Mugto ang mata ko ng pumunta sa training day namin. Buti nalang at natakpan iyon ng make up. Naglagay ako ng ointment sa aking ulo. Hindi ako makapag isip ng maayos dahil sa nangyaring paguusap namin. Bumabagabag parin saakin ang lahat ng sinabi niya.
" Saan ang mga isusuot niyong damit para sa fahion show niyo? Can you show it to me?" Lumbas sila isa isa sa training room at nagpalit. Marami ang mga damit na imomodel nila, kaya magaling silang nagpila pila para maipakita ang mga damit na irarampa nila sa stage.
" Ma'am, that's the first batch of their collection, after that, next collection naman po ule." Tumango ako. Tinignan ko naman sa papel ang bawat sketches ng damit, isa isa silang nagrampa sa harapan. Nakita kong pumasok sa pintuan si Alessandro. Binati siya ng mga models. Tumango lang ito.
" Good morning, Ms. Olivencia." Sambit ni Alessandro saakin. Tumango lang ako at saka ibinalik ang tingin sa tinitignan ko sa folder. Tumayo ako para tignan silang maglakad.
" Okay, model number 1, you're outfit is backless dress, so it's important for you to always turn around para makita nila ang nasa likod mo. You have to highlight your back, because that's a backless dress."
" Got it, ma'am."
Nanliliit ang mata ko habang tinignan siyang maglakad. Napatango ako ng natapos siyang maglakad. Nagpalagay ako ng music, para mas mafeel nila na namomodel sila.
" Good, next!" Sumunod naman ang iba pang nakasuot ng dress. Ngumingiti sila saakin kapag humihinto sila.
" Stop-- the girl at the right side wearing that slit dress. Come over here." Napahawak ako sa aking ulo. Shit. Ang sakit nito.
Lumapit saakin ang staff ko ngunit sinenyasan ko siyang ayos lang ako. Si Alessandro naman ay may kausap sa telepono habang nakatingin saakin.
Ngumiting pumunta sa harapan ko ang babaeng tinawag ko kanina.
" You should highlight your slit dress not your face, miss. Move your hands up or down to your legs for them to know that you are modeling that kind of dress, got it?" Tumango siya at saka ngumiti. Yumuko siya ng kaunti.
" Got it ma'am, i'm sorry."
" You don't have to."
Sumunod naman na collection ang dumating. Panay naman sapatos ang suot nila. Ibat ibang uri ng sapatos. Kaya naman nakatingin naman ako sa kanilang mga paa.
" Stop! Miss!--- step forward." Yumuko ako para itali ang kaniyang sapatos. Nakita kong lumapit si Alessandro saakin at saka hinawakan ang aking beywang para tulungan akong tumayo.
" Why did you do that? You're wearing a skirt, damn it." Bulong niya saakin. Nagtayuan ang mga balahibo ko. Umiling nalang ako at saka pinaumpisahan na ang tugtog. Ng marinig nila ay isa isa na silang naglakad. Mas matataas ang kanilang heels ngayon, kaysa dati.
" Be careful, just focus-- omygod!" Napatayo ako ng nadapa ang isang babaeng kakatapos lang magrampa. Napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ng sakit dito. Tangina, wag ngayon. I have to finish this first, mamaya ka na.
" Miss, mali ang pagikot mo--, breaktime nga muna." Huminto ng kusa ang tugtog. Nagpahinga ang mga models at saka sila umupo sa bawat gilid ng kwartong ito. Tumayo naman ako at saka pumwesto sa harapan nila.
Bibigyan ko sila ng sample paano rumampa.
" Ladies, this is how you should model your shoes-- this, turn around and point your right foot." Naglakad ako ng dahan dahan at saka naka focus na tumingin sa salamin. Namataan ng mata ko ang titig ni Alessandro sa akin sa salamin. Napalunok ako. Ng mairampa ko ng maayos ay nakangiti sila at pumalakpak pa. Nag thumbs up naman ako sa kanila.
" What's the next collection?"
" Bags." Maikling sagot ni Alessandro. Tumango naman ako. Natapos kami sa shoes. Medyo maayos naman na, kaya sa next collection na kami. Naghintay lang ako ng saglit dahil nag ayos pa sila.
Ng makarating na sila at tumayo nanaman ako.
" Okay, alam niyo na ang gagawin diyan, any poses will do." Tumango sila. Nag start ang music. At nagrampa sila. Ayos naman ang lahat kaya walang naging problema. Napa buntong hininga sila ng matapos na ang training namin.
" Well done. Got to go--"
" Zacharielle." Tawag saakin ni Alessandro. Sukbit sukbit ko na ang bag ko sa aking tagiliran, kaya lang, tinawag niya naman ako. Isa isa na ding umalis ang mga models.
" What do you need? I have my photoshoot." Kusilap ko dito sa hangin. Agad siyang nagiwas ng tingin. Umalis naman si Hyacinth, dalawa nalang kami ni Alessandro na narito sa training room.
" I'm sorry for yesterday, you look pale." Sambit niya. Lumingon ako sa salamin, nakita kong ayos naman ang aking mukha. Baka inaantok ang isang ito.
" I am tired yesterday, and then you want to talk about the past. This is your fault." Diretsahang sambit ko. Umiwas siya ng tingin. Akala mo hindi ako sasagot sayo?
Ngumiti lang ako ng plastik para ipakita sa kaniya na ayos ako.
" That's why i'm saying sorry. I want to treat you somewhere, are you free?" Napangisi ako ng marinig ang sinabi niya. Umiling ako at saka may kinalkal sa aking telepono.
Ipinakita ko ang schedule ko sa kaniya.
" See? I have so many appointments to do. Do you need anything? I'm going." Umiling siya. Tinapik ko ang kaniyang braso bago ngumiti at saka umalis sa harapan niya.
Habang naglalakad ako ay napapabuntong hininga ako. Bastos na ba ako sa ginawa ko? Siya parin ang may ari ng building na ito. At binabayaran niya ako. Tama lang naman sa kaniya iyon, ni hindi naman siya nagrereklamo e.
" After ng shooting, saan tayo didiretso, Hyacinth?" Tanong ko sa aking staff na nasa tabi ko. Naglalagay ako ngayon ng ointment sa aking ulo. Para hindi ako madaling mapagod.
" It's your free time after your shoot ma'am. You want to go somewhere else?" Tanong ni Hyacinth. Agad akong nagisip, sa bahay nalang siguro ako, o kaya naman ay doon sa may condo. Mas gusto kong manatili doon para tahimik ako.
" Sa condo nalang siguro tayo dumiretso, umuwi ka na after nito." Ngumiti naman si Hyacinth.
" Thank you ma'am."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...