naman ito kaagad. Pumwesto siya.

" Tignan mo muna ang gagawin ko, ganito ang tamang paghawak niyan, bago ka magfo focus sa target mo, pagtapos ay pindutin mo ang baril." Napapikit ako ng tumunog ang baril niya. Umalingawngaw ang tunog non. Napatingin siya sa akin ng makita ako.

"-- shit, nakalimutan kitang lagyan nito, hindi ka nga pala sanay." Kinuha niya ang parang headphone at saka sinuot saakin. Nakatali naman ang aking buhok kaya hindi siya nahirapan na gawin iyon.

Binaba niya ang baril niya at saka siya pumwesto sa likod ko. Hinawakan niya ang kamay ko.

" Let me teach you how to hold a gun, Ms. Olivencia." Napalunok ako ng maramdaman ang init ng katawan niya mula sa likod ko. Hindi ako sanay na may tao sa aking likod at ganito pa kalapit saakin. Nanatili akong kalmado at saka nagfocus sa aking target.

" Fire.." Kinalabit ko ang baril. Napapikit nanaman ako. Napangisi ako ng ang layo ng tinamaan ko. Hindi pa naman ako sanay kaya ayos lang iyan.

" Huwag kang pipikit kapag babaril kana, hindi mo talaga matatamaan ang target. I relax mo ang mga braso mo." Paliwanag niya. Hawak niya parin ang aking braso. Hindi niya ito binibitawan. Bumaril ako ule. Muntik na sa gitna. Napangiti ako at saka siya tinignan. Nakangiti naman siya.

" Malapit na! Alessandro, nakita mo ba?" Humarap ako sa kaniya at saka ngumiti. Tumango siya. Inabutan niya ako ng iba pang bala. Nilagay ko ito sa baril. Naubusan na kasi.

" Just focus, okay? Malapit na. You're doing well." Umalis siya ay dumistansiya sa akin ng kaunti. Nagpaputok nanaman ako. Hindi ko nanaman nakuha sa pangatlong pagkakataon ang tama nito sa gitna.

Naramdaman kong hinapit niya ang beywang ko mula sa aking likuran at saka bumulong sa aking tainga.

" Relax, sweetheart, you're so excited.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon