Umaga palang ay nagluluto na sila mama at tita. Nakahanda na din ang susuotin ko para mamaya. Busy na silang lahat.
" Tulungan ninyo ang ate niyo na maglabas ng mga lamesa doon sa bakantang lote!" Lahat ng lamesa namin sa bahay bahay ay nilabas. Mga pinsan ko ang katulong ko. Mapabata o mapamatanda na. Kasama ko silang magbuhat.
" Anak, bumili kayo ng yelo, ilalagay natin sa cooler mamaya, para sa mga salad." Kinuha ko ang pera na ibinigay ni mama. Lalabas ako ng compound at tatawid pa, bago makabili.
" Ate, 10 yelo po." Kaya ko kayang buhatin lahat yon? Wala pa akong kasama kasi nga bawal lumabas ang mga bata. Nabasa ko na din ang sign sa labas ng gate.
" Ito o, kaya mo--"
" Tulungan na kita, ma'am." Napabaling ang atensiyon ko sa isang pulis na nasa likod ko. Nakita ko ang gilid ng uniporme niya kung saan nakalagay doon ang kaniyang apelyido.
Pascua.
" S-salamat po, kahit sa pagtawid lang po ng mga iyan, ayos na po ako." Kinuha niya ang isang supot na malaki ng yelo, sabay kaming tumawid, nakatingin ang masungit na pulis, kinusilapan ko.
" Ito, ayos ka na ba dyan?"
" Opo, salamat po." Nakita ako ng mga pinsan ko, kaya naman tinulungan nila ako na magbuhat, nilagay namin ang mga iyon sa cooler. Matatapos na din kasi sila sa salad, mga softdrinks din at mga ibang prutas nilagay namin doon.
" Anak, pakiayos ang lamesa doon sa labas. Lagyan niyo na ng mga pantakip, para maganda na ang ayos nila." Kinuha ko ang mga magagandang tela ni mama, at saka inilagay iyon sa lamesa. Naglagay din ako ng thumbtucks para hindi sila hanginin mamaya.
" Ate, nakatingin yung pulis dito, ansama ng tingin sayo kanina." Tinignan ko ang pulis na nakatingin nga saakin. Ansama ng titig niya. May hawak siyang papel. Sinamaan ko din siya ng tingin.
" Hayaan mo siya, napahiya ko kasi nung isang araw e, kaya baka mainit ang dugo saakin." Natawa sila sa sinabi ko. Tanghaling tapat ay nagluluto sila. Sa kahoy na kami nagluto para hindi aksayado sa gas. Mahal kasi ang gasul sa panahon ngayon.
" May mga tsokolate po galing doon kila tita gracelien, kuha daw po tayo doon mamaya." Tumango ako. Naglalaro na ang mga pinsan ko, kaya naman inabala ko ang sarili sa pagtulong kila mama at tita. Sila tito ko naman ay nagkakabit nf ilaw para mamaya.
" Ano pong itutulong ko ma? Baka po kailangan niyo ng mga paglalagyan ng mga pagkain?" Sinilip ko si mama na busy sa paghahalo ng spaghetti. Kahit na pawis na pawis na ako dahil sa init, wala akong pakialam.
" Oo anak, pumunta ka doon sa bahay nila tita veronica mo, andoon ang mga lalagyanan nitong spaghetti." Nagpaalam ako kay mama na pupunta na doon. Ilang oras ang nakalipas, natapos na sila sa mga lulutuin, nilabas na din namin ang mga prutas doon sa lamesa.
" Tara na, maligo na tayo, para mamaya, sasalubungin nalang natin ang bagong taon, tapos kakain na!"
Nagsialisan muna kaming magpipinsan para maligo at magpalit.
" 3!"
" 2!"
"1!"
" Happy new year!!!" Sigaw namin sa isat isa, ang iba naman ay nagtorotot. Sila tito ko naman ay nagsindi ng paputok, todo kuha naman ako ng video doon.
" Happy new year!" Panay beso at yakap ang ginagawa namin, nakaraos kami sa nakaraang taon, ngayong taon naman, babangon ule at haharap sa iba't ibang problema ng sama sama.
" Kumain na kayo, mamaya na ako magpapalaro, kailangan muna nating tikman ang mga niluto namin!" Sabay sabay kami umupo, nagdasal muna kami. Pagtapos non ay sabay sabay kaming kumain. Ganon parin naman bawat taon sa amin, hindi mawawala ang saya, kainan at mga palaro.
Nagkaraoon din kami ng picture taking, para naman may remembrance kami para sa pagsalubong sa bagong taon.
" Anak, mamaya, magbigay kayo ng mga pinsan mo doon sa pulis, magsorry ka, nako, pinag highblood mo ata si Sir Villareal." Tumawa ang mga tita ko. Napailing ako, kumain muna ako. Hindi ko sila pinansin. Bakit ako magso sorry? Porket ba hindi ko lang nabasa ang sign?
" Ate, lahat daw tayo mamaya, magpapapicture din si Ate trisha doon kay Sir ocampo." Napatingin ako kay Ate trisha. May gusto siya doon kay Sir Ocampo? May braces iyon, ang ganda nga ng ngiti niya e. Mabait pa.
" Oo, mamaya, sachzna ha? Samahan mo akong magpakuha ng litrato sa kaniya." Kinikilig na sambit nila. Sila tito ko naman ay busy na sa pagiinom, nasa kanilang mga lamesa na sila.
" Ito anak, iabot niyo doon sa pulis, batiin ninyo sila, para naman masiyahan sila, nagduty sila kahit na bagong taon, dapat kasama nila ang pamilya nila ngayon." Napapailing ako sa sinasabi ni mama. Bakit ba gusto nila iyong lalaki na yon?
" Sachzna! Magsorry ka kay Sir Villareal a? Baka mamaya sabihin non, masungit ang mga Olivencia." Tumango nalang ako. Hawak ko ang isang malaking lalagyan na may lamang spaghetti, ang mga pinsan ko naman ay salad, softdrinks at mga prutas.
" Sir Matias, Sir Ocampo, Sir Pascua!, Happy new year po!" Lumapit sila saamin, lahat sila ay nabati ko, maliban sa isa. Nakatingin siya sa mga dala namin. Kung pwede lang na huwag niyang tikman ang mga ito, mayaman ang isang iyon, baka hindi kumakain ng bigay.
" Salamat, paano ang mga plato ninyo--"
" Kahit huwag niyo na pong ibalik!" Nagtawanan sila sa sinabi ko. Napangiti ako. May mga kakilala naman akong pulis na andito, at nagkakangitian kami minsan. Ang pinsan kong isa ay hindi na mabaling ang tingin sa pulis na nagugustuhan niya.
" Tara na, magpa picture na tayo, para makauwi na---"
" Pwede po bang makahingi ng litrato kasama kayo?" Agad na tumayo ang mga pulis. May mga ibang pulis na binitawan ang baril na nakasukbit sa kanila. At saka sila nag form para mag picture na.
" Lapit lapit nalang kayo para--"
" Ate sachzna, lapit po kayo ng kaunti kay Sir Villareal." Umiling ako. Umaatras ako pabalik sa pinsan ko. Handa na silang kumuha ng litrato kaya lamang ay hindi nila magawa dahil sa likot ko.
" Tumabi ka na, nakakahiya kila sir, para matapos na." Tinigasan ko ang ulo ko.
" Ayaw ko--" Tinulak nila ako sa harapan ni Sir Villareal at saka sila kumuha ng litrato. Pinilit kong ngumiti para maganda ang kuha nila.
Nanindig ang balahibo ko sa binulong ng pulis na masungit sa aking tainga.
" Happy new year, Ms. Olivencia.."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...