46

44 7 3
                                    

Napahiga ako sa aking kama ng marealize ang nangyari sa akin kanina. Kumatok si mama sa aking kwarto dito sa bahay.

" Anak, kanina pa mainit ang ulo mo, hindi ka pa kumakain." Sambit ni mama saakin. Agad siyang tumabi sakin at umupo naman ako.

" Ma, nakita ko si Mr. Villareal, siya ang kumuha sakin at balak akong bigyan ng bilyon, para itrain ang mga model nila." Napailing si mama sakin. Kahit na ako din ay napasabunot sa aking buhok. Hinagod naman ni mama ang aking likod.

" Talaga ba anak? Paano iyon?" Umiling nalang ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit naman kasi siya pa?

Niyakap nalang ako ni mama, yumakap ako pabalik sa kaniya.

" Ako na po ang bahala ma, basta po, hindi niyo na kailangan pang makialam." Tumango si mama at saka ngumiti. Nagpaalam si mama na aalis na. Tumango naman ako.

" Hyacinth, paki sabi kay Mr. Villareal na maaga akong pupunta sa building nila, gabi nalang daw kami aalis ni Asrael."

" Sige po ma'am, goodnight po."

Naglagay ako ng aking hikaw. Mataas na heels ang dala ko. Kulay black ito. Nagsuot ako ng puting skirt at saka white na puff sleeves. Expose ang aking cleavage sa damit na ito, pati ang aking likod at collarbones ko.

Naglagay ako ng isang necklace na galing pa sa Europe. Binili ko ito ng minsan akong mag model doon.

" Ma'am, are you ready? Let's go, Mr. Villareal is waiting for you and the models also." Tumango ako. Nakabyahe kami ng mabilis dahil narin sa walang traffic. Nakarating kami doon at sinalubong kami ng mga guwardiya niya.

Nilagay nila kami sa isang kwarto na puno ng salamin. Agad akong pumasok doon. Naabutan ko si Mr. Villareal at mga models na naguusap.

' omygod! She's so sexy'

' omy! I can't believe it.'

' ang ganda niya.'

Dinig kong bulong ng mga models. Ngumiti ako sa kanila. Para naman silang kiti kiti na hindi mapakali at saka kinikilig.

" Good morning ladies."

" Goodmorning, ma'am."

Lumapit saakin si Alessandro. Hindi ako ang lalapit sa kaniya, siya ang may kailangan saakin. Ngumiti siya at saka pinaliit ang distansiya sa pagitan  namin.

" Can you start? I want to see you with them." Sambit niya. Tumango ako at saka tinignan ang mga models. Nakangiti sila sa akin. Naka paa pa silang lahat, baka nagpapahinga pa ang mga paa nila.

Kinuha ni Hyacinth ang aking bag at saka pumwesto siya sa gilid para tignan din ako. Mataas ang heels ko kaya nagiingat ako na maglakad. Pumwesto ako sa harapan ng mga babaeng ito.

" How many models are in here?" Sambit ko. Agad silang nagbilang. Tinignan ko sila.

" We have here 25 models, Ms. Olivencia." Tumango ako. Tinignan ko ang mga paa nila. Ng makita nila ang ginawa ko ay tumawa sila ng mahina.

" Where's your shoes, ladies? Can you wear them now? Let's start." Tumango sila. At saka pumunta sa mga gamit nila. Nakita ko silang nagsuot ng mga heels na matataas. Pero mas mataas parin  ang aking heels kaysa sa kanila.

" -- okay, i want to see your posture, ladies. Can you show them to me?" Agad silang tumayo ng maayos at saka nag fierce sa aking harapan. Nakaline naman sila ng maayos at nakikita ko silang lahat. Si Alessandro naman ay nasa gilid lang at nananahimik na nakatingin saakin.

Naglakad ako ng dahan dahan at lumapit sa mga models na ito. Chineck ko ang kanilang posture. Dahan dahan akong naglakad dahil ang aking heels ay napakataas din.

" The girl at the back, yung likod mo, paki ayos." Malamig na sambit ko. Agad niyang inayos ang sarili niya. Ngumiti naman ako para ipahiwatig na hindi ako nagagalit, sadyang seryoso lang ako kaya malamig ang aking boses.

" Okay, now, let me see your walk, i want you to walk by three. Hindi sabay sabay." Ang unang tatlong naglakad ay agad akong nakakita ng pagkakamali. Kaya tumayo ako sa aking upuan at saka sila nilapitan.

" The way you hold your waist, it's not like that, Miss. You have to do it like this, and then sway your hips smoothly." Hinawakan ko ang aking balakang at saka ako nagsample kung paano maglakad. Agad naman silang nagpalakpakan. Hindi ko iyon pinansin.

Sinimulan nanaman nilang maglakad. Sumunod naman ang isa pang batch. Nakakita nanaman ako ng isang pang pagkakamali. Kaya lumapit ako sa kanila.

" Your face, miss. Kapag fierce, hindi dapat lumalabas ang ngipin mo, okay? Just focus on the lights, don't show your teeth or your smile." Tumago ang babae at saka siya naglakad ule. Pumalakpak ako para isenyas na ang susunod na batch na ang kailangang maglakad.

Ilang beses silang naglakad bago ko nakita ang pagkakamali.

" Comeback! Back!-- come here, Miss Long hair, may pagkakamali ka." Sambit ko. Agad siyang bumalik sa aking harapan. Ang ibang mga models naman ay halatang tensyonado.

Humarap muna ako sa kanilang lahat.

" Relax, ladies, I'm not mad. i have to be very serious when it comes to trainings. You can all do it, I'm just here."

" Thank you Ms. Olivencia." Ngumiti ako.

Hinawakan ko ang beywang ng babaeng may mali kanina at saka iyon iginaya para maayos ang postura niya.

" Ms. Olivencia, break time daw po muna." Nakaupo sa sahig ang mga models at nakaharap saakin habang kumakain ako. Nakatingin lang sila saakin. Kumakain ako kay binabalewala ko iyon.

" Are you tired, Ms. Olivencia? I'll reschedule the training if you--"

" It's fine, Mr. Villareal, it's my job anyway. Matatapos naman na kami." Ng matapos ako ay agad akong tumayo at pumwesto ako sa harapan ng mga model para makipag kwentuhan muna sa kanila.

Agad silang umayos ng upo ng makita nila akong uupo sa kanila. 

" Hi ma'am--- ang ganda niyo po--"

" Kaya nga po ma'am, ang sexy pa."

Ngumiti ako sa sinabi  nila saakin. Tumawa sila ng makita ang reaksiyon ko.

" You are all beautiful too, ladies. You did a great job today." Bati ko  sa kanila at mahinang pumalakpak. Nakangiti lang sila saakin. Namataan ng mata ko si Hyacinth na papunta sa aking kinauupuan. Agad na nangunot ang aking noo.

" Ms. Olivencia, Mr. Villareal wants to talk to you in private.."

Between Us Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon