26

39 13 3
                                    

Simula ng nasabi ko na ang nararamdaman ko kay Alessandro, mas gumaan ang pakiramdam ko kapag nagkikita kami.

" Sachzna, sinabi na samin ng mama mo na kayo na ni Mr. Villareal?" Nagtipon kami ng mga tito at tita ko. Kinabahan pa ako ng una. Wala na kasi akong papa. Kaya sila nalang ang magbibigay siguro ng advice saakin.

" Opo, kahapon lang po." Nagkatinginan sila sa isat isa. Nilibang ko ang sarili ko sa pagtingin sa kanila.

" Sach, alam mo ang pamilya nila. Makapangyarihan. Hindi natin sila maaabot. Kung ikaw, natitiis mong kumain ng sardinas at itlog, sila hindi. Kung kaya mong matulog na sobrang init, mas lalong hindi nila kaya iyon." Paliwanag ni tita Veronica saakin habang nakatingin sa mga mata ko.  Hindi ko maiwasang magdalawang isip. Pero dahil mahal ko si Alessandro, gagawin ko ang lahat.

" Pero tita, kapag mahal niyo naman po ang isat isa, diba pwede niyo naman po iyong mabago? Hindi po nakukuha sa mga materyal na bagay ang pagmamahal." Dagdag ko sa sinabi ni tita ko. Agad na umiling si Tito Christopher, ang asawa niya.

" Tama ka, hindi nakukuha sa mga materyal na bagay, pero ang mga utak ng mga mayayaman, iba. Mas gugustuhin nilang makasal ang mga anak nila sa mga mayayaman din para hindi kakalat ang pera nila at mapupunta sa wala." Nilalaro ko lang ang mga daliri ko habang nagsasalita sila. Si mama naman sa gilid ko ay tahimik at tinitignan ang reaksyon ko.

"Zacharielle, alam na ba ng pamilya nila na kayo na?"

" H- hindi pa po." Narinig ko ang singhapan ng mga tita kong nakikinig lang. Parang feeling ko, isang kasalanan na umamin ako kay Alessandro kagabi.

" Paano kapag nalaman ng magulang niya? May balak ba siyang ipakilala ka sa mga magulang niya?" Tinignan ko ng mataman ang Tito Nelson ko bago ako tumango.

" Sa linggo po, pupunta kami sa bahay nila."

" Paano kapag nalaman nila ang estado  mo sa buhay? Paano kapag itaboy ka nila? O kaya gawing alila? Sachzna, mas maganda palang wala ka nalang boyfriend." Napakamot si tito ko sa kaniyang ulo. Kinagat ko ang labi ko. Kasalanan ko bang mahal ko si Alessandro? Sa pamilya ko palang, problemado na ako, paano pa kaya sa pamilya niya?

" Mahal ko po si Alessandro, kasalanan ko po ba iyon? Kung ayaw niyo po sa amin, ayos lang po." Diretsahang sambit ko. Ang ibang mga tito ko ay umalis saglit.

" Hindi naman sa ayaw namin, gusto naming ligtas ka at sigurado ka talaga kay Mr. Villareal. Hindi biro ang pinasok mong relasyon sa kaniya, sach." Pagpapagaan ng loob saakin ni Tita Merly. Hinahagod niya ang aking likuran. Hindi na ako makatingin sa kanila. Pwede bang lamunin nalanga ko ng lupa?

" Kapag po nagka problema ako sa pamilya nila, sasabihin ko naman po kaagad iyon sa inyo, sisiguraduhin ko pong hindi kayo magkakaproblema sa relasyon namin ni Alessandro." Ngumiti ang mga tito at tita ko saakin. Nakagaan iyon ng loob ko. Alam kong gusto lang nila na protektahan ako sa pamilya ni Alessandro. Kaya sila nagkakaganito.

" Basta kapag may nangyaring hindi maganda, tawagan mo lang kami, andito kami para sa iyo, ang mga tito mo, makikipag suntukan sila sa mga guwardiya ng mga Villareal." Tumawa ako sa sinabi ni tita Emily. Tumayo na sila at saka magpapaalam na.

" Salamat po tito, tita."

" Congratulations!" Sabay sabay nilang bati saakin bago kami nag group hug at saka isa isa na silang umalis.

" Sa mga susunod na araw, papuntahin mo dito si Mr. Villareal, sabihin mo saamin kung kailan, para mapaghandaan natin."

" Sige po!"

Nakangiti ako habang naghuhugas ng plato. Mamaya pala ang ay magkikita kami. Kumakain pa naman siya kaya mamaya maya pa siguro.

" Dash, kami na ni Mr. Villareal." Diretsong sambit ko kay Dashiell ng bumisita siya dito sa bahay. Naka poker face lang siya. At hindi nagsalita kaagad.

" Congratulations? Ganoon ba? 20 year gap? Sachza? Ganyan pala ang mga tipo mo." Nakangisi niyang sambit. Agad ko siyang sinampal. Hinawakan niya ang pisngi niya dahil doon.

" Iba na ang ugali mo dash. Hindi ko alam kung dahil ba iyan sa selos mo, o dahil hindi mo matanggap na hanggang magkaibigan lang talaga tayo." Pag amin ko dito. Tumingin siya sa akin ng diretso. Sinalubong iyon ng mga mata ko. Hindi ko nagugustuhan ang ugali ni Dashiell. Noong huli kaming nag usap ay nasigawan niya ako.

" Hindi ako nagkakaganito dahil hindi ako ang nakatuluyan mo. Nagkakaganito ako kasi umiiba din ang ugali mo, hindi lang dapat ako ang sinasabihan mo ng ganiyan, dapat ang sarili mo din. Alam kong may boyfriend ka na, pero sana naman, pansinin mo parin ako. Magkaibigan parin naman tayo hindi ba?" Mahabang lintanya niya. Napakagat ako sa aking labi dahil sa sinabi niya. Pareho kaming nag iwas ng tingin sa isat isa.

" Paano kita bibigyan ng atensiyon kung binabalewala mo ako? Binabalewala mo ang effort ko para mapansin mo ako. Dash, ilang araw ako pabalik balik sa bahay ninyo, ilang beses kitang tinatawagan, para makipag ayos, hindi mo naman ako sinasagot. Ganoon ba ang gusto mo? Hinahabol kita?" Pagalit na sambit ko. Kaunti nalang ay bubuhos na ang luha ko. Hindi ko alam at hindi ko maisip na aabot kami sa ganito ni Dashiell dahil lang nagkaroon na ako ng nobyo sa unang pagkakataon.

" Gusto ko din maranasan na hinahabol ako ng taong mahal ko. Gusto kong maranasan  yung pinaparanas mo kay Mr. Villareal. Gusto ko ako iyong binibigyan mo ng effort, sach. Hindi ko na alam!" Lumayo ako ng distansiya sa kaniya. Hindi naman magkakaganito si Dashiell kung hindi siya nasasaktan ng sobra. Masyado na ba akong maksarili? Na pati kaibigan ko ay napapabayaan ko na dahil lang sa isang lalaki?

" Nag usap na tayo, nangako pa nga tayo noon na hindi tayo kailanman mahuhulog sa isat isa dahil hanggang magkaibigan lang talaga tayo, hindi mo na ba maalala iyon, Dashiell?"

" Tandang tanda ko, Sach. Ginawa ko ang lahat para hindi ako mahulog sayo, pero hindi ko magawa, bawat kilos mo, may epekto saakin." Tinapik ko ang braso ni Dashiell at saka ngumiti sa kaniya.

" Magusap tayo sa ibang araw, Dashiell. Umuwi ka na."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon