" Wala akong pakialam sa babaeng iyan, Alessandro, huwag mo akong subukang sawayin, ipapatanggal kita sa kompanya!" Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi ng mama ni Alessandro. Hindi pwedeng dahil lang saakin ay matatanggalan siya ng posisyon sa kompanya nila.
" Ma'am, pakinggan niyo naman po muna kahit na saglit si--"
" At anong papakinggan ko? Mga nakakadiring salita na mahal ka niya? At hindi ka niya iiwan? Sa una lang iyan, Olivencia, malapit ng ikasal ang anak ko, you are just his toy!" Hinawakan ko ang braso ni Alessandro. Matapos ang nangyari saamin, problema nanaman ang sumalubong. Paano kapag nakabuo kami ng bata? Baka hindi matanggap ng pamilya ni Alessandro.
" Ma! Please, i love her. Kung gusto niyo ako para kay Vynzyll, ikaw ang magpakasal sa kaniya, o kaya naman ang iba kong pinsan, why is it it's all on me?!" Nagbabagang tanong ni Alessandro. Nasa likod niya lang ako at nakikinig sa usapan nila. Hanggang kailan ba namin maipaglalaban ang karapatan namin bilang magkasintahan? Kailan ba kami magkakaroon ng layang magmahalan ng walang mga matang nakatingin saamin?
" Ano ang silbi ng mga pinsan mo? Lahat sila walang alam sa kompanya, Alessandro, isa kang Villareal! Kailangan mo ng mas matinong babaeng magmamahal sayo!" Lumapit ako sa mama ni Alessandro, kung hindi din lang naman kami magkakatuluyan sa huli at mapipigilan nila kami, sasagutin ko na din ang mga panlalait ng mama niya saakin.
" Mrs. Villareal, hindi ko na po nagugustuhan ang mga sinasabi ninyo, kailan niyo po ba matatanggap na nagmamahalan kami? Pera lang po ba ang nasa utak ninyo? Hindi niyo po iniisip ang kaligayahan ng anak ninyo." Paliwanag ko dito, agad siyang tumikhim at saka umiwas ng tingin. Hinawakan ni Alessandro ang aking kamay. Ang mga guwardiya ay nakabantay sa gilid namin, naghihintay ng utos na paalisin ako dito sa mansiyon nila.
" Aba't sumasagot ka na ngayon, Ms. Olivencia--"
" Mawalang galang na po, pero hindi po kasi maganda ang tabas ng dila ninyo, masyado po kayong mapanglait at mataas sa sarili ninyo." Nilakihan ko siya ng mata. Binigyan siya ng tubig ng mga kasambahay nila. Agad tumingin saakin si Alessandro.
" Sasabihin ko sa mga Andante na mas paagahin ang kasal ninyo ni Vynzyll. Huwag kang uuwi dito sa bahay kung kasama mo ang babaeng iyan, Alessandro." Untas ng mama niya. Walang nagawa si Alessandro at saka hinila ang kamay ko, para makasakay na sa sasakyan niya. Napasabunot ako sa buhok ko pag upo ko sa passenger's set.
" Alessandro, hindi ko sinasadyang masagot ang mama mo---"
" You did great, i love it." Nanlaki ang mata ko purihin niya ako. Agad siyang ngumiti saakin at saka hinalikan ang labi ko.
" Bakit parang masaya ka pa? Nabastos ko ang mama mo." Nakasimangot kong sambit sa kaniya bago niya pinaandar ang sasakyan niya pauwi sa amin. Hinawakan niya ang kabilang hita ko at doon pinag pahinga ang kamay niya.
" Ngayon ko lang nakita ang mama kong natakot ng ganoon. Sa tingin ko ay naungusan mo ang pride ni mama." Kinurot ko ang tagiliran niya. Agad siyang tumawa. Napabuntong hininga ako. Kahit na mahirap ang sitwasyon, gumagawa si Alessandro ng paraan para maging masaya kami kapag kaming dalawa lang ang magkasama.
" Malalagpasan natin to, Zacharielle. Hindi ko hahayaang hindi ka nila matatanggap, kailangan saakin ka." Ngumiti ako sa sinabi niya. Nagpatuloy lang siya sa pagda drive.
" Sinungaling ka, Sachzna!" Agad akong nakaabot ng sampal sa aking ina pagbaba ko ng kotse ni Alessandro at makaalis na siya. Nasa bakanteng lote kami at andoon din ang mga tita at tito ko.
" Ma, b- bakit po--"
" Bakit? Nagpanggap kang ayos ang lahat sa pagitan ng pamilya ni Alessandro at ikaw. Nalaman namin na hindi ka nila tanggap at pinagsasalitaan ka ng masasama, sach, ano ang pumasok sa utak mo? Ha?" Sigaw saakin ng mama ko. Nakayuko lang ako. Sino ang nagsabi sa kanila na ganoon ang sitwasyon ko? Si Dashiell ba? Siya lang naman ang sinasabihan ko ng problema ko tungkol saamin nila Alessandro.
" Ma--"
" Pumayag kami na maging kayo, at magkaroon ng relasyon, kasi akala ko, gusto ka ng pamilya nila base sa sinabi mo saamin. Pero nalaman kong kinakaladkad ka nila, pinagsasalitaan, minumura, at minamaliit. Paano mo nagawang magsinungaling, Sachzna?" Agad na tumulo ang luha ko. Ang mga tito ko ay seryoso lang na naguusap sa gilid. Mukhang nagpa plano.
" Ma, sinabi ko sa inyo na hindi kayo magkakaroon ng problema tungkol sa amin ni Alessandro, kaya ko naman po--"
" Kaya mo? Paano kapag sinagot sagot mo sila? Sasabihin na bastos ka? Paano kapag pinapatay ka nila? Paano kapag ipatapon ka nila sa ibang lugar?!" Nanggigigil si mama ko sa pagsigaw niya. Umiling iling naman ako sa sinasabi nila. Lumapit sa akin si Tita Veronica.
" Sachzna, kung ganyan ang napapala mo dahil jan sa pagmamahal mo kay Villareal, tumigil nalang kayo." May diin na sambit ni tita ko. Umiling ako at agad na lumingon sa kanila. Ramdam ko ang init ng sampal sa akin ni Mama.
" Tita, hindi po, nangako sa akin si--"
" Panay pangako, mahal, at kung ano pa, Sachzna! Mas maganda ng wala kang nobyo, wala tayong pinoproblemang lahat, at lalo ka na! Hindi ko pinangarap na magkaroon ng problema sa ganitong bagay, Zacharielle." Pinainom nila si mama ko ng tubig. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Masyado akong napahiya sa sinabi at ginawa nila saakin. Ang ibang tita ko naman ay nakatingin lang sa akin.
" Tita--"
" Hiwalayan mo ang lalaking iyon, simula ngayon, hindi ka lalabas ng bahay o lalabas kasama ang lalaki na iyon." Sambit ni mama. Inalalayan siya ng iba kong tita na pumasok sa bahay namin. Naiwan ako dito kasama si tita veronica at tita gracielyn.
" Sach, ginalit mo ang mama mo, siguro hayaan mo muna, maling mali talaga ang ginawa mo--"
" Pero tita, paano ako makikipag hiwalay? Nagsisimula palang po kaming lumaban." Hagulgol ko sa kanila. Umiling sila at saka hinagod ang aking likod.
" Mas alam namin o ng mama mo ang kailangan niyong gawin, kung patuloy ka nilang sasaktan, mas mabuting maghiwalay na muna kayo ni Alessandro..."
![](https://img.wattpad.com/cover/268139317-288-k190204.jpg)
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...