" Alessandro!" Tawag ko sa kaniya ng magkita kami station nila. Naghatid ako ulit ng meryenda nila, kaya naman nagkita kami.
" You're so stubborn, i told you don't wear those kind of shorts." Tinignan niya ang suot kong pangibaba at saka umiwas ng tingin. Sinukbit ko ang aking kamay sa kaniyang leeg. At saka tumingkayad para halikan ang pisngi nito.
" Nasa bahay lang naman ako, Alessandro, kaya ganito ang sinusuot ko."
" Pero kapag pupunta ka dito, magpapalit ka dapat, may ibang mga pulis na narito." Umirap ako sa sinabi niya. Napaka oa naman pala nito maging jowa. Natawa ako sa naisip ko.
" Alessandro naman, may mga asawa na ang mga kasama mo, si Sir Ocampo, may nililigawan, ikaw nalang nga ang wala e." Tumawa siya at saka hinalikan ang aking noo. Kumalas ako sa yakap at saka inilagay ang meryenda niya sa lamesa. Malamig ang kwartong ito.
" Naniniguro lang ako, baka may makaagaw--"
" Alessandro, gusto ka palang makausap nila tita ko. Kung kailan ka pwede, pupunta tayo sa bahay." Sambit ko. Nasa tabi niya lang ako at nakaupo ng maayos. Tumingin siya saakin bago sumubo ng pagkain niya.
" I'm not busy today, you want me to go to your house?" Nakakahiya naman kapag ngayon siya bibisita. Kailangan namin paghandaan ang pagbisita niya. Dahan dahan akong umiling at saka mapait na ngumiti.
" Huwag na muna ngayon, hindi naman kumpleto ang mga tita at tito ko, sa susunod na mga araw nalang." Tumango siya. Hinintay kong maubos ang kaniyang kinakain bago ako nagsalita ule.
" What are we going to do now? Sweetheart?" Napalingon ako sa sinabi niya. Napaka tamis ng mga salita niya, nagtataka ako bakit sa ganitong edad siya nagkaroon nf girlfriend, at ako pa.
" Hindi ko alam, may trabaho ka pa atang ginagawa, aalis na ba ako?" Tumayo ako. Tumayo din siya. Magpapaalam na muna ako. Baka nakakaistorbo ako. Siya lang magisa ang andito sa loob ng opisina. Ang mga iba niyang kasama ay nasa labas.
" Huwag muna, dito ka lang." Hinigit niya ang aking beywang at saka sinandal sa lamesa. Napahawak ako sa mga gilid niyon bilang suporta. Nakatingin lang ako sa kaniyang mga mata. Bakit ko nga ba nagustuhan ang lalaking ito?
" I love you, Alessandro." Ngumiti siya ng malaki at saka umiwas ng tingin. Kinuha ng dalawang kamay ko ang kaniyang mukha at saka pinisil ang kaniyang pisngi.
" Stop teasing me, sweetheart, walang kama dito." Agad kong pinalo ang kaniyang dibdib dahil doon. Binuhat niya ako at saka pinaupo sa lamesang nandito. Hinawi niya muna ang mga papel na nandoon at saka niya ako maingat na iniupo doon.
" Baka may makakita saatin, Alessandro." Tinignan niya ang pintuan. Nakita ko namang nakalock iyon. Kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Gumala ang kamay niya sa aking hita. Hinayaan ko iyon na nandoon lang.
" You're not complaining, is it okay if i hold your thighs?" Dahan dahan akong tumango. Hold lang naman e. Nakita ko ang kamay niya sa aking hita. Napakalaki naman ng kamay niya. Siguro kapag magkahawak ang kamay namin, napakaliit ng kamay ko sa kaniya.
" Bakit may iba ka pa bang gagawin sa hita ko? Kaya magcocomplain ako?" Binasa niya ang labi niya at saka niya ako tinignan ng mataman sa aking mata. Sinalubong ko iyon ng matamis na ngiti. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at saka nilaro ko iyon.
" Your hands are so tiny, Zacharielle, they're cute." Tinignan ko siya at saka ngumiti. Pinagsalikop ko ang aming kamay. Nagulat ako ng napakaliit nga ng kamay ko kapag magkahawak kamay kami. Natawa ako ng mahina dahil doon.
" Kailangan ko ng umalis, baka naiistorbo kita--"
" I want to cuddle with you." Niyakap niya ako. Magkapantay kami kaya hindi ako nahirapan. Nasa taas parin ako ng lamesa. Niyakap ko siya pabalik.
" Magkita uli tayo mamayang gabi, kapag hindi mo na shift, lalabas ako ng bahay, okay?" Tumango ito habang nakayakap saakin. Nilagay ko ang aking mga kamay sa kaniyang balikat at saka niya ako inalalayang bumaba. Ng makababa ako, niyakap nanaman niya ako.
" I'll wait for you, tatawagan nalang kita mamaya. I love you."
" I love you too, Alessandro."
Nasa labas lang ako ng bahay namin maghapon, mainit kasi sa bahay, at sayang naman ang aircon kapag pinatagal mo ng maghapon, sa gabi lang namin iyon binubuksan para hindi aksayado sa kuryente.
" Anak, naitanong mo ba kay Mr. Villareal kung kailan ang punta niya dito?" Tanong ni mama saakin habang busy ako sa paggawa ng mga projects ko. Nasa labas kami at nagaaral kasama ang mga pinsan ko.
" Hindi pa po ma, baka mamaya, itatanong ko po--"
" Ate? Kayo na ni Mr. Villareal?" Takang tanong ng mga pinsan kong maliliit. Tumango ako sa kanila bago ginulo ang mga buhok nila. Nanlalaki naman ang mga mata nila.
" Oo, kami na, bakit?"
" Parang noong isang buwan lang ay sinungitan mo, tapos ngayon, mag jowa na kayo?" Natawa ako sa sinabi ng pinsan ko.
" Hindi ko na nasabi sa inyo, masyado kayong busy sa pag aaral, kaya ngayon niyo lang nalaman." Ngumiti sila at saka tumango tango. Nakita ko si Ate Trisha na padating dito saamin.
" Ilang araw na hindi lumalabas si Ate Trisha, may nalaman kasi." Ano kaya iyon? Baka dahil sa nililigawan ni Sir Ocampo?
" Anong nalaman niya?"
" Na si Sir Ocampo, may nililigawan na." Napangiti ako ng tumama ako sa aking naisip. Umupo si ate Trisha sa mga tita ko, at ngumiti na parang ayos ang lahat. Napailing ako.
" Oo, may nililigawan talaga iyon, sinabi niya saamin nila Alessandro noong isang araw." Naging busy na sila sa mga projects nila. Hindi na din naman ako kumibo pa.
Nasa kubo kami. Para hindi naman magalit si Alessandro sa suot ko. Nasa labas siya at naka shift. Kaya baka magalit.
" Ate, diba mayaman sila Sir Villareal? Edi kapag kinasal kayo, magiging mayaman nadin tayo?" Binato ko ng papel ang pinsan kong 14 years old na nagsabi noon. Agad siyang natawa bago ibinalik saakin ang papel.
" Ang pagmamahal, hindi nakukuha sa materyal na bagay okay? Kahit naman hindi mayaman iyang si Alessandro, mahal ko parin iyan.."

BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...