" Alessandro!!" Tigil ko sa kaniya sa airport. Aalis siya ng walang pasabi? Aalis siya ng hindi ko alam? Kailan niya pa naging balak iyon?
" Pigilan niyo ang babaeng iyan." Turo ni Vynzyll sa mga guards nila. Kinuha ng mga guards ang aking dalawang braso at saka ako inilalayo kay Alessandro, hinawakan naman ni Vynzyll ang braso ni Alessandro.
" Alessandro, tignan mo ako, akala ko ba hindi mo ako iiwan? Akala ko ba lalaban tayo?" Sigaw ko sa kaniya. Tinignan niya lang ang aking mga mata ng parang walang pagasang mabuhay. Umiwas siya ng tingin. Kumakalas ako sa mga guwardiya nila. Wala naman dito ang mama niya. Tanging guwardiya at sila Vynzyll at si Alessandro.
" Hindi ka na niya mahal, Ms. Olivencia. Ikakasal na kami sa susunod na linggo. Kaya umalis ka na habang maaga pa." Tumulo ang aking mga luha sa narinig ko. Tila nanlambot ang aking mga tuhod at kusa akong napaluhod sa sahig ng airport. Nakakagawa kami ng eskandalo pero wala kaming pakialam.
" Alessandro, h- hindi mo na ba ako mahal? Nag sawa ka na ba saakin--"
" Can i talk to her, just once, babe?" Gumuho ang mundo ko sa sinabi niya at narinig. Babe? Tawagan nila? Umiwas ako ng tingin ng tumango ng nakangiti si Vynzyll at saka hinalikan niya ang labi ni Alessandro, hindi naman tumugon si Alessandro sa ginawa ni Vynzyll.
Akala ko ba lalaban kami? Akala ko ba hanggang dulo, Alessandro? Akala ko ba tayo hanggang sa huli? Bakit bigla kang sumuko? Bakit umatras kaagad? Bakit ka nagsawa? Anong nangyari?
" Our flight will be in 2 hours, Alessandro, make it fast, i'm jealous--"
" Don't be, i love you."
Mas lalo akong nakaramdam ng saksak sa aking dibdib. Nakikita ko lang na ganoon ang ginagawa at mga salitang naririnig ko mula sa bibig ni Alessandro, para akong mawawalan ng buhay at lakas. Lumapit sa akin si Alessandro at binitawan ako ng mga guards. Nasa lapag parin ako ng sahig ng airport at nakayuko lang. Mukha akong talunan.
" Sachzna--"
" Sinungaling ka! Akala ko ba tayo hanggang dulo? Akala ko magpapakasal tayo? Akala ko mahal mo ako? Alessandro--"
" Tumigil ka na." Napalunok ako sa sinabi niya. Kinuha niya ang panga ko at saka hinahanap ng mga mata niya ang mga mata ko. Umiwas ako ng tingin. Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko.
" Wala akong magawa sa desisyon ni Mama. Tinakot nila ako, tinakot nila akong sasaktan ka nila at papatayin, kaya mas mabuting sundin ko na ang iuutos nila." Sunod sunod ang iling ko. Kaya umiwas siya ng tingin at saka kinagat niya ang labi niya. Nakahawak ang dalawang kamay ko sa sahig ng airport.
" Sinabi mo saakin na kahit anong mangyari, saakin ka babagsak, saakin ka kakampi, pero sinungaling ka, binigay ko sayo lahat, p-pati katawan ko, Alessandro." Humikbi ako. Si Vynzyll naman ay nakatingin lang saaming dalawa ni Alessandro. Minsan naman ay tinitignan niya ang kuko niya at minsan naman ay kumukusilap.
" I know, please?--"
" Tangina mo, Alessandro, t- tangina mo, a- ang sakit sakit. H-hindi ko alam na ganito ang kahahantungan nating dalawa. Umalis ka na, hindi kita kailangan." Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang saksakin, barilin at kung ano ano pa, para naman maranasan niya ang sakit na ibinibigay niya saakin. Tangina mo, Alessandro.
Kinuha niya ang kamay ko, pero hindi ako nagpatinag. Tumayo ako at saka inayos ang damit ko. Ang mga guwardiya naman ay nasa gilid ko lang, wala naman silang ibang ginagawa. Si Alessandro naman ay tumayo din para magpantay ang mga tingin naming dalawa.
" Sachzna, babalik ako, hindi ako magpapakasal kay Vynzyll--"
" Kahit na magpakasal kayo at magka anak, huwag ka ng bumalik sa akin." Nagkaroon ako ng lakas upang sampalin siya. Agad siyang napahawak sa kaniyang pisngi. Nagulat naman si Vynzyll sa ginawa ko. Ng maramdaman ni Alessandro na lalapit si Vynzyll ay agad niya itong sinenyasan na huwag na.
" Zacharielle--"
" H- huwag mo na akong tatawagin sa ganiyang pangalan, Alessandro, umalis ka na. Naghihintay na ang asawa mo." Mapait na sambit ko. Umiwas ako ng tingin at saka pinunasan ang sarili kong mga luha. Dapat siya ang gagawa nito. Kaya lang ay wala na ang dating si Alessandro.
Ikakasal na siya. Ikakasal na siya sa taong siguro'y mas mahal niya kaysa sa akin.
" Babe, let's go, the plane will fly soon, baka maiwan tayo, sayang ang ticket." Maarteng sambit ni Vynzyll kay Alessandro. Tumingin si Alessandro sa mga mata ko. Hindi ako tumitingin sa kaniya. Dahil alam ko sa sarili ko na kapag sa oras na maglapat ang mga tingin namin, mas lalo akong lalambot at mahuhulog ang aking puso sa kaniya. Baka hindi na ako magagalit sa kaniya.
Marupok ako.
" Sana masaya ka sa desisyon mo, Alessandro, sana hindi ka magsisi, totoo naman na mas maganda ang buhay mo kapag siya ang papakasalan mo, huwag ka ng babalik, k- kasi sa oras na bumalik ka, baka mahalin ulit kita." Hikbi ko. Agad akong umayos ng tayo at saka handa ng umalis. Hinawakan ni Alessandro ang kamay ko.
" Mahal kita, Zacharielle, araw araw. Paalam."
Patuloy akong humihikbi habang nasa labas ng airport at sinisilayan ang eroplanong sinakyan ni Alessandro na lumipad at umalis. Magisa kong nakaupo sa isang bench na narito ng may naramdaman akong umupo.
Si Mr. Ocampo?
" Umalis na ba siya?" Tumango tango ako habang sinusundan ng aking mata ang eroplano nilang nasa langit na at umaalis ng paunti unti.
" Iniwan na ako ng taong nangako saakin na hindi ako iiwan. Papakasalan niya ang babaeng mas mahal niya kaysa sakin." Humikbi nanaman ako. Maayos na ang pakiramdam ko kanina. Bakit ba kasi tinanong niya nanaman? At saka bakit ba andito iyan sa airport? Bakit nakasunod?
Hinawakan niya ang magkabila kong braso at inalalayan akong makasandal sa kaniyang balikat.
" Hindi mo siya kailangang iyakan, Sachzna. Sinayang ka niya, siya dapat ang nagkakaganyan at hindi ikaw." Napatingin ako sa sinabi niya. Umayos ako ng tayo dahil aalis na ako at uuwi na, baka kasi nag aalala na sila mama saakin, kailangan kong mag ayos ng sarili.
" Can i drive you home? I'll be good, Ms. Olivencia.."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...