32

35 9 0
                                    

" Sac--" Hindi naituloy ni Dashiell ang sasabihin niya ng sampalin ko kaagad ang kaniyang kabilang pisngi.

" Pinagkatiwalaan kita, dash. Bakit kailangan mong sabihin kila mama?" Iyak ko sa harapan niya. Sabi kong hindi ako iiyak e. Pero bakit ganito? Hawak niya ang kaniyang pisngi. Medyo na guilty ako sa ginawa ko sa kaniya kaya umiwas ako ng tingin.

" Alam kong mali, sachzna, alam kong hindi pwedeng sabihin, pero nahihirapan ka na." Medyo pagalit na sambit ni Dashiell. Nasa bahay namin si Dashiell. Wala si mama ngayon, at hindi din naman ako pwedeng lumabas ng bahay.

" Kaya ko ang sarili ko, dashiell, hindi mo kailangang magsumbong, kasama ko si ---"

" Si Mr. Villareal na ang alam gawin sa iyo ay saktan ka?, tangina naman, sach. Sinabi kong iwasan mo na yang lalaking yan." Napalunok ako sa sinabi niya. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ng bahay namin. Kagat ko pa ang labi ko. Hindi ko kayang tumingin kay Dashiell.

Bakit kailangan niyang sabihin? Sinabi kong kaya ko. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya kila mama.

" Hindi si Alessandro ang gumagawa ng problema, dash. Ako at ang pamilya niya ang may problema---"

" Kahit anong sabihin mo, parte parin siya ng Villareal. Anak siya ng mga Villareal. Ibig sabihin, kasama siya sa pamilya, pero sayo lang siya nakakampi!" Hahawakan niya sana ang aking kamay kaya lang ay iniwas ko ito ng mabilisan. Ni hindi niya na nagagawang umupo sa paborito niyang upuan dito sa bahay namin. Pareho kaming nakatayo at nagiinit ang ulo sa isat isa.

" Dash, hindi ko lang inaasahan na sasabihin mo. Ayoko lang kasing malaman nila mama na may problema ako tungkol dito." Naging malumanay ang boses ko sa sinabi ko. Ayoko ng makipag talo pa. Baka pati ang relasyon ko kay Dashiell ay mawala din dahil sa pesteng pangyayari na ito.

" Sach, kung ako sayo, hihiwalayan ko na ang Villareal na yan. Naakit kalang naman niya. Iiwan ka din niyan."

" Dashiell, naririnig mo ba ang sinasabi mo?" Ngumisi siya bago umiwas ng tingin at saka hinapit ang beywang ko. Hinawakan ko ang kaniyang mga braso.

" Sorry, okay? Ayoko lang ng nahihirapan ka. Kaibigan kita, pinangako ko sayo na hindi kita hahayaang masaktan, pero yan ang kalagayan mo ngayon, kahihiyan para saakin to, hindi kita maprotektahan." Tinapik ko ang kaniyang braso dahil sa sinabi niya. Ngumiti kaming pareho. Buti naman at hindi na tatagal pa ang away na ito.

Pagod na akong magisip kung anong paraan ang gagawin ko para maging ayos ang lahat at matanggap ako ng mga magulang ni Alessandro.

" Dash, sorry. Mahal ko si Alessandro, at gagawin ko ang lahat para matanggap ako ng mga magulang niya---"

" Kita ko sa mata mo na nahihirapan ka na. Huwag mo lang pababayaan ang sarili mo. Kung pagod ka, magpahinga ka bago ka lumaban ule, hmm?" Ginulo niya ang buhok ko na dati niyang ginagawa.

Napangiti ako dahil doon. Niyakap ko siya.

" Salamat dashiell.."

" I love you, Sachzna.."

Duty sana ngayon ni Alessandro, pero hindi ko siya makita dahil hindi naman ako pwedeng umalis ng bahay. Ang mga pinsan ko ay pinagbawalan din na suportahan ako sa kalokohang gagawin ko para lang makita siya. Ni hindi sila lumalapit saakin. Si mama naman ay patulog na. Kaninang tanghali ay nasa labas siya maghapon, para bantayan ang kilos ni Alessandro.

" Sachzna, isara mo ng mabuti ang pintuan, matutulog na ako." Pumunta ako sa pintuan at saka isinara iyon. Lumapit ako kay mama dahil papasok na siya sa kwarto niya.

" Goodnight ma.."

" Magpahinga ka na, Sach.."

Ilang oras lang akong nakatulala sa kisame ng kwarto ko. Tinatamad naman akong buksan ang starlights ko. Mas gusto kong bukas ng tuluyan ang mga ilaw. Nakahiga lang ako habang nakatulala sa hangin. Biglang tumunog ang telepono ko.

Si Alessandro iyon. Namimiss ko na siya.

" Sweetheart.." Napangiti ako sa unang linya niya ng sagutin ko ang tawag. Hirap akong magsalita dahil baka marinig ako ni mama. Pero sigurado akong tulog na iyon.

" Hmm? Miss na miss na kita, Alessandro." Narinig ko ang mura niya sa kabilang linya kaya nagtaka ako. Agad akong bumangon ng kama at hinintay ang susunod na sasabihin nito.

" Open your door. I'm outside." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad akong lumabas ng kwarto ko at sinilip muna si mama. Pagpihit ko ng dahan dahan sa kaniyang pintuan ay nakita kong naghihilik na ito, kaya baka malalim na ang tulog niya.

Maingat akong naglakad palapit sa pintuan. Hindi naman ako nakagawa ng ingay kaya dahan dahan akong lumabas. Nakita ko agad siya. Hinila niya ang kamay ko at saka dinala ako sa kotse niya.

" Alesandro--" Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko dahil agad niyang siniil ng halik ang labi ko na kaagad kong tinugunan. Hinawakan ko ang magkabila niyang braso.

" I miss you, sweetheart.."

" I miss you too, Alessandro." Pinaandar niya ang kaniyang sasakyan at nahinto nalang kami sa kaniyang bahay. Pumasok ako doon. Naka cotton shorts lang ako at saka malaking tshirt. Ni hindi ako nakapag ayos ng mukha ko. Sa sobrang excited na makita si Alessandro kanina.

" Bakit wala ka sa labas kanina? Hinihintay kita." Sambit niya ng ibaba niya ang susi ng kaniyang kotse sa maliit na lamesang nasa gilid ng pintuan.

" Hindi ako pinayagan nila mama na lumabas. Sinabi ni Dashiell ang mga nangyayari sa pagitan ng pamilya mo at saka saatin." Paliwanag ko dito. Nag igting ang panga niya sa sinabi ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya at saka niya hinawi ang mga buhok na tumatakip sa aking mukha. Niyakap ko siya.

" I'm sorry for hurting you, baby. I'm sorry for giving you problems." Nginitian ko siya sa sinabi niyang iyon.

" Basta nasa tabi kita, Alessandro, hindi ako susuko, maliwanag?"

" I love you--"

Tumingkayad ako at saka hinalikan siya. Sinagot niya ang mga iyon. Hawak ko ang kaniyang batok upang laliman ang aming halik. Dahan dahan kaming naglakad papasok sa kwarto niya.

" Alessandro--"

" I'll make you happy tonight, sweetheart..."

Hinawak ko sa bedsheet ang aking mga kamay ng walang pasabing inatake ng kaniyang daliri ang aking maselang bahagi ng katawan.

" Are you ready?"

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon