29

40 12 1
                                    

Naglalakad lang ako dito sa parke na pinupuntahan namin ni Alessandro. Siguro ay naguusap parin sila ngayon. Buti nalang hinanda ko ang sarili ko sa pwedeng mangyari. Alam ko namang hindi nila ako matatanggap, dahil sa estado ko sa buhay.

" Anak? Kamusta? Nasaan na kayo?" Masayang bati ni mama saakin sa telepono ko. Nagpanggap akong masaya sa tawag kahit hindi naman.

" Ayos naman po ma, namasyal lang po kami ni Alessandro saglit." Medyo may pagtawa ang sabi ko, para mukhang masaya naman ang tono ng boses ko. Narinig ko naman ang tawa ng mga tita at tito ko sa background ni mama. Agad na tumulo ang luha ko. Alam nila siguro ay tanggap ako ng mga Villareal.

" Talaga ba? Tanggap ka ba ng pamilya nila anak? Ano ang sabi nila sayo?"

" Tanggap naman po, maayos po ang pag uusap namin kanina." Sambit ko. Agad nanamang tumawa sila mama dahil sa tuwa. Hindi na ako nagpaalam at saka na pinatay ang tawag.

Magisa kong naglalakad dito. Hinahantay kong tumawag si Alessandro kaya lang wala parin hanggang ngayon. Isang linggo palang namin ni Alessandro, pero ganito na kaagad ang nangyari.

" Sweetheart.." Napalingon ako sa boses na narinig ko. Paglingon ko ay si Alessandro na pala. Agad niyang hinapit ang beywang ko at saka siniil ako ng halik. Gumanti naman ako doon.

" Tapos na ba kayong nagusap ng mama mo--"

" We don't talk, kanina pa kita hinahanap, andito kalang pala." Niyakap niya ako at saka hinalikan ang aking noo. Ngumiti ako sa kaniya upang makita niyang ayos ako sa kabila ng nangyari kanina.

" Hindi ko na nasabi sayo na narito ako, baka kasi magalit ko pa ang mama mo." Malungkot niya akong tinignan sa mata ko. Hinawakan ko naman ang mukha niya at saka ako ngumiti.

" I'm sorry, after I drive you home, i'll talk to her." Tumango ako dito. Sumakay ako sa kotse niya. Kakain muna kami bago niya ako ihahatid sa bahay. Ano nalang ang iku kwento ko kila mama pagdating namin.

" Sungit pala ng mama mo, sabi ko na, kailangan kong mag ready e." Napatingin siya saakin dahil sa sinabi ko. Napalunok ako sa tingin niya. Ngumiti ako ng awkward, baka nagalit ko ito. Kumakain kami, dito sa dati naming pinagkainan noon.

" I know you're hurt, sa mga sinabi ni mama kanina, don't lie sweetheart.." Umiwas ako ng tingin. Masyado na bang halata sa akin na naapektuhan ako?

" Alam mo Alessandro, hindi sa pagiging nega. Alam ko naman ng hindi ako matatanggap ng pamilya mo, simula palang. Mayaman ka, nasa gitna lang ako. At saka tama naman ang mama mo, wala akong maibibigay sayo." Nag igting ang panga niya sa sinabi ko. Hinila na niya ang kamay ko kahit na hindi pa kami tapos na kumain. Pinasok niya ako sa kotse niya.

" Baby, listen, you're just pressured, hindi mo kailangang isipin ang mga bagay na iyan, ikaw lang, okay? Ikaw.." Umiwas ako ng tingin. Nabitin naman ako sa kinain namin. Di bale na nga. Tumingin ako kay Alessandro.

" Alam ko, hindi na mauulit, natatakot lang ako, na baka, hindi talaga tayo matanggap ng pamilya mo, at saka sigurado ka ba na tayo talaga hanggang dulo?" Pinagsalikop niya ang braso niya at saka tumingin ng mataman sa akin.

" Sisiguraduhin ko, Zacharielle, saakin ka habang buhay."

Nakaabang ang mga tita at tito ko sa loob ng compound namin. Mas lalo silang na excite ng makita kaming dalawa ni Alessandro.

" Kakausapin ko  muna si mama, magkita tayo bukas, tatawagan kita." Paliwanag niya. Tinanggal ko na ang aking seatbelt. At saka kinuha na ang bag ko.

" Hmm, hihintayin ko ang tawag mo, mag iingat ka, Alessandro."

" I'm sorry--" Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya ng siniil ko siya ng halik. Ngumiti siya dahil doon.

" Mahal kita, Alessandro."

Pagbaba ko ay sinalubong ako ng mga tita ko. Agad nila akong tinanong tungkol sa nangyari kanina. Buti nalang ay habang nasa byahe ako, nag isip na ako ng mga dahilan na sasabihin sa kanila.

" Ano? Maayos ba? Anong sabi nila?" Excited na tanong ni Tita Veronica. Ngumiti ako at saka matapang na sinagot sila.

" Pinuri po niya ang damit ko, at saka ang ayos ko. Napakaganda ko daw pong bata at saka bagay daw po kaming dalawa ni Alessandro." Napapalakpak pa sila sa sinabi ko. Kahit na naiinis ako sa mga sinasabi ko, pinipilit kong maging malumanay.

" Ano pa? May iba pa bang sinabi?"

" Iyon lang po, may inasikaso po kasi ang mama niya kaya umalis kaagad, pero ayos naman daw po ako para sa anak nila." Ngumiti sila tita saakin.

" Buti naman wala tayong problema sa mga villareal. Nakakatuwa naman." Buti naman po at wala kayong problema. Baka isa isa nila akong batukan kapag sinabi kong nilait ako ng mama ni Alessandro. Ngumiti nalang ako at saka nagpaalam na mag aayos na muna sa bahay.

Maaga matutulog ngayon si mama dahil may pasok pa siya. Maaga din siyang kumain, mamaya pa ako kakain dahil may mga assignments pa ako.

" Anak, matutulog na ako, bukas maaga akong aalis."

" Sige po ma, goodnight."

Dahil sa buryong na nararamdaman. Binuksan ko ang telebisyon at doon nalang gumawa ng assignments sa sala. Wala naman na akong ibang gagawin, kaya manunuod nalang muna ako habang hinihintay ang tawag ni Alessandro.

Inaliw ko ang sarili ko sa paggawa ng assignments, ayaw ko din namang maunang tumawag kay Alessandro dahil baka makaistorbo ako sa paguusap nila.

" Dashiell, natapos ko na pala ang math, salamat sa tulong mo." Nakipag video call muna ako kay Dashiell. Wala pa naman si Alessandro. Anong oras na at inaantok na din ako.

" Titignan ko parin bukas kung tama mo ba lahat, bakit hindi ka pa matulog?"

" Hinihintay ko ang tawag ni Alessandro." Narinig ko ang tikhim niya galing sa kabilang linya. Ngumiti naman ako dahil doon.

" Kita tayo bukas, maaga ba? Wala akong kasama dito sa bahay bukas." Inumpisahan ko ng ligpitin ang mga gamit ko. Natapos ko naman na ang mga gagawin ko kaya matutulog na muna ako. Baka kasi hindi pa sila tapos na magusap.

" Sige, umaga."

Pinatay ko na ang tawag. At saka papatayin ko na sana ang t.v ng makarinig ako ng dalawang pamilyar na tao na binanggit ng reporter.

" The wedding of Mr. Villareal and Ms. Andante is now scheduled."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon