22

42 13 4
                                    

" Anak, wala ako maghapon a? Marami kaming kliyente ngayon." Paliwanag ni mama habang nagpaplantsa ng damit niya. Tumango naman ako. Tutulong nalang siguro ako kila tita mamaya. Wala din naman kaming training ngayon.

" Sige po, ma, sa labas nalang po muna siguro ako." Naligo na si mama. Naghanap na din ako ng damit ko para susunod na akong maliligo sa kaniya. Mamaya magaabot nanaman ako ng meryenda nila.

" Aalis na ako, magluto ka lang ng pagkain mo diyan. Ingat ka dito."

" Ingat ka din po ma."

Sabay kaming lumabas ni mama ng bahay. Ng nakasakay na siya. Lumapit ako sa tindahan ni tita ko at saka sinilip ang station. Wala naman ang motor niya doon.

Motor kasi ang gamit niya kapag nagdu duty, pero kapag magkasama kami, kotse naman ang gamit niya. Daming sasakyan. Sana all.

" Tita, napansin niyo po ba si Mr. Villareal na pumasok diyan?" Agad akong tinignan ng makabuluhan ng tita ko. Tinaasan ko din siya ng kilay bago ako ngumiti.

" Hindi pa, naririnig ko ang mga pulis diyan kanina, absent ata, may sakit." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. May sakit siya? Baka iyong pinaligo namin ng ulan? Hindi siya sanay sa ulan. Kasalanan ko pa ata.

Tumakbo ako sa bahay at saka tinawagan ang numero na ginagamit niya kapag tumatawag siya saakin.

" Alessandro?" Unang bati ko ng sinagot niya. Nakarinig ako ng pag ubo. Napakagat ako sa aking labi.

" Hindi ako makakapasok--"

" Sana sinabi mo saakin na sakitin ka pala, naligo tayo ng ulan kahit na hindi ka sanay, ngayon, may lagnat ka, kasalanan ko pa ata." Sunod sunod na sermon ko dito. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa. Umupo ako ng padabog sa aking kama. Nababawasan ba ang sweldo nila kapag hindi sila pumapasok?

" I'm fine, sinat lang ang meron ako, baka bukas, makakapasok na ako." Malumanay na sambit niya. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin. Grabe ang pagaalala ko dito. Hindi kaya nahuhulog na ako sa kaniya?

" N- nag aalala lang ako sayo, b- baka kasalanan ko kung bakit ka nagka ganyan, baka pagalitan ka ng hepe ninyo." Hindi siya nagsalita ng ilang minuto. Napakatahimik ng background nito.

" Hindi mo kasalanan, ginusto ko din iyon, at saka, i- iyong halik mo." Napatakip ako sa aking mukha sa narinig ko. Nahihiya ako kahit na hindi niya naman ako nakikita. Sinubukan ko lang naman na makipaghalikan. Bakit ganoon ang epekto saakin?

" Huwag mo ng babanggitin iyan, sinubukan ko lang, Alessandro, try lang." Inosenteng sambit ko. Tumawa siya sa kabilang linya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagustuhan niya ata ng husto ang halik ko. Iyon ang unang halik ko.

" Makikita mo na ako bukas. Huwag kang mag alala."

" Kahit huwag ka ng bumalik, Alessandro." Nakabusangot kong sambit habang nakatingin sa salamin ko. Nagiging pabebe ang boses ko. Ew. Bakit ganoon?

" Hindi pwedeng hindi ako babalik, papaibigin pa kita, hindi ba?" Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. Napatambling na ako sa aking kama.

" Napapaibig mo na ako, Alessandro, kaunti nalang." Pag amin ko. Tuwing kasama ko siya, nakakaramdam ako ng paro paro saaking tiyan. Mabilis din nag iinit ang aking pisngi. Nagugustuhan ko din ang kaniyang mga salita at ang halik niya.

" Magpapahinga na ako, may sasabihin ka pa ba?" Tanong niya. Kinagat ko ang aking labi, bago ako umiling.

" Wala na, magpahinga ka na, kita tayo bukas." Sambit ko.

" I love you, Ms. Zacharielle--"

" I- i love you, Alessandro, try lang ulit."

Napapasipa ako sa aking kama ng patayin niya ang tawag naming dalawa. Nag ayos ako ng kaunti at saka lumabas na para tumulong kay tita.

" Marami na po ba ang bumili tita? May inasikaso lang po ako saglit sa bahay." Tanong ko kay tita. Tumingin siya saakin bago siya umupo. Nagaayos kasi siya ng paninda niya.

" Kanina, oo, marami, hinahanap ka pala ni Dashiell, pumunta ka daw doon sa court, hinihintay ka niya." Agad akong tumango kay tita. At saka nagpaalam na pupunta ako kay Dashiell.

" Dash!" Sambit ko dito. Agad niya akong nilingon. Umupo ako sa tabi niya. Kaming dalawa lang ang andito.

" Sach, pwede ba kitang maging girlfriend?" Diretsahang sambit niya. Napaatras pa ako sa sinabi niya. Agad agad ba naman niyang sabihin saakin? Magugulat ka talaga.

" D- dashiell, bakit naman ganyan ang bungad mo saakin?" Tanong ko sa kaniya. Kinagat niya ang labi niya bago siya umiwas ng tingin. Lumayo ako ng distansiya sa kaniya.

" Sach, nawawalan ka na ng oras saakin, dati rati, maghapon tayong magkasama, ngayon, minsanan nalang kung magkita tayo." Malumanay na sambit niya saakin. Hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ko mabawi dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya dito.

" Busy ako sa pagaaral, Dashiell, hindi ba ikaw din naman? Pare pareho tayo." Umiling siya. Bakit ba niya sinasabi ang mga ganito saakin? Nag usap na kami tungkol dito.

Tumayo siya at saka sinandal ang sarili sa poste ng ilaw na nasa gilid namin.

" Alam ko, may iba kang ginagawa, Sach, alam kong busy karin naman sa mga gawaing bahay." Umirap ako sa kaniya. Buti hindi niya nakita.

" Alam mo naman pala na busy ako e, sana maintindihan mo iyon dash--"

" Busy karin sa lintik na Mr. Villareal na iyan!" Sigaw niya saakin. Napabalikwas ako dahil doon. Umiwas ako ng tingin. Nangingilid ang mga luha ko. Bakit ba napaka babaw ng luha ko?

" D- dash, bakit ka ganyan? Tinuturuan niya lang ako--"

" Tinuturuan kang humalik? Noong isang araw ko pa nakikita na malagkit ang tinginan niyo sa isa't isa." Tinulak ko ang dibdib niya. Tumulo ang mga luha ko. Umiwas siya ng makita iyon.

" Sinabi ko na sa iyo na hindi nga pwede, Dashiell. Nagusap na tayo na hanggang magkaibigan lang, hanggang doon lang. Bakit ganyan ka na ngayon? Mas may higit saakin, balang araw, hindi mo na ako kailangan, hindi mo na ako hahanapin kasi mayroon ka ng nahanap na mas higit saakin." Paliwanag ko sa kaniya. Kinuha niya ang beywang ko at saka ako niyakap. Hinagod niya ang aking likod.

" Alam ko, alam ko, Sach. Gusto ko lang subukan. Gusto kong maranasan. Ikaw ang gusto ko, naririnig mo ba? Ikaw lang." Umiling ako at saka hinigpitan ang yakap sa kaniya.

" Mahal ko si Mr. Villareal."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon