45

42 7 0
                                    

" Bakit naman napakalayo ng byahe papunta doon? Baka liblib na lugar naman ang pupuntahan natin?" Umiling ang aking staff sa sinabi ko. Chineck niya ang logbook niya. At saka niya ipinakita saakin ang building na pupuntahan namin.

" Parang ngayon ko lang nakita ang building na iyan ha?"

" Yes ma'am, nasa tagong part ang building nila dahil dinudumog po ito ng tao araw araw." Tumango ako. Ilang minuto ang nakalipas, nasa labas na kami ng building, nagkumpol ang mga tao at saka naghanda ng mga sarili, alam siguro nila na ako ang laman ng kotseng ito.

Unang lumabas si Hyacinth para tignan ang lugar, may mga guards sa labas para sunduin ako at salubungin.

" Mag aayos muna ako saglit."

" Yes ma'am."

Naglagay ako ng make up. Inayos ko ang aking buhok at ang aking damit bago tuluyang umalis.

Bulungan at sigawan ng tao ang narinig ko. Todo bantay naman ang mga guwardiya para walang makakuha ng litrato ko. Ngumiti nalang ako sa kanila. Ang iba naman ay may ibinibigay sa mga guards ko na letters at bulaklak.

" Nasaan daw ang CEO nila?"

" I don't even know ma'am. His secretary is waiting for us." Tumango ako. Pagdating namin sa bungad ng kanilang building at binati ako ng sabay sabay ng mga tauhan nila.

" Good evening, Ms. Olivencia." Yumuko ako at saka ngumiti.

" Good evening." Ngumiti sila.

" Good evening ma'am Olivencia, the heirs of this company is waiting for you." Naglakad na kami papunta sa opisina nito. Napaka laki ng building, kaya sumakay pa kami ng elevator. Pagdating namin sa 20th floor, agad akong sinalubong ng mga tauhan sa bungad. Ngumiti sila saakin.

" Nakalagpas na tayo sa Office, bakit hindi tayo doon huminto?" Takang tanong ko. Halos nakalayo na kami sa opisina, pero hindi naman kami huminto. Agad kong nilakihan ng mata ang staff ko, nagkibit balikat naman siya.

May mga guwardiya naman kaya kung may mangyari saakin ay may nakabantay.

" This way ma'am. He wants to talk to you in private, maiwan po ang staff niyo sa labas." Napatanga ako sa siinabi niya. Acting cool parin naman ako kahit na nagtataka na ako sa mga nangyayari. Tinapik ko ang balikat ni Hyacinth, para alam niya ang gagawin niya.

Ngumiti siya saakin at saka niya ako tinanguan.

" Thank you."

Pinihit ko ang doorknob. Agad akong nakapasok. Isang malaking kwarto ang bumungad saakin. Panay sofa ang nasa gitna. May mga shelf din dito kung saan  nakalagay ang mga librong makakapal. Mga cabinets, paintings at kung ano ano pa.

Kulay black ang buong opisina, may chandelier pa sa gitna nito. Napakalamig ng buong opisina. Namataan ng mata ko ang isang mahabang lamesa kung saan naroon at nakatalikod na nakaupo ang may ari daw ng kompanyang ito.

" Excuse me Sir. I'm here." Malamig na sambit ko. Makalat ang opisina. Bakit ba hindi niya nililinis ang mga ito? Nagkalat ang mga papel sa baba. Napaka gulo naman ng mga ballpen. Yuck.

" Excuse--"

" It's nice to see you here, Ms. Olivencia." Agad akong napamura ng makita kung sino ang lalaking nasa harapan ko. Inikot niya ang upuan niya at saka siya nagpakita. Tangina. Agad akong nakaramdam ng sakit ng dibdib. Hindi ko pinahalata na naapektuhan ako sa mga titig niya.

Alessandro Villareal is their boss?!

Fuck it.

" It's nice to see you too, Mr. Villareal, what can i help you?" Malumanay na sambit ko. Ngumiti pa ako. Hindi naman na ako naapektuhan sa presensiya niya. Hindi lang ako makapaniwala na siya ang kumuha saakin at siya ang boss nila dito. Tangina talaga.

" I will pay you billions, for you to train my models for our upcoming fashion week." Tumango ako para ipahiwatig na naintindihan ko ang sinabi niya. Wala akong balak na umupo. Kahit anong gawin niya saakin.

Tumayo siya at saka nakapamulsa na naglakad palapit saakin.

" How many models? Kailan namin sisimulan?" Tumingin siya ng mataman sa aking mata. Sinalubong ko ang mga iyon. Nahigpitan ko ang hawak ko sa aking bag, kailangan ko ng umalis pero hindi pwede.

Ngumiti siya at saka umiwas ng tingin bago binasa ang kaniyang labi.

" I don't know, my secretary is not in here. Can you start tomorrow? Our fashion show will start next month, and i badly want you to train them." Sabi niya. Tumango tango naman ako sa sinabi niya. Next month pa, pero bakit naman ang aga niyang magpa train? Baka malaking event ang magaganap?

" I need to see my schedule first before we start. Baka may kailangan pa akong tapusin--"

" Well then, if you don't have any appointments for tomorrow, you'll start." Tinaas baba ko ang aking kilay. Hindi ako nagtatanggal ng glasses ko. I don't want him to see my reactions.

Tinuro ng kamay niya ang upuan, kaya naman umupo kami sa may sofa. Agad akong umayos ng upo dahil sa suot ko. Binaba ko ang aking bag sa lamesang nasa harapan namin.

" About the contract, i want you to sign it, para sigurado akong hindi ka magba back out--"

" I'm not that kind of person, Mr. Villareal. I do my tasks perfectly and smoothly, so i think, it's not needed." Napalunok siya sa sinabi ko. Agad kong inilayo ang papel na hawak niya. Hindi ko kailangan ng ganoon, hindi naman ganyan ang ginagawa ko kapag may shootings and all. He's fooling around. I knew it.

" Okay then, you have your atm number? Or you have your card there? Ipapasa ko na kaagad ang pera." Aktong tatayo ako para tawagin ang staff ko ng umiling siya.

" Sa staff ko nalang gawin iyan, siya ang may hawak ng cards ko, wala dito sa bag ko." Paliwanag ko. Tumango naman siya. Ngumiti naman ako. Nanahimik kami ng ilang minuto, at saka bumwelo na magpapaalam na.

" Okay then, i'll wait for you tomorrow---"

" You don't have to wait for me, Mr. Villareal, i think i can't make it, i have my appointment with Mr. Ocampo." Nag igting ang panga niya sa sinabi ko. Agad akong tumayo at napangisi ng makita ang reaksiyon niya.

Kukunin na sana niya ang aking beywang kaya lang ay iniwas ko ito.

" Don't come near me, Mr. Villareal. That's illegal.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon