35

40 10 0
                                    

Isang bangungot ata ang paggising ko ngayon. Sinabi saakin ng mga pinsan ko na umagang umaga ay nasa station si Vynzyll at nilalandi daw si Alessandro.

" Kanina pa po iyon diyan. Hindi nga po mapakali kung saan ipapark ang kotse niya, magasgasan sana." Natawa nalang ako ng umirap ang pinsan ko. Ginulo ko ang buhok niya bago ibalik ang telepono sa kaniya. Kinuhanan niya kasi ng litrato sila Alessandro at si Vynzyll na nag uusap.

" Sige na, umuwi ka na, salamat sa update!"

Wala si mama paggising ko. Siguro ay pumasok iyon, wala kasi ang uniporme niya dito. Kaya baka umalis ng maaga. Kung ano ang kinain namin kahapon sa handa ng pinsan ko, ganoon parin ngayon. Di bale, masarap naman ang carbonara at spaghetti ng mga tita ko.

Nakatanggap ako ng isang mensahe galing sa numero ni Alessandro, kaya binuksan ko ito kaagad. Ng tignan ko, isang litrato ang tumambad saakin. Litrato ito ni Vynzyll na naka robe at naka peace sign, habang nasa likod niya naman si Alessandro at naka tuwalya lang sa pang ibaba.

Agad kong nabitawan ang aking cellphone. Binura ko ang litrato at saka tinawagan siya.

" Hello, good morning, sweet--"

" Sweetheart mo mukha mo. Anong ginawa mo kagabi? Bakit nagsend ang impakta na si Vynzyll ng litrato niyong dalawa na naka roba?" Mabilisang tanong ko dito. Nanahimik kaming pareho. Sumusubo ako habang naghihintay ng isasagot niya. Baka naghahanap pa ng palusot kaya matagal sumagot.

" I don't know what you're saying, Zacharielle." Napairap ako sa kaniya. Paanong hindi niya alam? E sa mismong numero niya sinend sa akin.

" Hindi kaya, ang babaeng kasama mo ngayon ang nagsend non? Sa numero mo galing ang litrato, Alessandro." Napamura siya sa sinabi ko. Pinatay ko ang tawag.

Aalis ako magisa. Gusto ko lang umalis saglit dito sa bahay at maglakad lakad sa bayan. May pera pa naman ako kaya ayos lang.

Nag ayos ako ng mga kailangang suotin sa paglabas ko. Magpa pants lang ako at saka malaking damit. At sapatos. Kailangan kong lumusot sa checkpoint, at magkikita kami, panigurado.

" Ma, aalis ako, saglit lang. Magisa ko lang naman e." Paalam ko kay mama sa tawag. Nasa trabaho siya. Siguro dadaan nalang ako doon para malaman niyang magisa ko talaga.

" Sige, magiingat ka ha? Saglitan lang."

" Opo ma."

Naligo na ako at saka nagbihis. Ng matapos ako ay naglagay din ako ng aking fashion shades at isang waway na sumbrero. Kinuha ko din ang bag ko na feeling korean at saka ako lumabas. Puti ang sapatos ko kaya kailangan kong mag ingat.

" Kuya, sa bayan lang po."

" Sige, sachzna."

Kinakabahan man ay sumakay na ako. Dadaan kami sa checkpoint at makikita niya ako. Wala din pala ang kotse ng bruha, baka nakaalis na? O baka nadisgrasya na. haha.

" Inspection muna." Sinilip nila kung sino ang nasa loob. Magisa ko lang naman dito. Namukhaan ata ako ni Sir Ocampo kaya ngumiti siya at saka may tinawag sa loob.

" Kuya, tara na po." Pinaandar ng kuya ang sasakyan niya bago pa kami makita ni Alessandro. Gusto ko ngang magisa muna. Magrerelax muna ako. Nakita ko mula sa likod na pinaandar niya ang motor niya. Jusmeyo, parang pang racing ang motor non, kaya tiyak na maaabutan kami non.

" Zacharielle!"

Napahinto ng kusa ang mga paa ko ng marinig ang pangalan niya na tumawag saakin mula sa likuran.

" Sweetheart, talk to me please? Hear me out, let me explain.." Dahan dahan akong humarap sa kaniya. Tumakbo siya papunta sa akin at agad na hinigit ang aking beywang. Nasa parke ako ngayon, na sana ay ako lang, kaya lang ay nasundan kami ni Alessandro. Kaya wala kaming nagawa.

" Bakit mo pa ako sinundan? Baka mamaya ay may ginagawa ka." Umiling ito at saka siya tumingin saakin. Ngumiti ako ng makitang nakasimangot ito sa harap ko. Pinisil ko ang kaniyang ilong.

" You're more than important for me-- bakit ka umalis ng walang pasabi? Kung hindi ka pa nakita ng ocampo na iyon." Umiwas ako ng tingin dito. Kaya naman mas lalo niyang hinigpitan ang hawak niya sa aking beywang.

" Wala, gusto ko lang gumala mag isa hindi ba pwede yon?"

" Pwede, pero kailangan kasama ako, paano kung may pumorma sayo?" Niyakap ko siya ng marinig iyon. Nakaramdam ako ng sakit sa aking braso ng may humigit dito na dalawang lalaki.

Nilingon ko sila at nakita kong nasa likod pala namin ang mama ni Alessandro at hawak ako ng mga guards nila.

" Ma, ano nanaman to? Hindi ka ba tiitgil? Hindi ka pa ba napapagod?" Nagtakbuhan ang mga tao ng bumuhos ang ulan. Kumukulog at kumikidlat pa. Agad akong napakagat sa aking labi ng makitang unti unti ng nababalot ng basa ang sapatos ko.

" Alessandro, tumigil ka na, please? Ano ba ang ginawa sayo ng babaeng iyan para maging ganito ka? I'm your mom, dapat ay nasa panig kita palagi--"

" Yes, you are my mom. But you're wrong ma! Your decision is wrong, at hindi ako papanig sayo kapag si Zacharielle na ang usapan." Nanginginig ang aking mga kalamnan sa lamig na nararamdaman. Hawak parin ako ng mga guwardiya nila.

" Alessandro, she's 20 years old. You are 32, sa edad niyo palang, may magkakatalo na. Paano pa kaya sa estado niyo sa buhay? Magisip ka naman!" Napakagat ako sa aking labi ng makaramdam ng lamig. Basa na si Alessandro, at bumabakat na ang katawan niya sa damit niya. Ang mama niya naman ay nakapayong. Ang arte.

" Hell i care ma, i love her. And you can't do anything to stop loving her."

" Naayos ko na ang papeles mo, papunta sa ibang bansa, next week is your flight. Maghanda ka---"

" I'm not coming ma. Mark my words." Aktong kukunin na ako ni Alessandro ng pagbawalan siya ng  mga sarili niyang guwardiya. Pumipiglas ako sa kanila, kaya lang malakas sila masyado.

" Ikaw naman. Huwag kang masyadong feelingera iha, okay? Nakuha mo na ang puso ng anak ko, pero ang kayamanan at pera namin, hindi mo makukuha kailanman."

" Kahit lunukin niyo at kainin niyo ang lahat ng pera ninyo, wala akong pakialam, basta saakin si--"

" Zacharielle!"

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon