" Bitiwan niyo ako!" Kalas ko sa mga taong nakatakip ang mukha at tinatali ang kamay ko sa silya. Nasa isang puting kwarto ako at tanging ilaw lang sa tuktok ng ulo ko ang mayroon dito. Ni hindi ko nakita ang dinaanan namin kanina dahil naka tali din ang mga mata ko.
Nasaan ba ako?
" Sino ba kayo!" Bulyaw ko sa mga taong nasa paligid ko. Nasa gilid lang sila ng pintuan at hindi nagpapakita sa liwanag.
Tangina, kung ang bruhang matanda nanaman ang may pakana nito, baka mapatay ko na ang isang iyon, hindi ko na gusto ang trato niya saakin. Wala na kami ni Mr. Villareal.
" Well, nandito na pala ang basurang babae na ito." Napatingin ako sa babaeng naglalakad palapit sa direksiyon ko. Napangisi ako ng makitang siya mga ang nagpa kidnap sa akin. Ang nanay ni Alessandro na hindi maka move on sa aming dalawa.
" Ano nanamang kailangan mo saaking bruha ka? Hindi ka ba makapag move on sa mga sinabi ko sayo noon?" Ngisi kong tanong sa kaniya. Nakita kong naka heels parin ito pero hindi na ganoong kataas. Baka nirarayuma na. Nakakita ako ng isang lalaki na palapit sa mama ni Alessandro.
May dalang tubo?
" Buti nalang at wala na si Alessandro, masasaktan na din kita, nagtitimpi lang ako sayo noon, dahil kasama mo si Alessandro.."
" Ahh!" Bulyaw ko ng ihampas niya sa aking hita ang tubong hawak niya. Napaka brutal naman ng mama nito. Baka naman hindi matinong business ang mayroon sa kompanya nila. Mukhang magaling sa hazing ang isang ito.
" Ayan, kailangan mong magmakaawa sakin upang itigil ito. Isa kang talunan!" Sambit niya. Umarko ang katawan ko ng maramdaman nanaman ang tubo sa aking hita. Agad akong napasigaw sa sakit dahil doon. Hindi ako kailanman hihingi ng awa sa kaniya.
Isa pang hampas ay naramdaman ko ng sumasakit ang mga laman ko sa bawat hita ko, namumula din ang mga iyon.
" Tangina, tumigil ka na bruha!" Sigaw ko. Napapikit ako sa sakit ng maramdaman ang aking buto na parang nabali na. Tangina, sinubukan kong galawin, ngunit mas lalo lang sumasakit ang mga iyon. Putol na ata.
Brutal ang isang ito.
" That's what you get, you brat! Isa kang hampaslupa, walang kwenta at isang basura na walang ambag sa mundo!" Sigaw niya. Matanda naman ang isang ito pero bakit anlakas ng palo niya sa akin? Baka may powers ang isang ito.
Nakakaramdam na ako ng pagka pagod sa ginagawa nila. Nakatali ang mga kamay ko, kaya wala akong magawa at hindi ko maipagtanggol ang sarili ko.
" Ano? Pagod ka na ba? Natauhan ka na ba sa ginawa mo sa anak ko?" Mapait na sambit niya saakin. Tumigil siya ng sandali sa paghampas sakin. Tangina, makawala lang ako, papatayin ko ang isang ito.
" Oo, may isip na ako, isang kang brutal at bruha-- ahh!-- n- nakakapagtaka kung bakit ikaw ang ina ni Alessandro, masyadong malayo ang ugali mo sa kaniya." Agad na nag init ang ulo niya sa sinabi ko. Kaya naman napa tawa ako ng wala sa sarili. Ni hindi ko inaasahan na makakatawa ako sa mga nangyayari saakin ngayon.
Itim na ang kulay ng aking mga hita, at saka dumudugo na din ang ilang parte nito. Pagod na ako.
Alessandro, nasaan ka na?
" Kung ako sayo, huwag ka ng magpapakita saakin.." Tumigil siya sa pagpukpok sakin ng tubo. Nakakita nanaman ako ng isang lalaki na may hawak na pitsel ng malamig na tubig. Agad akong napangisi, iinumin niya? Napagod?
" Bakit niyo ba ginagawa sa akin to? Hindi na ba kayo kuntento na wala na kami ng anak niyong tarantado?" Sambit ko. Dinuraan niya muna ang pitsel na may lamang malamig na tubig bago niya ibuhos sa akin.
" Naging tarantado lang naman ang anak ko, dahil sa kulam na ginawa mo!" Dinuraan ko din siya. Tangina, kung ganyan din naman pala at patayan na ang labanan namin, lalaban na ako sa matandang ito.
Naiinis na ako.
" Ilagay niyo siya sa putik! Dalian niyo!" Tinanggal nila ang tali ng kamay ko. Kumalas ako sa kanila. Hawak nila ang aking mga braso, lumapit ako sa matandang ito. Tinignan ko siya sa mga mata niya.
" Kapag nakawala ako dito, papatayin kita."
Pinaluhod nila ako sa sahig at saka nila nilublob ang mukha ko sa putik na ginawa nila.
" It suits you, very well, sweetheart-- oh, that's your callsign right?" Iniling iling ko ang mukha ko para mawala ang putik na nasa mukha ko. Tanginang buhay, kung minamalas ka nga naman o.
Sa pangalawang pagkakataon, nilublob nila ang mukha ko sa putik. Tumatawa lang ang bruha habang nakikita akong nahihirapan.
" Isa kang demonyo, Mrs. Villareal. Isa kang halimaw.." Walang patid na sabi ko habang nilulublob sa putik ang aking mukha. Ng magsawa sila ay pinatayo nila ako at inilagay naman sa isang drum na may laman na tubig.
" Ilublob ng tuloy tuloy yan, pagtapos ay itapon niyo iyan sa malayong lugar, aalis na ako, ayaw kong makakita ng baboy."
" Siguraduhin mong hindi ko makikita ang mukha mo, papatayin kita."
Hindi niya ako pinansin.
Sunod sunod nila akong nilublob sa drum na ito. Mag kakasya pa ata ako dito e.
Umiiyak ako habang walang patid silang nilulublob ang aking mukha sa drum. Katapusan ko na ba? Ngayon na ba ako kukunin ni Lord? Bakit naman napaka aga?
Kailangan ko ng tulong.
Nabuhayan ako ng dugo ng makarinig ako ng tunog ng baril. Natigil sila sa paglublob saakin at naghanda sila ng maaaring sumugod saamin.
" Pasok!" Nabitawan ako ng mga lalaking nakahawak sakin ng sumugod ang mga pulis dito sa lugar kung saan nila ako inilagay. Napahiga nalang ako sa sahig dahil hindi na ako makalakad pa. Mahina na ang mga hita ko dahil sa palo ng tubo kanina. At saka pagod na ang mga mata ko dahil sa paglublob nila.
Sana masaya ka, Alessandro.
" Fuck it!, call an ambulance!" May tumatapik sa aking balikat, at tinitignan ang kalagayan ko. Nakamulat ng kaunti ang aking mga mata, ngunit hindi ko makita ang lalaking nasa harapan ko.
" Sachzna, darling, open your eyes--"
" M- Mr. Ocampo.."
![](https://img.wattpad.com/cover/268139317-288-k190204.jpg)
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...