Kinakabahan man ay kumilos ako agad dahil ngayon ako ipapakilala ni Alessandro sa kaniyang mga
magulang." Magiingat ka doon anak, tawagan mo kami kapag inapi ka nila." Umirap ako sa sinabi ng mama ko. Nakabihis na ako at naghahanda ng umali, nasa daan na din si Alessandro papunta dito.
" Ma, alam ko naman po ang gagawin ko, huwag kayong mag alala." Ngumiti si mama. Naaninag ko na ang sasakyan ni Alessandro, huminto muna siya sa station nila bago siya sumakay uli at nagpark sa harapan namin.
" Magandang umaga po, ipapaalam ko po si Zacharielle." Hinawakan niya ang kamay ko at saka pinisil iyon ng mahina. Tumango naman si mama bago bumaba ang tingin niya sa kamay namin ni Alessandro.
" Ingatan mo lang ang anak ko, Villareal. Humanda ka saakin kapag pinaiyak mo yan." Masungit na sabi ni mama. Nilakihan ko ng mata si mama para sabihin na tumigil siya, kaya lang, hindi niya naman ako nakita. Tumawa si Alessandro bago siya tumingin kay mama.
" Hindi ko po gagawin iyon, aalis na po kami--"
" Mag iingat kayo."
Sumakay na ako sa kotse ni Alessandro. Napakatingin siya sa kamay ko. At saka hinawakan iyon. Pinisil pisil niya pa ng kaunti.
" Ang lamig ng kamay mo, kinakabahan ka ba?" Inilagay niya ang kamay ko sa kaniyang pisngi. Tumango ako at saka ngumiti ng dahan dahan.
" Kinakabahan ako ng kaunti--"
" Akong bahala sayo."
Nagmaneho na siya ng sasakyan papunta sa bahay nila. Habang nasa byahe, hindi ko mapigilang magisip ng mga bagay bagay, paano kapag ayaw nila saakin? Dahil sa estado ko sa buhay ko?
" Good morning, ma." Bati ni Alessandro ng makarating kami sa bahay nila. Agad kong nilibot ang tingin ko sa kabuuan ng bahay nila. Napakaganda ng bahay nila. Mansiyon.
" Sino iyang babae na iyan, Alessandro? Sinabi kong si Vynzyll lang ang kailangan mong idate." Masungit na sambit ng mama ni Alessandro. Kinakabahan man ay ngumiti ata para bumati. Ibubuka ko na sana ang aking bibig ngunit pinigilan niya ako.
" Nabalitaan kong isa kang Olivencia, compound? Really? Huwag mo ng subukang magsalita." Nalunok ko lahat ng sasabihin ko sa sinabi ng mama niya. Napayuko na lamang ako sa sobrang pagkapahiya. Sumisigaw sa yaman ang mama nito. Naka suot pa ito ng guwantes.
" Ma, calm down, you're scaring her--"
" That's good, natatakot siya, para hindi na siya magkaroon ng lakas na loob na tumapak sa pamamahay na ito." Umiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Hinawakan ni Alessandro ang kamay ko ng mahigpit. Tinignan ko iyon.
" Mawalang galang na po, ako nga po pala si Sachzna Zacharielle Olivencia." Nakangiti akong bumati at singit ko sa kanila kahit na hindi naman niya tinatanong ang pangalan ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Kulang nalang ay tumirik ang mata niya sa kakairap saakin.
" Ano naman ang trabaho ng magulang mo? Balita ko dito kay Alessandro, wala kang ama." Tumango ako ng dahan dahan sa sinabi niya. Totoo naman na wala na akong papa. Bakit ko naman itatanggi.
" Isa pong masahista ang mama--"
" See? Ang mga Andante, napakayaman, ito pa ang kinuha mo--"
" Ma, mahal ko si Zacharielle." May diin na pagputol ni Alessandro sa sasabihin ng mama niya. Tumaas ang kilay ng mama ni Alessandro sa akin. Lumapit siya sa distansiya ko.
" Anong gayuma ang ginamit mo sa anak ko? Bakit mas gugustuhin niyang magmahal ng isang pobre kesa sa isang gintong babae?" Napalunok ako sa sinabi niya. Nginitian ko nalang ito bilang sagot sa pagsusungit niya.
" Hindi po kami pobre, Mrs. Villareal, maayos po akong nakakakain tatlong beses sa isang araw." Pang aasar ko dito. Hindi ko na kaya ang pagsusungit niya. Kaya nagiging sarkastiko na din ang boses ko. Kailangan ko lang gumalang dahil pamilya siya ng nobyo ko.
" Kahit na, anong maibibigay mong buhay kay Alessandro? Pera ba ang habol mo sa pamilya namin?" Umiling ako at saka agad na sumagot sa kaniya. Hinahamon ata ako nito.
" Ma'am, kung pera po ang habol ko sa inyo, sana po matagal na akong pumasok bilang isang magnanakaw, mahal ko po ang anak ninyo, iyon lamang po." Agad siyang napabuntong hininga. At saka nagpaypay ng sarili. Lumayo siya saakin ng kaunti at saka may tinawag na kasambahay ata o kaya naman ay guwardiya.
" Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo, kung saan ka man nanggaling, umalis ka na." Hinawakan ni Alessandro ng mahigpit ang kamay ko para hindi ako mahila ng mga guwardiya nila. Sinenyasan niya ang mga guwardiya na tumigil, sinunod naman nila iyon.
" Ma, bigyan niyo naman po ng respeto si Zacharielle, she's our visitor anyway." Umiwas ng tingin ang mama niya sa akin. Nanahimik ako sa gilid. Hawak ko ang aking sling bag.
" Bisita mo, Alessandro, hindi ako tumatanngap ng bisitang walang modo at cheap." Napakagat ako sa aking labi, kung pwede lang na sagot sagutin ang mama niya. Ginawa ko na. Titiisin ko muna ang panglalait niya sa ngayon.
" Alessandro, ayos lang, umalis na tayo--"
" Ikaw lang iha, maiiwan ang anak ko dito dahil maguusap kami tungkol sa kasal nila ng mga Andante." Tumingin ako kay Alessandro ng sabihin iyon ng mama niya. Ngumiti ako at saka kukunin na sana ang kamay ko ngunit hindi niya binibitawan.
" Stay here, sweetheart, huwag kang maniniwala kay mama." Ngumiti lang ako bago tumango. Ang mga guwardiya ay nasa gilid ko padin.
" Stop calling her that, Alessandro, nakakadiri. Ano nalang ang sasabihin ng mga tito at tita mo kapag nalaman nilang hindi si Vynzyll ang kasa kasama mo?" Tumingin si Alessandro ng madilim sa mama niya. Nakatayo lang kami dito sa sala nila. Mula kanina ay hindi na nila kami naalukan ng upuan, baka ayaw nila akong paupuin.
" How many times ma? Siya ang mahal ko, ipinipilit ninyo saakin si Vynzyll para saan? Sa pera? Right? That's why you want me to marry her, para ang pera natin, hindi mawawaldas." Galit na sambit ni Alessandro. Agad naginit ang ulo ng mama niya kaya lumapit siya kay Alessandro.
" Sinisiguro ko lang ang magiging buhay ng mga apo ko, lalo na ikaw, Alessandro, ano ba ang maibibigay ng babaeng iyan sayo?" Nangingilid ang aking luha. Kaya minubuti kong sapilitang kunin ang kamay ko at saka nagpaalam na aalis na muna. Tumakbo ako palabas ng bahay nila.
" Aalis na muna ako.."
BINABASA MO ANG
Between Us
RomanceMaging Pulis. Iyan lang naman ang gusto ni Sachzna Zacharielle Olivencia kapag nakatapos na siya ng kolehiyo. Kaya naman nagsisipag siyang mag aral at makahanap ng scholarship para makapag aral siya sa pangarap niyang eskwelahan. Pero hindi niya i...